Chapter 5: Vanish-ment?

398 17 0
                                    

DWAYNE

“NO!” inis na sabi ko kay Lolo ng utusan ako nito.

Pinipilit niya kasi akong magsundo sa kapatid ko sa airport. Kaka-uwi ko lang galing sa school tapos pupunta ako sa airport? Magpakain na kaya ako sa lupa ngayon? Tsk. Umuwi siya dito sa ‘pinas mag-isa then umuwi rin siya mag-isa dito. Kakainis.

“Magpapahinga na po ako, Lo.” i said pero pinalo niya lang ako ng mahiwagang tungkod niya. Bakit kasi hindi na lang siya? Tutal, paborito niyang apo ang isang ‘yon.

“Susunduin mo ang kapatid mo ngayon o papatalsikin kita sa school na pinapasukan mo? Sige, pumili ka!” galit na sabi nito at akmang papaluin ulit ako ng tungkod niya ng umilag ako. Tsk! Kainis talaga ‘tong si Lolo.

Napakamot-ulo na lang ako atsaka umalis.

Bakit pa kasi umuwi ang batang ‘yon? Ako pa tuloy ang nautusan magsundo. Ang sarap-sarap na ng buhay niya sa Thailand,  babalik pa rito. Ano kayang naisipan noon? Nakakainis lang.

AIRPORT

Nasaan na ba siya? Kanina pa ako dito. Sayang ang ganda kong lalaki kung paghihintayin niya ako dito. Naramdaman kong biglang may nagvibrate sa bulsa ko kaya agad ko iyong kinuha at ang kumag, sa wakas ay tinawagan na ako.

“Where are you?” inis na tanong ko pagkasagot sa tawag nito.

(“Where are you waiting? I just got off the plane. Medyo traffic eh.”)

“Are you kidding me, Dale? Hurry, may gagawin pa ako.” inis pa ring sabi ko at hinanap ito sa kumpol ng tao na naglalabasan na. Tsk.

“What’s the color of your shirt?” tanong ko pa ng may mapansin akong matangkad na lalaki.

(“I’m wearing a black shirt then rip jeans.”)

Napatayo ako sa aking kinauupuan ng makita ko na ito. “Hm. Nakashades ka ‘di ba?” tanong ko pa.

I think, siya na iyon. Mas matangkad na siya ng kaunti sa akin. Infairness, nag-glow up siya from a yagit to a hottie. Pero, mas gwapo ako.

(“Yeah. Are you the guy who’s wearing a gray short? I think, i saw you now.”) sambit nito kaya tumango ako at ibinaba na ang tawag.

I walked towards him.

“Missed me?” tanong ko agad sa kaniya. Niyakap muna ako nito.

“Yeah! I missed you so much. Ang gwapo mo pa rin.” sabi nito kaya natawa ako. Talagang-talaga. Sabi ko naman sa inyo, mas gwapo ako.

“Mas matangkad ka naman sa akin ngayon. Hindi ka na bulilit na mukhang yagit.” natatawang sabi ko at ginulo ang buhok nito.

Natawa rin naman ito. “Remember, i grew up in Thailand. Oo nga pala! Mom is giving you something. I will give it to you at home, so let's go?” yaya nito kaya napatango ako.

“Tsk. Whatever. Let’s go.” yaya ko rin at tinulungan itong buhatin ang ilang bagaheng dala nito. Dinala siya nina Mom at Aunt sa Thailand when he’s 9 years old. Hindi naman napuputol ang connection naming dalawa sa nagdaang walong taon.




“KUYA, can i come with you?” tanong ni Dale ng pumasok siya sa aking kuwarto. At saan naman gusto nitong sumama?

“Where?” tanong ko at inayos ang sarili. May presentation ngayon sina Laytina sa P.E. Let’s see...

“School? Please, Kuya. I want to go there.” paki-usap nito at lumapit pa sa akin. Agad akong umiling-iling at lumayo sa kaniya. At ang bata, sumunod.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon