Chapter 11: I love you

280 13 0
                                    

LAYTINA

Tulad ng sinabi ni Kuya, sinundo niya nga ako. Aba! May isang salita pala talaga siya. Akala ko, paglalakarin niya na ako.

"Kuya, may girlfriend ka na ba?" tanong ko. Ang tahimik niya kasi habang nagda-drive, ni hindi niya ako tinanong kung kumusta ang pasok ko.

"Mukha ba akong may girlfriend? Wala. Bakit mo naitanong?" tanong niya naman. Napataas-kilay ako.

"Kasi, you're so tanda na then you have a trabaho naman." tag-lish ko. Natawa naman ito at binagalan ang andar ng motor.

"Gusto mo na bang mag-girlfriend si Kuya?" tanong nito. Napaisip ako bigla.

"Ikaw ba?" balik tanong ko.

"Oo naman pero gusto mo ba? Sayang kasi ang kapogian ko."

"Ikaw bahala, Kuya tutal pala-desisyon ka. Naitanong ko lang naman, kasi wala kang dinadalang babae sa bahay." sabi ko.

"Kahit kailan ka talagang bata ka." sabi nito kaya napatawa ako.

Maya-maya napadaan kami sa mga taong nagtitinda ng mga streetfoods. Bigla akong nag-crave sa isaw at fishballs na nakita ko. Naramdaman ko naman na huminto si Kuya kaya napatingin ako sa kaniya.

"By the way, namiss ko ang isaw. Ikaw, bunso?" tanong ni Kuya na napatingin doon sa isawan.

"Bibili ba tayo, Kuya?" excited na tanong ko.

"Hindi. Natanong ko lang." sabi niya kaya agad akong napanguso at inirapan siya.

"Joke lang. Let's go, treat ko." Aya niya kaya mabilis akong bumaba ng motor.

"Thank you, Kuya! You're the best!" sabi ko at inakbayan ito.

Natawa naman ito at naglakad na kami papalapit sa mga nagtitinda.

FASTFORWARD

SATURDAY


9:30 A.M.

"Kuya, pupunta lang ako kina Daphne." Paalam ko kay Kuya pagkatapos kong kumain.

"Bakit? Anong gagawin mo doon?" tanong nito.

"Ahm. Mangangamusta? Uuwi rin agad ako. Promise!" sabi ko at isinuot ang crocs ko.

"Sige. Umuwi ka kaagad dahil walang magbabantay kay Lola. May trabaho ako." sabi nito. Tumango naman ako at niyakap muna siya bago lumakad.

"Thanks, Kuya. Bye!" sabi ko at agad lumabas ng bahay.

Daphne's House

"Bessi, akala ko hindi ka pupunta? Nakakainis ka." salubong sa akin ni Daphne at kinurot-kurot ako. Napadaing naman ako at hinampas siya.

"Aray! Huwag mangurot." reklamo ko.

"Halika nga dito, Bessi. Magkuwento ka na noong nangyari kahapon." excited na chismis nito at naupo kami sa sofa nila. Wala ngayon ang parents at bunso niyang kapatid dahil may pinuntahan ang mga ito. Kaya malakas ang loob nitong chikahin ako.

Bigla namang bumalik sa isip ko 'yong mga nangyari. Hinalikan ulit ako ni Sir. Hindi ko na siya maintindihan kung bakit ginagawa niya iyon sa akin? Paano kung may girlfriend na pala siya tapos ginagawa niya sa akin iyon?

Girlfriend? E, bakla ang isang iyon.

"Bessi? Woo~hoo!" sabi ni Daphne kaya nilingon ko siya.

"M-May sinabi lang naman siya s-sa akin noong isang araw." sabi ko at tumingin sa bracelet na nasa kamay ko.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon