Chapter 64

6.8K 184 11
                                    

Pagkatapos isa pinal ang kanilang plano, ay agad na nagpulasan ang mga pulis na kasama nila. Isa ay magiging mata nila sa loob ng Crame at ang iba ay sa field.
    "Wag kang mag-alala Ace, scalwags man kami, pero kapag may ipinagawa sa amin gagawin namin at tatapusin, wag ka lang babaligtad" ang sabi ng pinaka lider sa kanya.
    "Hindi sa akin importante ang mga ginagawa ninyo, sa ngayon ang makasama at makausap ko man lang ang asawa ko ang pinaka importante sa akin" ang sagot ni Ace.
    Tumangu-tango ang lalaking lider, "hindi kami kailanman gumawa ng palpak, hayaan mo kaming trumabaho at sundin ang napagplanuhan Ace" ang huling bilin pa nito bago ito umalis.
    Yeah, sa mga sandaling iyun at hanggang bukas, ang kinabukasan nila ni Autumn ay nakasalalay sa mga kalaban ng daddy nito.
    Sumakay siya sa kanyang sasakyan, at nag drive pabalik sa kanyang unit, pagbalik niya ay nakita na naman niya ang kalat sa loob. His adrenaline was on high, hindi na niya magagawa pang makatulog. Kaya sa halip na tumawag ng maglilinis ay siya na mismo ang naglinis sa loob ng unit. Ayaw niyang makita ni Autumn na madumi ang kanilang bahay.
    Pagpasok sa kwarto ay muling nanumbalik sa kanya ang eksenang kanyang inabutan noon, at muli na naman nagkukumuyos ang kanyang dibdib sa sobrang galit.
     Nope, hindi na nila kayang mamuhay pa rito. Kung siya nga mismo ay hindi matahimik, ano pa kaya si Autumn na labis ang takot na nadama ng mga sandaling iyun. Kailangan na nilang lumipat ng bahay, ang sabi ni Ace sa sarili.
    Kapag nakausap na niya si Autumn at balikan siyang muli nito, ay hindi na sila babalik pa sa unit niya na iyun, na nabahiran na ng mga masasamang ala – ala.
     He got himself busy in cleaning the house, then by the time na naayos na niya, naupo siya sa barstool at nag brew ng kape. Then he remembered, na hindi pa pala siya kumakain, although hindi pa siya ginugutom, he decided to eat something, dahil kailangan niya ng lakas para bukas.
    After eating some bread and drinking almost three cups of coffee, tiningnan niya ang oras, mahaba pa ang hihintayin niya.
    Nahiga siya sa sofa, he wanted to take a nap to regain some strength, but his adrenalin was on high kaya hindi niya magawang makatulog.
     He got up, packed his bag, turned off all the appliances, and the his units main switch. He knew it was still early, pero dahil sa hindi na rin naman siya makatulog, he decided to be on his feet and on the move.
    He got inside his SUV and drove, papunta sa kanyang magiging lungga sa mga susunod na oras.

     Nakatanaw si Ace sa bintana, pagputok ng araw ay agad siyang kumilos, nagshower lang siya at agad na umalis ng cabin. Alam niyang kailangan pa niyang makatanggap ng tawag mula sa lider ng grupo, pero parang sinisilaban na ang pwet niya at hindi na siya mapakali.
    He has to be on the road dahil kung hindi ay mababaliw na siya sa confinement ng apat na sulok ng tinutuluyan niya. One more drive testing and saka siya maghihintay na muli. Kailangan niyang maging pamilyar sa kurbadong mga daan mula sa drop off point patungo sa tutuluyan nila ni Autumn.
    He has to steady his nerves at baka sa sobrang excitement niya ay mawala siya sa focus. He took a deep breath habang nagmamaneho.
    "I'm doing this for you Autumn, damn I love you so much" ang sabi ni Ace sa sarili.



    "Dad paalis na po kayo?" ang bati ni Autumn sa kanyang daddy na palabas na ng pinto.
    "Oh, Autumn, akala ko ay paalis ka rin ngayon?" ang balik tanong nito sa kanya.
    Humalik si Autumn sa pisngi ng kanyang daddy, at medyo masama man ang pakiramdam ay pinilit niyang bumangon. Ayaw na kasi niyang maudlot na naman ang trabaho niyang iyun with Lyndon, last year pa niyang project ito at hindi pa niya matatapos.
    "Ahm, opo, maya-maya po ay paalis na ako" ang sagot niya sa kanyang daddy.
    "You look pale, are you feeling alright?" ang alalang tanong ng kanyang daddy sa kanya.
     "Opo, daddy, siguro kailangan ko lang magpacheck up ulit para sa dugo ko, maybe later, bago po ako umuwi, dadaan ako sa doctor ko" ang sagot ni Autumn.
    "I won't be able answer any calls these whole afternoon Autumn, nasa senate hearing ako" ang paalala ng kanyang daddy sa kanya.
    "I'll be okey dad, kasama ko naman po si sir Perez" ang sagot ni Autumn na ang tinutukoy ay ang police escort na lagi niyang kasama.
    "I'll see you later then" ang pamamaalam ng daddy niya sa kanya.
    She's really not feeling well, nahiga siyang muli sa kama dahil sa umiikot na naman ang kanyang paningin, at nasusuka na naman siya. She thought that her health has gotten worse dahil sa paghihiwalay nila ni Ace.
   Lagi na lang kasi siyang hindi makatulog at umiiyak sa gabi, at pati ang pagkain ay walang lasa sa kanyang dila. She only eat just to survive, hindi na katulad ng dati, na she's always excited to go home at ipagluto si Ace.
     "Ace" naluluhang bulong ni Autumn sa sarili habang nakahiga at yakap ang unan. Talaga bang kinalimutan na siya nito? Ang tanong niya sa sarili. Sabagay, siya mismo ay ipinagtulakan si Ace hindi ba? Nagmamakaawa ito sa kanya para magkausap sila hindi ba? Pero hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na kausapin siya. Kasalanan niya ito! Ang naluluhang sabi ni Autumn.
     Pagkatapos ng ilang minuto na pinahupa ni Autumn ang kanyang luha, bumangon na siya para makapaligo at makapagbihis.
     After checking herself in front of a mirror, she saw that she was indeed pale. Kahit hindi niya ginagawa ay naglagay siya ng nude na lipstick para lang mag kakulay ang kanyang mga labi. She didn't put her favorite perfume. Kung bakit kasi biglang naging mabaho ito sa kanyang pang-amoy at nasusuka na siya.
    She got her bag, at paglabas niya ng pinto ay biglang umikot ang kanyang paningin, at naging madilim na ang kanyang paligid. Narinig na lang niya ang hiyaw ni Perez na tinawag ang kanyang pangalan.



    Nakapuwesto na si Ace sa gilid ng hi way kung saan ang drop-off point. He was so ecstatic, at ang tingin niya sa lahat ng mga sasakyan na parating ay lulan nito si Autumn.
    He has never been so goddamn nervous and excited at the same time. Tiningnan niya ang oras, mag-aalas nuebe y' medya na ng umaga. Ang usapan nila Lyndon at Autumn ay nine, and Autumn was always on time.
    Bakit natagalan? Pumalpak ba? Ang mga tanong ni Ace sa sarili. Maya-maya ay biglang tumunog ang isang phone niya, ang gamit niya sa pakikipag-usap sa mga police scalawags.
    Kinakabahan na sinagot niya ang tawag, "yes?" ang umaasang tanong ni Ace, na ang gusto niya sanang marinig sa kabilang linya ay parating na ang mga ito dala si Autumn.
    "Change of plan, sir, hindi matutuloy ang pagkikita ng pinsan mo at Autumn" ang sabi ng lalaki sa kabilang linya.
