Chapter 23: Plan

17 1 0
                                    


MAAGA akong nakarating sa school namin dahil ayaw kong ma-late syempre. First time ko yatang maging maaga ngayon. Early bird award na lang ang kulang. Charr.

Sumilip ako sa katabing bintana ko ng may marinig akong tunog ng sasakyan. Napakunot-noo ko. Sino naman kaya ito? Mukhang maaga rin siya ah. Ayaw patalo.

Hinintay kong lumabas ang kung sino mang sakay ng kotse. At laking gulat ko ng makita si Sir Dwayne. Wait! Sir Dwayne?!

As in, si Dwayne Carl Fernandez? Mathematics at P.E. teacher namin? Gosh! Why so aga naman niya today?

Hindi ko naman sinabi sa kaniya na dapat maaga kami ngayon? Ay, bakit ko ba siya iniisip? May ginawa siya sa akin 'di ba? At never kong makakalimutan 'yon! Huhuhu.

Sinilip ko siya hanggang sa makapasok sa building. Ibinalik ko ang tingin ko sa loob ng classroom namin. Mag-isa pa lang ako at may oras pa ako para ituloy ang pagtulog ko. Gora na tayo!

Umub-ob na ako at nagsimula ng matulog. Hays. Sana maging okay kami mamaya.




*****



"That's all for today, Class. Any questions?"

Mabilis pa sa alas-kwatrong napatunghay ako sa desk ko ng marinig ang boses na 'yon. Tapos na agad ang klase? Uwian na ba?

"Sir, si Laytina may tanong daw po!" rinig kong sigaw ng kaklase ko kaya nabigla ako at napatingin sa teacher naming nasa unahan. It's Sir Dwayne. Bakit parang ang pogi niya ngayon?

"Yes, Laytina? Ano 'yon?" tanong ni Sir at ngumiti.

Luh. Bakit ako?

Hindi agad ako naka-imik bagkus tiningnan ko ng masama yung kaklase naming sumigaw. Peste talaga 'tong Mandy na 'to, sarap bigwasan sa nguso. At nginitian lang ako ng luka.

"Anong tanong mo, Laytina?" tanong pa ni Sir kaya naman nabalik ang tingin ko sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata.

Awtomatikong pinunasan ko ang bibig ko dahil feel ko may tumulong laway sa bibig ko habang natutulog.

"W-Well, Sir... May I go out?" tanong ko pero mukhang naging sarkastiko sa iba iyon at nagsimula silang magtawanan. Nakakahiya! Parang hindi senior high ang kalagayan ko ngayon. Elementary ang peg e.

"Ofcourse. You can. Anyone? More questions? None? Sige, class dismissed." sabi ni Sir at lumabas na.

Kakamot-kamot naman ako ng ulo at naupo muli.

Pero, pansin ko, kakaiba yung dating ni Sir. Para bang wala lang sa kaniya yung nangyari sa amin?

Sa naisip ay parang biglang sumikip ang dibdib ko at parang gusto kong umiyak.

Umiling-iling na lang ako para mawala na yun sa isip ko. Agad hinanap ng mga mata ko si Daphne at natagpuan ko na lang na dinuduro-duro niya si Mandy kaya napatayo ako.

"Kahit kailan, napakabida-bida mong babae ka! Puwede bang makuntento ka sa buhay meron ka? Mahilig kang mangialam e!" bulyaw ni Daphne at akmang sasampalin si Mandy na panay naman ang iwas.

"E, bakit ba nangingialam ka rin? Parehas na parehas kayong dalawa ng kaibigan mo. Mga hampaslupa!" bawi naman ni Mandy kaya nilapitan ko na sila.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora