Chapter 15: My Boyfriend?

245 7 2
                                    

LAYTINA

"KUYA, punta naman tayo sa puntod nina Mama at Papa mamaya pagka-uwi ko." sabi ko habang naghahanda na sa pagpasok. Napatingin naman si Kuya sa akin.

"Sige." sabi niya kaya naman ngumiti ako.

"Sige na, Kuya, aalis na ako. 'Yong baon ko?" tanong ko.

"Heto. Tara, hatid na kita." sabi nito kaya tumango ako.

Ilang minuto rin ang lumipas nakarating na kami sa school namin. Agad akong sumenyas kay Kuya ng 'stop'.

"Kuya, dito na lang ako. Huwag mo na akong ihatid papasok. Salamat." sabi ko at niyakap pa ito. Niyakap naman niya ako pabalik at ginulo pa ang buhok ko.

"Okay. Ingat ka." sabi nito kaya tumango na ako at umalis.

Naglalakad na ako paakyat sa 2nd floor ng may biglang humila sa akin. Agad akong napatingin dito at nakita ko si Sir Dwayne. Hinila niya lang ako ng hinila hanggang sa makarating kami sa office niya.

"B-Bakit ba, Sir?" tanong ko ng bitawan niya ako.

Laking gulat ko ng malakas niyang hinampas ang table niya at humarap sa akin. Magkasalubong na magkasalubong ang kaniyang mga kilay na nakatingin sa akin. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang na lumapit sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa balikat at hinalikan.

Grabe talaga itong si Sir. Wala naman akong sinabing halikan niya ako e. Wala siyang palya sa paghalik sa akin.

Bigla nitong hinawakan ang dalawa kong kamay ng mahigpit.

Katapusan ko na ba?

Binitawan naman nito ang labi ko at tiningnan ako ng masama.

"Hindi ka ba makikinig sa akin?" galit niyang tanong sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.

Huh? Nakikinig kaya ako. Lalo na sa klase niya. Hindi ba't nangako pa ako na makikinig na ako kahit wala alam kong wala rin akong maiintindihan.

"Nakikinig naman ako Sir. Sa klase mo--" naputol ang sasabihin ko ng halikan na naman niya ako.

Bastos si Sir. Hindi pa ako tapos magsalita. Sapok abot niya sa akin.

"Hindi mo ba susundin ang sinabi ko sa iyo? Ha?" inis na namang tanong niya.

May sinabi ba siya sa akin? Madami na naman. Pero, alin kaya doon?

"Alin ba Sir?" takang tanong ko.

Nainis na naman siya at lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko at dinala ako palapit sa table niya sabay sandal sa akin doon.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang lalapit sa mga lalaki. Is he your boyfriend?" inis na sabi niya.

Boyfriend ko? Wala naman akong boyfriend e. Meron ba? Ang lawak naman ng imagination ni Sir.

"Sir----"

"Makipaghiwalay ka na ngayon din sa boyfriend mo." sabi niya at naupo sa sofa.

Napakunot-noo naman ako. Boyfriend ko? Wala naman akong boyfriend. Kaloka 'tong si Sir. Kinakabahan ako sa kaniya. Wala namang nanliligaw sa akin.

"Bakit naman ako makikipaghiwalay, Sir? Aagawin mo ba siya sa akin?" pangti-trip ko sa kaniya na naging effective dahil nagsalubong ulit ang mga kilay niya.

Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko pa siyang asarin.

Sinamaan naman niya ako ng tingin at hinila palapit sa kaniya pero ako 'yong pinaupo niya at siya ang nakatayo. Nakasampa ang kaliwa niyang tuhod sa sofa habang kinukulong ako ng dalawa niyang braso. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niyang nakatungo sa akin.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now