Chapter 13: Eyebags

244 11 3
                                    

LAYTINA


Nang ilang minuto na akong nakatingin sa may pintuan ay naisipan kong sumunod sa mga ito. Pagkapasok ko ay nakita kong nakapulupot pa rin ang braso ng babaeng ito kay Sir na para bang isa siyang ahas.

"Babe, you're here. Come on, come back to me." nakangusong sabi ng babaeng ito at niyakap-yakap pa si Sir.

Napairap naman ako at sumimangot. Sa ugali mong iyan? So fake, Ate!

"Alice, why are you here? Ano bang kailangan mo?" rinig kong iritang tanong ni Sir at marahang itinulak ito.

"Babe naman. Sorry na. Please, forgive me." pagmamakaawa ng Alice na ito at niyakap ulit si Sir. Lumayo lang naman sa kaniya si Sir at naupo sa upuan nito.

So, hiwalay na sila? This girl. Sayang ang ganda niya kasi pangit ang ugali niya. Kung anong ikinaganda, siyang ikinapangit ng budhi. Pwe!

Pero, pangit din naman ugali ko 'di ba? Pangit na ako, pangit pa ugali ko. Nasaan po 'yong hustisya?

Humakbang na ako palapit sa pintuan para sana bumalik na sa room namin ng tawagin ako ni Sir. Nagitla ako at dahan-dahan lumingon sa kaniya. Nakita ko pa kung gaano ako panlisikan ng mata nitong Alice na ito.

Akala ko talaga ang bait niya, 'yong totoo nasa loob pala ang kulo niya.

"Alice, makakaalis ka na. May pag-uusapan pa kami ng estudyante ko."

"Ha? Estudyante mo? Alam mo ba kung anong ugali ang meron siya?" mayabang na sabi ng Alice na ito sabay turo sa akin. "Bastos. Walang galang." dagdag pa nito at nag-cross-arm.

Aba! Ang babaeng ito! Sisiraan pa ako! E siya nga itong bastos, basta-basta na lang papasok at uupo sa upuan ni Sir. Bwisit! Bibirahin ko na talaga nguso nito.

Agad akong lumapit sa kanila at hinampas kong muli ang desk ni Sir. Nagulat naman siya pero agad ding napakunot-noo. Sorry, Sir. Naiirita na talaga ako dito sa EX mo. Feeling gold talaga mukha nito e? Tingnan natin kung gold pa rin 'yang mukha mo once na nginudngod kita dito sa lamesa ni Sir.

"Sorry, Sir pero puwedeng magtanong? Saan n'yo po ba napulot-- este nakilala ang babaeng ito? Pasmado po kasi ang bibig, parang paa ko." sabi ko at hinawakan ito sa braso.

"Don't touch me, bitch! Don't you dare to flirt my boyfriend!" inis na sabi nito at itinulak ako.

Bitch naman ngayon? Nagbago na pala isip ko, hindi ko na dudukutin ang mata niya, hihilahin ko na lang ang dila niya hanggang sa hindi na siya makapagsalita. Bwisit! Sumosobra na siya. Lagot na talaga sa akin ito.

"Laytina, huwag mo na siyang labanan. Alice, please. Leave." sabi ni Sir na nasa tabi ko na pala. Hinila niya ako palayo dito sa babaeng ito.

"Hindi pa ako tapos sa babaeng iyan!" galit na sabi nito at itinuro pa ako. Pinigilan naman agad siya ni Sir Dwayne pero hindi na ako nakapagtimpi pa at nilapitan ito.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi nito mula sa akin. Napasinghap ito at tumingin sa akin na punong-puno ng gulat.

"Do you want more? Gusto mo ng mag-asawang sampal?" tanong ko kaya nanlaki lalo ang mga mata nito.

"H-How dare you?" sigaw nito at sinabunutan ako. Hinawakan ko rin naman ang buhok nito at hinila.

"Stop it, you two!" sigaw ni Sir at itinulak kaming pareho kaya napalayo ako sa babaeng ito.

"H-How dare you slapped my pretty face?" nanggigigil na tanong nito.

"Pretty your face, Ate!" sigaw ko. Akmang lalapit pa ito ng muling pumagitna sa amin si Sir.

Pregnant By My Handsome Professor (OnGoing)Where stories live. Discover now