    Kinabahan si Ace, "what? Why?!" ang taka at Nag-aalala na tanong niya.
    "Hinimatay ang misis mo sir, tinakbo siya sa hospital, nakasunod na ang isa naming kasama sa kanila" ang sagot nito.
    Parang binuhusan na naman si Ace ng malamig na tubig ng marinig ang sinabi ng kausap. Hinimatay na naman ni Autumn? Nasa hospital na naman ito? Kailangan niyang makapunta doon.
     "S-saang hospital siya dinala?" ang nauutal na tanong ni Ace, hindi niya kayang isipin na wala siya sa tabi ni Autumn ng mga sandaling iyun.
     "Sinusundan na siya ng isa nating mata Sir, Standby lang" ang sagot sa kanya.
    "No, no no! I have to be there! Kailangan ako ng asawa ko" ang sigaw na sagot ni Ace.
    "Sir! We'll on our plan, mapapalitan lang ang lugar, tactics, at oras, pero susundin pa rin ang plano!" sagot nito sa kanya, na kabila ng mga pangyayari ay kalmado pa rin ang boses nito.
    "What? I-I can't just stay here, habang ang asawa ko ay nasa hospital?" ang di makapaniwalang sagot ni Ace sa lalaki.
    "Ace, I told you hindi pa kami pumapalya, ngayon pa lang kung hindi ka kakalma, I told you, na we'll deliver the package on you, kapag sinabi namin na tuloy ang plano, tuloy ang plano. Just stay put, kung anong usapan natin, stay there, tatawag ako ulit sa iyo, and please lang, don't do something stupid na ikapapahamak mo at namin" ang huling sabi nito sa kanya bago nito pinutol ang usapan.
     Kumalma? Paano siya kakalma? Kung si Autumn ay nasa hospital na naman ng mga sandaling iyun?
    Sandali siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan, "calm down Ace, fuck you! Calm down!" ang sabi niya sa sarili. Maya-maya ay nag-ring naman ang kanyang personal phone, it was Lyndon.
   "Lyndon" ang bati niya.
   "Wala pa si Autumn, I was trying her phone pero walang sagot" ang sabi ni Lyndon sa kanya.
   "She's not coming Lyndon, isinugod siya sa hospital, katatawag lang sa akin ng isa sa mga contacts natin" ang sagot ni Ace.
   "Jesus" ang bulong ni Lyndon, "so ano na ang mangyayari? Do you want me to come to her?" ang tanong ni Lyndon.
   "No, ang bilin sa akin ay to stick with the plan" ang sagot ni Ace, "although gusto ko na talagang puntahan siya at hanapin" ang sagot ni Ace.
   "If they said to stick with the plan, stick with the plan Ace, we can't endanger this men kapag nabulilyaso ang lahat, yes you paid them, pero kung hindi dahil sa kanila, wala tayong plano ngayon" ang paalala ni Lyndon.
    Napabuntong-hininga si Ace, "Alright! Alright! Maghihintay ako rito" ang malakas na sigaw ni Ace as he hit the steering wheel.
   "Calm down, in any minute magkakasama na rin kayo" ang sabi ni Lyndon.
   Ace sighed, "thanks Lyndon, I really owe you" ang sagot ni Ace.
   "Sisingilin din kita" ang natatawang sagot ni Lyndon, bago nito pinutol ang usapan.




     She's pregnant ?! She's six weeks pregnant?! Ang di makapaniwalang sigaw ng isipan ni Autumn habang nakaupo siya sa kama. Kaaalis lang ng doctor na tumingin sa kanya at kinausap siya na siya nga ay six weeks pregnant. Pagkatapos siyang resetahan ng vitamins at sabihan ng kanyang mga gagawin at ng kanyang next schedule of check up ay pwede na siyang umuwi.
    Kailangan na muna niyang magpahinga, she'll call Lyndon later na hindi na muna siya makakapunta. She wanted to go home para magpahinga. Home. Napabuntong-hininga si Autumn, magiging masaya siguro si Ace kapag nalaman nito na magiging daddy na ito, ang sabi niya sa sarili.
