Chapter 8: Lost and Found

327 17 1
                                    

LAYTINA

PAALIS na sana kami ni Daphne para manguha ng kahoy ng tawagin kaming lahat ni Sir Dwayne. Agad kaming bumalik pati na rin ang iba naming mga kaklase na nakakuha na agad ng mga kahoy.

Teka? Hindi ba't mamayang 3 P.M. pa ang pagkuha namin ng mga kahoy? Alas-onse y media pa lang. Napaka-excited naman nila.

"Class, sa ngayon dahil nai-set n'yo na ang mga tents n'yo, kindly go to your groups because we're going to play games first." sabi ni Sir kaya naman agad naglapitan ang aming mga kaklase sa kani-kanilang groups.

"Hi, Laytina." bati sa akin ni Adrien.

Nginitian ko naman siya at binati rin. Nang makatioon na kaming lahat, tumapak si Sir sa isang malaking bato at tumingin sa aming lahat.

"Okay. The first game we'll play today is Tug of War. Each one of us will be divided into two groups and pull the prepared rope all together. So, how many groups do we have? Four? That's perfect because the winners of the first round will compete in the second round. Got it? Let's start! Who's going first? Any volunteer?" tanong ni Sir Dwayne kaya naman napatingin ako kay Daphne na umiling-iling. Tinawanan ko lang siya.

"Sir, 'yong grupo muna nina Laytina at Mandy!" sigaw ng isa naming kaklase kaya nanlalaki ang mga mata na hinanap ko ang nagsabi noon. Napalingon sa amin si Sir atsaka kami tinawag. What the fck!?

"Okay. Laytina and Mandy's group, come here in front. Dale, please get the rope we'll be using. It's inside our tent."utos ni Sir kay Dale na agad namang sinunod nito.

Naiinis akong lumapit sa kinaroronan ni Sir Dwayne pero muntik naman akong matumba ng maramdaman ang pagsagi nitong si Margaux sa likuran ko. Excited na excited ang bruha sa paglapit kay Sir Dwayne.

"We're going to win this game, Sir." bida-bidang sabi nito at tumingin pa sa akin ng may pang-aasar. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.

"Goodluck." sagot naman ni Sir na ikinatili ng bruha. Pssh. Akala mo kung sino. Hindi ka n'yan bet 'no? Kasi ako ang bet-- What did I say? Napakamakakalimutin ko na talaga. Hayss.

"Okay. So, let's start." sabi ni Sir ng mai-abot na sa kaniya ni Dale ang lubid na gagamitin namin.

Agad kaming pinapila ni Sir at nilagyan ng guhit ang pagitan namin ni bruhang Mandy. Magkaharap tuloy kami at mukhang hindi talaga siya magpapatalo. Hinawakan na namin ng mahigpit ang lubid atsaka sinimulang hilahin. Nagsimula na ring maghiyawan ang iba naming kaklase.

"Go, Mandy!"

"Adrien, galingan mo!" malakas naman na sigaw ni Dale.

Napansin kong lumalakas ang paghila ng kabila dahil umiisod na ang dulo ng paa ko. Napatingin ako kay Mandy na ngayon ay nakangisi sa akin.

"Loser." mahinang sabi nito na tanging ako lamang ang makakarinig.

At dahil sa sinabi nito, nakaramdam ako ng inis na naging dahilan para hilahin ko ng malakas ang lubid na hawak ko. Nanlaki ang mga mata ni Mandy ng madala namin sila at tuluyan silang lumampas sa guhit na pumapagitna sa amin.

"Yes! Ang galing natin!" masayang sabi ni Daphne at niyakap ako. Maging si Adrien ay napatalon din sa saya.

Ngumiti lang ako at tiningnan si Mandy na ngayon ay masamang-masama ang tingin sa akin. Dabog itong umalis sa gitna.

"So, Group ni Laytina ang unang nagkamit ng panalo. Next group natin." sabi ni Sir at tinawag na ang sunod na grupo.

Tahimik lang naman akong nanood hanggang sa mapatili ako ng grupo nina Dale ang nanalo. Agad na naghiyawan ang iba naming kaklase at nilapitan ang nanalo.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now