Chapter 10: Bracelet

282 14 0
                                    

LAYTINA


Nakahiga ako ngayon sa sahig dito sa kwarto namin. Hindi ko lang naman makalimutan 'yong kanina e.

Ikaw ba naman 'yong halikan ng gwapo... tapos teacher mo pa. Oh my gosh! Ano bang nangyayari kay Sir Dwayne? Nababakla na ba siya?

12:59 A.M.

"Argh! Bakit hindi pa rin ako inaantok? Kagigil naman! Self, huwag mo na isipin 'yon. B-Baka gano'n lang talaga si Sir, may pagka-sweet?" usap ko sarili ko at sinampal-sampal pa ang pisngi.

Hanggang ngayon nasa sahig pa rin ako. At hindi makatulog. Bumangon ako at tumungo na sa kuwarto namin ni Kuya. Matutulog na talaga ako.

Makalipas ang ilang oras ay naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Kuya.

"Layt, bumangon ka na d'yan." rinig kong sabi ni Kuya pagkapasok sa kwarto namin.

Hayss. Inaantok pa ako e.

Agad siyang humiga sa tabi ko at niyakap ako. Pilit ko namang iminulat ang mata ko kahit na ayaw pa talaga nitong mumulat.

"Wala ka bang trabaho ngayon, Kuya?" tanong ko at pinisil-pisil ang pisnge nito.

Pumikit naman siya. "Opo. Kaya bumangon ka na d'yan at ako ang maghahatid sa 'yo." sabi nito pero nagtalukbong lang ako ng kumot.

"Tsk. Mamaya na. Maaga pa, Kuya." sabi ko at muling ipinikit ang mga mata sabay tulog.

I-idlip lang muna ako talaga ulit ako. Gisingin n'ya na lang ako kapag papasok na.

Napabalikwas ako ng higa ng may kumurot sa akin.

"Layt..."

"Bakit ka ba nangungurot?" inis na tanong ko habang nakapikit. Bakit inaantok pa rin ako? Huwag na kaya akong pumasok?

"Tanghali ka na." rinig kong sabi ni Kuya.

Agad naman akong napabangon ng wala sa oras. Tumingin ako kay Kuya na bagong ligo.

"Kuya, anong oras na ba?" tanong ko.

"8:25 A.M."

What?! Sobrang tanghali na pala ako. Shet! Bakit hindi niya agad ako ginising?

"BAKIT HINDI MO KAAGAD AKO GINISING, KUYA? Alam mo namang alas-siyete ang klase ko!" inis na tanong ko dito habang kumukuha ng damit.

"Ang sarap ng tulog mo e, kaya hindi kita inistorbo sa pagtulog. Let's go." sabi nito.

"Sandali, liligo lang ako!" inis na sabi ko at tumakbo papunta sa C.R.

Ilang minuto ang lumipas ay mabilis akin kumain ng agahan at sinuot na ang aking sapatos. Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa kuwarto at sumunod kay Kuya.

Pasado alas-nuwebe na ng kami ay makarating ni Kuya sa school namin. Agad akong bumaba ng motor.

"Kuya, dito na ako! Salamat sa paghatid." sabi ko at niyakap ito.

"Ang ganda pala ng school n'yo." sabi ni Kuya. Nagtaka naman ako. Bakit parang ngayon niya lang nakita ang school namin? Hindi ba't dito rin naman siya pumasok noon? Napaka-ulyanin naman ni Kuya.

"Oo naman. Kasing-ganda ko 'di ba?" biro ko. Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talaga. Sige na. Pumasok ka na. Susunduin kita mamaya." sabi nito at ki-niss pa ako sa noo.

"Opo. Sige, Kuya. Ba-bye." sabi ko at lumakad na. Pero bago ako makalakad ng palayo ay pumihit muna ako paharap kay Kuya. Napakunot-noo ito.

"Kuya, 'yong baon ko." sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Natawa naman siya at napailing-iling habang kumukuha ng pera sa bulsa.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon