Chapter 4: Gay

410 21 3
                                    

DWAYNE

NANDITO ako ngayon sa clinic ng school. Nagpapagamot. Na-sprain kasi ako kanina habang nagpi-P.E kami ng mga estudyante ko. Minalas yata ako. Baka ipinakulam na ako ni Miss Knight. Tsk.

Anong magagawa ko? Masiyado niya akong inaakit sa kaartehan niya. Nakakatuwa siyang tingnan kanina sa klase ko. Akala ko hindi niya kayang sagutan ang pinasasagutan ko sa board. Look likes, she have a brain. I thought puro kaartehan lang ang alam niya at pangbu-bully.

“Masakit pa ba, Mr. Fernandez?” tanong sa akin ng medic dito sa school. Mabuti naman at agarang nadala agad ako dito.

Iginalaw-galaw ko sandali ang paa kong na-sprain at medyo maayos naman na ang aking pakiramdam. Pero, hindi pa ako puwedeng maglakad.

“No, it’s fine now. Masakit lang kapag nagagalaw. Thank you.” sabi ko at sandaling tumayo. Agad naman akong inalalayan ng medic at may ini-abot sa aking saklay.

Napangiti naman ako atsaka muling nagpasalamat bago nag-simulang maglakad palabas ng clinic.

Sandali akong napatigil ng may maalala. Dumiretso ako sa classroom nina Laytina dahil nakalimutan kong i-announce ang presentation nila for tomorrow.

Pagkapasok ko sa room nila ay agad hinanap ng mga mata ko si Laytina. Nakita ko naman agad siya na nakatitig sa cellphone niya. Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng klase. Halos lahat ay napatingin sa akin at biglang nag-sigawan.

“WAHHHH! SI SIR NANDITO!”

“SIR, ANG GWAPO MO!”

“MAY GIRLFRIEND KA NA BA SIR?”

“SINGLE KA BA NGAYON SIR?”

“ANAKAN MO KO SIR!”

Napakunot-noo ako matapos ang marinig ang sigaw ng mga babaeng estudyande ko. Nang mapansing hindi ko nagustuhan ang mga sinabi nila ay natahimik sila at nag-sorry.

“Keep quiet.” may bahid na inis na sabi ko atsaka muling dumapo ang tingin kay Laytina na busy pa rin sa pagtitig sa cellphone niya.

Ha! She’s really listening to me, huh?

“Class, tomorrow is the presentation of by partners in our P.E. Gusto ko lahat may maipe-present. Kahit walang ka-partner. Please, be ready.” sabi ko at tiningnan silang lahat. Nagbu-bulungan ang lahat maliban kay Laytina na naka-dungaw na ngayon sa katabing bintana at malalim ang iniisip. Napangisi ako at nag-paalam na sa kanila.

Tsk. I know walang ka-partner si Miss Knight. Kaya panigurado akong wala siyang maii-present bukas sa time ko. I’ll make sure to give a big punishment for her.

LAYTINA

“Bessy, hindi kaya pagalitan tayo ni Sir Dwayne dahil wala tayo ngayon sa klase niya?” tanong ni Daphne sa akin habang naglalakad-lakad kami.

“Tsk. Ikakamatay niya ba ‘yon? Hindi naman ‘di ba?” reklamo ko at kinain ang binili kong burger sa canteen kaning recess.

“Wow ha? Bakit ngayon ibang-iba ka? Noong kahapon, lutang ka. Tapos ngayon, matino ka. Ano bang nakain mo? ” tanong nito sabay tumawa at hinampas pa ako.

“Burger.” sagot ko lang at nagkibit-balikat. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

Nang bigla na lang may isang lalaki ang lumapit sa tabi ni Daphne at inakbayan siya. Napakunot-noo ako.

“Hey, babe.” sabi ng lalaki at bineso si Daphne. Who is this? I think i already saw him..... somewhere.

“Oh, bakit nandito ka? Wala ka bang klase ngayon?” tanong ni Daphne sa lalaking ito. Umiling naman ang lalaki bago lumipat sa akin ang tingin kaya napangiti lang ako.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now