   She'll call him, sasabihin niya na buntis siya. And from there, they'll decide kung magkakabalikan pa sila, which she was hoping na mangyayari.
    Biglang tumunog ang kanyang phone, it was her dad. Sinabi pa naman nito na hindi ito pwedeng tawagan habang nasa senate hearing.
    "Autumn? Are you OK?" ang alalang tanong ng kanyang daddy sa kabilang linya.
    Autumn smiled to herself, "I'm okey dad" ang nakangiti niyang sagot, ayaw niya munang sabihin sa daddy ang balita. Gusto niya ay si Ace muna ang unang makakaalam ng magandang balita.
   "Are you sure?" ang paninigurado na tanong ng kanyang ama.
   "Opo daddy, pauwi na po ako" ang sagot niya.
   "That's good to hear, and Autumn, pagkahatid sa iyo ni Perez, sabihin mo na pumunta muna rito sa akin at may mga ibinilin ako na mga papel na kukunin niya kay Velasco kailangan ko rito sa senate" ang bilin ng ama.
   "Yes dad, bye" ang pamamaalam niya. Mamaya na lang niya tatawagan si Ace pag-uwi niya sa Crame. May kumatok sa pinto at dumungaw sa pinto. It was Perez.
    "Ma'am pwede na daw po ba kayo umuwi?" ang tanong nito sa kanya.
    "Ahm oo, I'm ready" ang sagot niya.
    "Ma'am paki hintay nyo na lang po ako rito, ipupwesto ko lang po sa likuran na parking yung kotse medyo busy po kasi yung sa harapan na driveway" ang sabi sa kanya nito.
   "OK, bababa na rin ako, doon na ako maghihintay sa lobby" ang sagot ni Autumn.
   "Naku ma'am sigurado po ba kayo na kaya nyo na ng walang kasama? Tatawag po ako ng nurse para po sa assistance" ang sagot ng pulis.
   "Hindi na po, kaya ko na po at nakainom na ako ng vitamins" ang sagot ni Autumn.
   "Sige po ma'am text nyo po ako kapag nasa lobby na po kayo at doon ko na po kayo sunduin" ang sagot nito sa kanya.
    Tumangu-tango na lang siya sa pag sagot. Ilang minuto pa lang na nakaalis si Perez at palabas na siya ng may lumapit sa kanya na lalaki.
   "Ma'am Autumn" ang bati sa kanya nito, he looked familiar at parang nakita na niya ito sa loob ng Crame, pero hindi siya sigurado dahil sa nakashades ito.
   "Yes?" ang tanong niya.
    "Ako na daw po ang susundo sa inyo pabalik kasi may pupuntahan si Perez.
    Naalala ni Autumn ang sinabi at ibinilin sa kanya ng kanyang daddy, marahil nga ay nagmamadali na ito at ipinasundo na siya sa iba. Saka, kilala nito si Perez at siya kaya hindi na siya nag dalawang isip.
    Agad naman na sumunod si Autumn sa lalaking sumundo sa kanya, lumabas na sila ng hospital at sumakay sa isang lumang sasakyan.
    She was so busy in her daydreaming about her baby, nang mapansin niya na ilang minuto na silang bumiyahe at iba na ang daan nila.
    Bigla n a siyang Kinabahan, "k-kuya, I-iba na ang daan natin, saan mo ako dadalhin?" ang kinakabahan niyang tanong. Nang biglang tumigil sandali ang sasakyan sa gilid ng kalsada at may, at may nag bukas ng pinto sa backseat. Angkas ito ng isa sa mga motor na sumusunod sa kanila.
    Hindi na nakapagsalita o nakasigaw si Autumn ng may sumakay sa kanyang tabi.
    "Sumunod ka lang ma'am at magiging ayos ang lahat" ang sabi ng lalaking nakahelmet at piniringan na ang kanyang mga mata.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