Chapter 20: Drunk-Dazed

39 2 0
                                    

LAYTINA

ANG LAKAS naman ng ulan. Paano ako nito makakauwi ngayon? Nakakainis!

Nanatili ako sa room ng sandali nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan kanina. Wala naman kasing nabalita na uulan ngayon. Tapos, biglang uulan ng walang pasabi? Hindi pa ako nakakauwi!

"Oh, Bessi? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Daphne.

"Mukha ba akong may dalang payong?" balik na tanong ko atsaka tumingin sa mga estudyante na naglalakad dla ang kanilang mga payong.

Pansin ko naman ang pag-ngisi niya sa tabi ko at bigla akong inakbayan.

"May payong ako pero hindi pa ako uuwi. What if samahan mo muna kami nina Dale?" sabi nito na agad kong ikinakunot-noo.

"Saan naman?" tanong ko.

"Basta. Tara?"

Umiling naman agad ako sa kaniya. "Saan nga? Baka hanapin ako nina Lola kapag hindi agad ako umuwi." sabi ko. Kinuha naman nito ang dala niyang payong at binuksan iyon. Nagsimula siya maglakad.

"Please na, Bessi! Masaya doon." sabi ni Daphne at hinila ang braso ko. Nabasa naman ako ng ulan kaya mabilis akong sumukob sa payong niya.

"E, saan nga ba kasi kayo pupunta?"

"S-Sa sa bar." sabi nito kaya mabilis akong napataas-kilay.

"Hindi mo naman agad sinabi. Tara, ite-text ko na lang muna si Kuya." sabi ko kaya naman napahiyaw ito ng 'YES'.

Naglakad kami papunta sa parking lot kung saan nakita ko sina Dale at Adrien na nag-uusap. Lumapit kami sa kanila.

"Hi, guys! Tara na!" sabi ko ng makalapit kami sa dalawa.

"That's good. Let's go!" masayang sabi ni Dale at sumakay ng kotse. Akmang sasakay na ako sa passenger's seat ng biglang hilahin ni Daphne ang braso ko.

 "Opss, Bessi. Itabi mo, ako na. Kaya ko na 'to." sabi ni Daphne at sumakay na. Nginitian naman niya ako sinara ang bintana. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin at binuksan ang pintuan ng back seats. Nakita ko naman na nakaupo na si Adrien kaya naupo na rin ako sa tabi niya.

"Hi," bati nito sa akin kaya nginitian ko siya. 

"Hi din. Anong meron ngayon? Bakit kayo pupunta ng Bar?" tanong ko.

"Wala naman. Hang-out lang."

"Ahh, okay."

Ilang minuto lang naman ang binyahe namin at narating na naman ang isa sa mga sikat na Bar dito sa bayan namin.  Pasado mag-a-ala-sais ng kami ay makarating. 

"Sure kayong hindi tayo hihingian dito ng I.D dito?" tanong ko ng makalabas kaming lahat ng kotse. Napansin ko ang pag-iling ni Dale.

"Don't worry. Uncle ko ang may-ari ng Bar na ito. I already told him na pupunta tayo dito." sabi ni Dale kaya naman napatango-tango kaming tatlo nina Daphne.

Mayaman pala talaga sina Sir Dwayne.

Pumasok naman na kami at tumambad agad sa amin ang mga nag-iinuman at nagsasayawan na mga tao. Sari-saring amoy at ilaw ang bumabalot dito sa buong Bar.

"Doon tayo, guys." sabi ni Dale at naunang  maglakad. Nakarating kami sa isang table which is may isang lalaking nakaupo na mukhang binagsakan ng langit at lupa. Sino siya?

"Kuya," rinig kong sabi ni Dale.

Tumunghay mula sa pagkakayuko ang lalaki at nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Sir Dwayne iyon. Shet! B-Bakit nandito si Sir?

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now