Chapter 22: Spill the Tea

27 1 0
                                    

DAPHNE

HAYS. Nakakaboring talaga kapag hindi ko kasama si Laytina. Nasaan na ba kasi 'yon? Sa pagkakaalam ko, inihatid kami nina Dale sa mga bahay namin. Bakit kaya hindi pumasok ang babaitang iyon? Baka may hang-over pa. Gaano ba kadami ang ininom niyang juice? Naalala ko na hindi siya pinapayagan ni Sir Dwayne na uminom ng kahit ano. Hindi naman masiyadong obvious si Sir doon. Grabe siya. Sana all talaga.

Pero, speaking of Sir Dwayne. Wala rin kaming klase sa kaniya nitong umaga. Hindi siya umattend ng klase. Why? Anong nangyayari sa mundo? Bakit parehas silang wala?

Matawagan nga ang bruha.

Bessi 096*******9

Wow! Ang tagal sumagot. Hindi kaya tulog pa siya? Anong oras na? Tanghali na!

Naghintay pa ako ng isang minuto. Hanggang sa may sumagot ng tawag.

"Hello?"

Mabilis na napataas ang mga kilay ko ng makarinig ng lalaking boses sa kabilang linya.

"H-Hello? S-Sino 'to?" kinakabahang tanong ko. Nasaan si Laytina?

"It's her brother." sagot nito kaya napahinga ako ng maluwag.

"Ahmm, bakit hindi po pumasok si Laytina ngayon?" tanong ko ulit.

"Masama ang pakiramdam niya."

"Ahh, kaya pala. Sige po, pasabi na lang po sa kaniya na tumawag ako. Thank you po." sabi ko at mabilis na ibinaba ang tawag. Shet! Hindi kaya dahil uminom siya kaya masama ang pakiramdam niya? Alam na kaya ng Kuya niya? Baka mapagalitan siya.

*****

NANG madismissed kami ng last teacher namin ay agad akong kumaripas ng takbo papalabas ng room namin.

Pinuntahan ko ang office ni Sir Dwayne. Kinatok ko iyon ng sunod-sunod hanggang sa bumukas iyon at iniluwa si Sir Dwayne na mukhang hindi natulog ng isang buwan.

Why naman ganito ang itsura niya? Daig niya pa si Panda sa We Bare Bears.

"S-Sir... anong nangyari sa mukha ninyo?" tanong ko at itinuro ang mga mata niya.

"Wala ito. Hindi lang ako makatulog kagabi dahil marami akong ginawa." sabi nito kaya tumango-tango ako.

Ano naman kayang ginawa niya? Sobra naman yata nangitim ang mga mata niya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong nito at pinapasok ako sa loob.

"Gusto ko lang itanong, Sir kung uminom pa rin si Laytina kagabi? Kasi, 'di ba po, hindi n'yo po siya pinapainom ng kahit ano?" tanong ko.

"..........."

"Sir?"

"Yes, she got drunk yesterday. Hindi ko alam kung kailan siya uminom, siguro noong nagpunta ako sa CR." paliwanag ni Sir kaya napasinghap ako.

'Yong babae na 'yon talaga! Ang galing niya, infairness.

"Kayo ba ang naghatid sa kaniya?" curious na tanong ko. Kasi, syempre 'di ba? Chance niya na 'yon, pero hindi ko sinasabi na ano ha? Huwag kayong ano d'yan.

Natahimik si Sir sandali bago tumango ng marahan.

"Yes... I... Ako nga ang naghatid sa kaniya. She's so drunk that night at naabutan siya ng Kuya niya which is hinihintay talaga siya." paliwanag ni Sir kaya naman napasinghap ako.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now