Chapter 17: Almost

271 8 2
                                    

Napakagat-labi ako ng makita kong papunta kami sa parking lot ni Sir Dwayne. Hmm, ano kayang sasabihin niya sa akin?

Bibigyan nga kaya niya ako ng 75 grade?

O baka naman, kikilitiin na naman niya ako? T-That's not gonna happen.

"Sir Dwayne, anong gagawin natin di---"

"Shut the fvck up." inis na sabi niya at sinamaan ako ng tingin.

Pinandilatan ko naman siya ng mata at pumihit pabalik. "Wala ka namang sasabihin sa akin. Babalik na--- Ah!" sigaw ko ng buhatin niya ako at isinakay sa kotse niya.

Agad siyang sumakay at mabilis na pinaandar ang kotse.

Tiningnan ko naman siya at seryoso ang mukha niya pero puno ng galit ang mga mata niya.

"Sir, pasaan ba ta---"

"I said, shut up!" sigaw nito at tiningnan ako ng masama.

Nakagat ko naman bigla ang dila ko kaya naluha ako. Aray! Shet!

"I'm sorry. Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Ay, ang bilis magbago ng mood nito ah?

Tumango na lang ako at agad pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko. Sakit talaga.

"Next time. Don't made me jealous," sabi nito at nag u-turn.

Napakunot-noo naman ako at yumuko na lang dahil masakit pa rin ang dila ko. Don't made me jealous niya ang mukha niya. Pwe. Idadamay niya pa ako sa pagwo-walk-out niya.

Naglalakad na kami ni Sir pabalik sa campus ng bigla niya akong lingunin at tanungin.

"May gusto ka rin ba kay Mr. Lee?" tanong niya kaya napahawak ako sa bibig ko.

Ngumiti ako. "Opo. Gwapo siya e."

Bahagya akong napangisi ng mabilis itong naglakad paalis. Aha! I knew it! He's jealous kasi may gusto rin siya kay Czack. Hmm, ikaw Sir ha? Talagang may tinatago kang kabaklaan d'yan sa katawan mo.

"Tsk. Pero joke lang naman e. Hindi ko talaga gusto si Czack. Oo, gwapo siya pero hindi ko siya gusto. Hmm, makakain na nga lang muna tutal hindi naman magkaklase si Mrs. Lontok." kausap ko sa sarili ko at tumungong canteen.



"BESSI!" tawag ni Daphne sa akin at niyakap agad ako. Narito pa rin ako sa canteen, nagtatakaw.

"Ano ba Daphne?" tanong ko.

"Crush ka pala ni Czack ha? Ayieee!" asar nito at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

"Tsk. Do i care? Charot!" sabi ko.

"Laytina!"

Napatingin ako doon sa tumawag sa akin at nakita ko si Czack na nakangiti habang papalapit sa amin.

"Bessi, pagkakataon mo na." bulong ni Daphne at itinulak ako palapit kay Czack.

"Ayieee! Czacktina!"

"CZACKTINA!"

"CZACKTINA!"

"CZACKTINA!"

"CZACKTINA!"

Bahagya akong napasimangot ng tumawa ng mahina si Czack. Nang biglang may maramdaman akong kumulbit sa akin. Napalingon ako doon.

"Ahh! Excuse po, kayo po si Miss Knight?Tawag ka po ni Sir Dwayne sa office. Dalhin mo raw po ang gamit mo." sabi ng isang estudyante at umalis na.

Uwian na siguro. Tapos ihahatid niya ako? Hala!

Agad kong kinuha ang pagkaing binili ko at nagtungo sa room para kunin ang gamit ko.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa office ni Sir Dwayne.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now