Chapter 25: Drugs

16 1 1
                                    

LAYTINA


NAPAHIKAB ako nang wala sa oras ng matapos kong makopya lahat ng jot downs ni Adrien. Ibinalik ko agad sa kaniya ang notebook at pagkatapos ay nilapitan ko si Daphne para magpasama sa canteen.

"Daph, tara sa canteen." yaya ko sa kaniya pero umiling lang siya.

"Tinatamad akong kumain, Bessi. Puyat ako kagabi, kailangan kong matulog ngayon." inaantok na sabi nito at napahikab din.

Wala kasi kaming klase ngayon dahil may pinuntahan pala ang mga teachers kaya ngayon patulog-tulog na lang kami.

"At, bakit ka naman puyat kagabi?" curious na tanong ko.

"Umuwi ang mga pamangkin ni Mama sa amin at nag-inuman kami. Kaya, wala ako sa mood para kumain ngayon dahil may hang-over pa ako." sabi nito kaya napatango ako.

"Ay, inom pa more, Daphne. Aish, sige na. Matulog ka na nga lang." sabi ko at umalis na para pumunta sa canteen.

Nang makarating naman ako sa canteen ay nakasalubong ko si Mandy na masama ang tingin sa akin. Sinadya pa nitong sanggiin ang balikat ko kaya halos matumba ako sa pagkakatayo, mabuti na lang at na-i-balance ko ang katawan ko.

"B*tch." rinig ko pang bulong ni Mandy bago tuluyang lumapit doon kina Ate magtitinda para bumili.

At dahil sa ayaw kong makagawa pa siya ng eksena ay ako na lang ang nag-adjust. Bagsak ang mga balikat na umalis ako sa canteen at bumalik sa classroom namin.

Nabigla ako ng makita ko si Sir Dwayne na nakaupo na sa unahan at nagtitipa sa kaniyang laptop.

Kakausapin ko sana siya ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti lang. Ngiting hindi man lang umabot sa mata. Para siyang matamlay pero hindi naman. Anong nangyayari sa kaniya?

Hindi kaya...

Nagshashabu siya? Ha? Shabu? Hindi ba dapat kapag nakashabu ang isang tao, nagiging hyper siya? E, matamlay si Sir. Ano kayang pinoproblema niya?

Ah, baka naman.....

Nagbebenta siya ng shabu pero walang bumibili? Gosh! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Bakit hindi niya kami bentahan? Marami kami dito oh.

Magsasalita na sana ako at bibili kay Sir Dwayne ng sumulpot naman si Dale sa likod ko at nilapitan si Sir Dwayne. Hala! Baka bibili na siya? Dapat ako ang mauna! Paano kung once lang magbigay si Sir ng discount? Pa'no na ako? Wala na akong pera. Kailangan ako ang mauna.

"Sir/ Kuya." sabay pa naming sabi ni Dale ng makalapit kami kay Sir. Napatingin siya sa amin ng may pagtatakha.

"Oh, Laytina. Anong kailangan mo kay Kuya?" tanong ni Dale kaya napatingin ako dito at kay Sir.

Ano? Bibili ba ako? Paano kung mahal pa rin kahit may discount? What if, si Dale muna ang pabilhin ko? Tapos, kapag nalaman ko na ang presyo, uunahan ko na siya? Oo nga! Tama! Tama! Ang talino mo talaga, Laytina! You're the best!

"Sige, ikaw muna pala." sabi ko at lumayo sandali.

"Sure ka?" tanong nito kaya naman napaisip na naman ako.

Anong sure ako? Alam na ba niya ang presyo? Kaya ba tinatanong niya ako kung sure na akong siya ang mauna? Pero, kailangan ko munang malaman kung magkano para naman hindi sayang ang baon ko. Tama! Tama!

"O-Oo naman. Sige, take your time." sabi ko at kinuha ang phone ko para magsearch sandali kung magkano ba talaga ang bentahan ng shabu.

Baka kasi alam n'yo na, dinadagdagan ni Sir ang presyo at daanin kami sa magagandang salita para bumili lalo kami at siya itong yumaman.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang