Chapter 12: EX

238 10 2
                                    

DWAYNE

3:35 A.M

The fvck! I can't sleep because of that fvcking I love you. Anong ginagawa mo sa akin, Laytina?

Totoo ba 'yon?

"Argh!" inis na dumapa ako sa kama ko. Just what the heck is that? Halos maglupasay ako sa office ko kahapon sa kakaisip sa bwisit na I love you na 'yan!

"No! No! NO!" sigaw ko at sinabunutan ang sarili. Nakakainis naman!

Patulugin mo naman ako, Laytina! Please?

*TOK TOK

Agad akong bumangon at tinungo ang pintuan. Binuksan ko iyon at nakita ko si Dale na mukhang na-istorbo sa pagtulog. Hays. Bakit ba kasi masiyado akong nagpapadala sa l*ntik na I love you ni Laytina? Nabubuwisit ako.

"Dale, what do you need?" maang na tanong ko ng makitang inaantok pa ito.

"I h-heard you screaming. Why?" tanong nito habang kinukusot ang mga mata.

"It's none of your business. Go back to your room then sleep again. I just can't sleep." sabi ko kaya tumango lang ito at umalis na.

Pumasok naman agad ako sa loob at dumapa ulit sa napakalaki kong kama. At doon na nga ako nakaramdam ng antok. Hays. Salamat naman.

Makakatulog na rin. Goodnight.








LAYTINA

"'La, aalis na po ako! Kuya, bye!" sigaw ko habang nagsusuot ng sapatos. Niyakap naman muna ako ni Lola. Nilapitan ko rin si Kuya para sa baon ko. Galante ito kaya sa kaniya ako hihingi ng baon.

"Baon ko." sabi ko.

"Oo na po. Heto na nga po." sabi naman nito at iniabot sa akin ang baon ko. Awtomatikong napataas ang isa kong kilay ng makitang 20 lamang ang ibinigay niya sa akin.

"20 pesos? E, hindi pa nga ako makakabili dito ng isang cheeseburger." reklamo ko kaya natawa ito.

Iniabot niya sa akin ang 500. "Pang-isang buwan mo iyan ha." sarkastikong sabi niya kaya napasimangot ako.

"Ano? E, huwag na lang kaya akong pumasok kung ganiyan lang." reklamo ko at ibinaba ang bag.

"Biro lang naman." sabi nito kaya napairap na lang ako.

"Sige na! Umuwi ka ng maaga ha." dagdag niya pa na tinanguan ko lang.

Lumayas naman na ako. Lumayas? Umalis pala.

School na naman. Nakakapagod din pala ang pumasok, akala ko masarap kung palaging nasa school. Kailan ba kasi ang break namin? Hays.



*****



"Bessi, sorry na. Please! Sorry na!" salubong sa akin ni Daphne pagkaupo ko sa chair ko sa tabi niya.

Tiningnan ko naman siya at tinaasan ng kilay. "Okay na, Daphne. Ang OA ha?" sabi ko at nag-thumbs-up pa.

"Isinumbong mo ba ako?" tanong pa nito.

Agad akong umiling-iling. "Okay na nga, 'di ba? Huwag ng makulit. Parang gusto mo pang sabihin ko sa buong angkan ko na pinaglololoko mo ako?" sarkastikong sabi ko at kinuha ang phone ko sa bag.

"Joke lang. Thanks, Bessi." sabi nito at umayos na ng upo dahil dumating na si Dale kasabay si Sir Dwayne na nakashades?

Bigla na lamang akong napapalatak ng tawa at tinuro-turo pa ito.

"HAHAHAHAHAHAHA S-Sir, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nakasalamin?" malakas na tanong ko na ikinalingon nilang lahat sa akin.

Napangiwi rin naman agad ako ng hampasin ni Sir Dwayne ang teacher's table. Natahimik ang mga kaklase ko. Nalunok ko naman ang laway ko at tinakpan ang bibig.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now