Chapter 9: Kisses

329 13 5
                                    

LAYTINA


Nang makauwi kami ni Sir Dwayne ay agad akong chinismis ng mga kaklase ko habang kinakausap naman ni Sir 'yong dalawa kong kagrupo, sina Shane at Ria. Nandito pa rin naman kami sa pagka-camping namin.

"Saan ka ba galing, Bessi? Alam mo bang magdamag akong umiiyak? Ha?" bulyaw sa akin ni Daphne pagkahiga ko. Nakapagpalit naman na ako at ibinalik ko na ang jacket ni Sir.

"Eh, sino bang may sabing umiyak ka?" tanong ko at mahinang hinampas siya.

"Ay, wala trip ko lang umiyak. Siyempre, nag-aalala ako sa 'yo, ano ka ba? Mas gusto mo yatang matuwa pa ako dahil nawawala ka." sarkastikong sabi nito kaya napatawa ako.

"Nangangahoy kami nina Shane at Ria, ang kaso naligaw ako kakahanap. Bakit kasi tinulugan mo lang ako?" tanong ko at kunwari nagtatampo.

"Eh, bakit kasi lumayo ka? Tapos sisihin mo akong hindi kita sinamahan?" sabi nito at kinurot ako sa baywang kaya napabangon ako.

"Oo na, huwag nang mangurot. Masakit eh." sabi ko at ngumuso. Napailing-iling naman siya at lumabas ng tent. Napakibit-balikat na lang ako at muling nahiga.

FASTFORWARD

"KUYA! LOLA!" malakas na sigaw ko pagka-uwi galing school. Tinapos na agad ni Sir ang camping dahil ang dami raw nangyayaring hindi maganda. Ewan ko sa kaniya, ang dami niya kasing pakulo.

"Oh, Layt, nandito ka na pala. How's the camping?" tanong agad ni Kuya ng lumabas ito galing kusina. Niyakap ko lang siya at pinisil ang pisngi pagkatapos hinanap ko si Lola.

Pero bago ako maka-hakbang papalayo ay napatingin ako kay Kuya. Napatingin din naman siya sa akin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kuya..." sabi ko at pinandilatan ito.

"What?" painosenteng tanong nito.

"Nagsigarilyo ka naman, ano?" tanong ko at inirapan ito. Napakunot-noo siya.

Hindi mo ako malolokong lalaki ka.

Bigla siyang napatawa at napakamot sa ulo. "Isang stick lang naman eh." sabi nito na nakangiwi.

"Oo nga, isang stick lang. Sabi mo eh." naiiling na sabi ko. "O, baka naman lima?"dagdag ko pa.

"H-How did you know?" tanong nito habang natatawa.

Tumingin ako sa sahig namin. Meron doong limang sigarilyo na ubos na. Bigla siyang napatingin doon at bigla na lang sinipa lahat ng nakakalat.

"Hehehe, o-oo nga. Nakalima pala ako. Hindi ko alam. Ikaw talagang bata ka. Kahit kai---" pinutol ko ang sasabihin nito ng marinig ang sinabi nito.

"For your information, Kuya. Hindi na ako bata, I'm a senior high school na!" sabi ko.

"Tsk. Eh, 'di ikaw na ang maganda. Siya nandoon si Lola sa kuwarto niya." sabi nito atsaka ako itinulak papaalis.

"Loko ka talaga." pahabol ko pa at pumuntang kuwarto ni Lola.

Nang makapasok ako ay nakita ko doon si Lola, nagtatahi ng kung ano-ano. Napangiti ako ng mapatingin siya sa akin. Agad ko siyang nilapitan.

"Lola, namiss kita." sabi ko at agad itong niyakap.

"I miss you too, Apo. Kumain ka na ba? Kumain ka na doon, naghanda na yaya ang Kuya mo." sabi nito kaya tumango ako at hinalikan muna ito sa pisngi bago muling lumabas patungo sa kusina.


DWAYNE

Tsk. Ang sakit. Bwisit.

"Ouch! That hurts, 'Lo. Stop it! Ouch!" malakas na daing ko habang sinasalag ang mga palo niya sa akin. Bwisit!

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz