Chapter 12

7.7K 233 17
                                    

"What?"
"Dad!?" ang sabay nilang bulalas ng marinig ang sinabi ng kanyang daddy.
     Hindi makapaniwala si Ace sa sinabi ng general, anak ng – talaga bang malas ang babaeng ito? Hindi na siya nakaalis sa hukay na nahulugan niya. Kasal? Mas gugustuhin pa niyang  kasuhan na lang siya kaysa sa makasal! Ang galit na sabi ni Ace sa sarili.
     "Hindi ko gagawin yan" ang mariing sagot ni Ace.
     "What did you say young man?" ang galit na tanong ng PNP chief sa kanya. Tumayo siya at nakipagtitigan sa matandang heneral na hanggang mata lang niya. But still, the general was oozing with so much confidence and authority.
     "I said hindi ko gagawin yan" ang giit ni Ace.
     Tumangu-tango ang PNP chief, "alright, kasuhan na ninyo ito, ikulong yan, siguraduhin ninyo na may kasong rape, para hindi makapagpiyansiya si playboy okey?" ang utos nito sa mga agents. Na nagkatinginan bago sumang-ayon sa PNP chief.
     "What?" ang di makapaniwalang bulalas ni Ace, "rape? I didn't rape her" ang giit niya.
     Kinwelyuhan siya ng general na halatang nagpipigil ng galit, "I can bend the rules if I wanted to, para sa dangal ng anak ko, gusto mo bang makulong? O lagyan na lang kita ng signage sa leeg? Saan mo ba gustong itapon?" ang banta sa kanya nito.
     "Dad" ang awat ni Autumn sa kanyang daddy, hinawakan niya ang braso ng ama, she has to do something after all siya ang nagdawit sa lalaki, pero kailangan pa rin niyang maisalba ang sarili.
     "Dad, pwede naman pong hindi kami ikasal agad dad, hindi naman po kami nagmamadali" ang paliwanag niya sa ama.
     His dad snorted at binitiwan ang pagkakahawak sa collar ni Ace, "hindi pa kayo handa magpakasal pero inuna na ninyo ang honeymoon" ang sagot ng ama.
     "No, hindi ako papayag na your having sex with this man, habang iba't ibang babae pa rin ang kasama niya gabi-gabi, and how can you even tolerate that?" ang galit na tanong ng daddy niya sa kanya.
     "We-we have a- an open relationship dad" ang sagot niya sa ama na namumula ang mga pisngi dahil sa sinabi ng ama.
     "What the hell was that?! Hindi kita pinalaki sa isang konserbatibong paligid, I even enrolled you sa Catholic school and literal na pinatira kita sa kumbento para lang magkaroon ng "Open relationship" sa lalaking akala mo pag-aari niya ang lahat ng babae!" ang galit na sabi ng daddy niya.
     "Ikaw! Pakakasalan mo ang anak ko o pagsisisihan mo na pinanganak ka pa!" ang banta ng PNP chief sa kanya.
     Hindi makasagot si Ace, langya talagang, parang nahulog siya sa kumunoy na mabilis siyang nilalamon ng lupa. Sa dinami-dami ng babae sa Pilipinas, bakit dito pa? Bakit sa anak pa ng isang general? Ang sabi ni Ace sa sarili.
     "Gusto ko na maiplano at maganap agad ang kasal, as soon as possible, I want to talk to your family duPont" ang utos ng chief sa kanya.
     "They are out of the country, sir" ang totong sagot niya.
     "I don't care, kontakin mo sila at papuntahin dito para sa kasal, let's do this right, mamanhikan kayo sa bahay" ang utos nito.
     Nanlambot na lang si Autumn, kasalanan niya ang lahat ng ito, kung hindi siya lumabas ng bahay, hindi sana siya nasa ganitong sitwasyon ngayon, at kung hindi niya idinawit ang lalaki ay hindi ito madadamay sa problema niya.
     But still kahit lumabas man siya o hindi, ang sitwasyon ng buhay niya ay pareho pa rin. Ikakasal pa rin siya. Ang pinagkaiba lang, ay ang tipo ng lalaking pakakasalan niya. Ang isa ay willing na ikasal sa kanya, ang isa naman ay ka pareho niyang napipilitan lang.
    Bakit ba lahat ng ginawa niya ay nag back fire sa kanya? Ang inis at desperadang tanong ni Autumn sa sarili.
     "Dad please" ang muling sabi ni Autumn.
     "Ano Autumn? Boyfriend mo siya hindi ba? Ayaw mo bang maikasal sa kanya?" ang tanong ng ama.
     Autumn looked at him, matiim ang mga tingin nito sa kanya, habang hinihintay ang kanyang sagot, she's having a dilemma right now, sino ba ang sasagipin niya? Ang lalaki o ang sarili?
     "Tapos na ang usapan natin dito, boys, gumawa na kayo ng report with regards sa operation, and walang makalalabas tungkol sa nangyari rito, for my daughter's sake" ang pakiusap nito sa mga agent na nasa loob.
     "Affirmative sir, mabuti at nauna na rin ang NBI agents, sir" ang sagot ng leader. Tumangu-tango lang ang heneral sa sinabi ng lalaki.
     "Alright, Autumn, ihahatid kita sa bahay" ang bilin ng kanyang daddy sa kanya, at tanging pagtangu-tango lang ang isinagot niya sa ama.
     "Pwede po bang ako na ang maghahatid kay Autumn sa bahay niya? I wanted to talk to her" ang hiling ni Ace sa general pero ang mga mata niya ay nakapako kay Autumn.
     Napabuntong-hininga na lang ang heneral at tiningnan ang relo nito sa kamay, wala na rin naman siyang panahon, at kailangan pa nilang iasses ang tungkol sa raid for media presentation.
     "Alright, sa bahay mo siya ihahatid at kakausapin mo lang ang anak ko DuPont, saka nyo na ilabas ang init sa katawan ninyo kapag naikasal na kayo, kahit pa ilang beses nyo nang ginawa yan" ang sagot nito sa kanya.
     Nakita ni Ace na napalunok ang babae at namula ng husto ang mukha nito, "thank you sir" ang matipid niyang sagot.
     Lumabas na sila ng hotel room, at sinabayan niyang maglakad si Autumn, for some reason, inalalayan niya itong maglakad, inilapat niya ang kanyang kamay sa likuran nito. And that moment, it felt so right and good. Darn! Hindi siya dapat nakaramdam ng ganito sa babaeng nag dala ng doomsday sa buhay niya. Mabilis niyang inialis ang kamay na tila ba napaso siya, at naglakad na lang siya kasabay nito.
     Autumn caught her breath, nang maramdaman ang mainit na palad ni Ace sa kanyang likuran, na tila tumagos sa suot niyang t-shirt. At para siyang na kuryente na nadama ng buo niyang katawan, at bahagyang nanginig ang kanyang katawan.
     Mabilis na inalis ni Ace ang kanyang kamay, at napansin niyang parang nanginig ang katawan ni Autumn.
     "Are you cold?" ang tanong niya rito, hindi ba hindi siya dapat nag-aalala sa babaeng ito? Ang giit niya sa sarili, pero huli na, lumabas na sa kanyang bibig ang tanong niya.
     "Medyo" ang pagsisinungaling ni Autumn, kaya naisipan niyang isuot ang hawak niyang jacket. At kung bakit ba, parang hirap siyang isuot ang jacket, dahil unti-unti nang nakararamdam ng pagod ang kanyang katawan.
     Napansin ni Ace ang pagod kay Autumn, parang hindi na nito mailusot ang mga braso sa jacket. Instinctively, kinuha niya ang jacket sa mga kamay nito at hinawakan niya para maisuot ni Autumn.
     "Here" ang mahinang sabi ni Ace, malapit sa kanyang tenga, at naramdaman na naman niya ang kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan.
     Isang malat na"thank you " ang naisagot niya nang maisuot na niya ang jacket. At tumangu – tango lang ito sa kanya.

    
     Pinagbuksan ni Ace si Autumn ng pinto sa passenger seat, "get in" ang mahinang sabi niya rito. Hindi na nakatanggi pa si Autumn at nakatingin pa sa kanila ang kanyang daddy, na hinintay na muna silang makaalis.
     Habang nasa biyahe ay tahimik lang silang dalawa, nagsalita lang si Ace na tanungin nito kung saan ito nakatira.
     Narating na nila ang kanilang bahay, ipinarada ni Ace ang sasakyan sa harapan ng gate nila Autumn. Mabilis na lumabas si Autumn ng sasakyan.
     "Salamat sa paghatid" ang mabilis niyang sabi saka niya isinara ng malakas ang pinto ng kotse. Pero nagbubukas pa lang siya ng gate ay naramdaman na niya ang kamay ni Ace sa kanyang balikat.
     "Papasok ako sa loob, we need to talk" ang mariing sabi ni Ace sa kanya.
     Napabuntong hininga si Autumn at bumagsak ang kanyang mga balikat, tumangu-tango na lang siya, at hinayaan niyang sumunod si Ace sa kanyang likuran habang papasok sila ng bahay.
      Pagpasok na pagpasok pa lang nila ay hindi na nagpatumpik tumpik pa si Ace, agad niyang hinarap si Autumn, ang galit na kanina pa niya kinikimkim ay binulalas niyang lahat.
     "What the hell was that?!" ang galit na tanong ni Ace kay Autumn na natigilan sa galit at halos pasigaw na tanong ni Ace sa kanya.
     "I-ahm" ang pagkautal niya, dahil sa kaba, hindi kaya sa galit nito sa kanya ay mapatay siya nito? Ang takot na sabi ni Autumn sa sarili.
     "Bakit mo sinabing boyfriend mo ako?" ang muling galit na tanong ni Ace.
     "I was trying to save you sa kahihiyan at kaso na pwede mong kaharapin" ang pagsisinungaling ni Autumn.
     "Sa tingin mo ba nasagip mo ako? Mas lalo mo akong inilubog sa panganib! My god now I have to marry you?" ang di makapaniwalang tanong ni Ace.
     "I'm sorry, really, hindi ko akalain na magbaback fire ang ginawa ko" ang sabi ni Autumn.
     "Ginawa mo ba akong scapegoat para makawala sa kasal mo sa Leo na iyun?" ang usisa ni Ace.
     Kinabahan si Autumn, "of course not! I told you I was trying to save you" ang pagsisinungaling ni Autumn, talaga naman, kapag nasimulan pala ang kasingungalingan ay humahaba na ito.
     "I don't believe you, may iba kang agenda" ang sagot ni Ace.
     "Well, paniwalaan mo kung anuman ang gusto mong paniwalaan basta sinabi ko ang totoo" ang giit ni Autumn.
     "At bakit hindi ka tumanggi sa daddy mo?" ang tanong ni Ace.
     "At bakit ikaw hindi?" ang balik tanong ni Autumn.
     "Tumanggi ako hindi ba?" ang patanong na sagot ni Ace.
      "That was not enough, saka, you could have denied na may relasyon tayo, pero sumakay ka sa pagsisinungaling ko" ang giit ni Autumn.
     "Dahil akala ko isasalba mo ako" ang galit na sagot ni Ace.
     "I told you I tried" ang pagod ng sagot ni Autumn, she was so tired, gusto na niyang magpahinga, ang mga nangyari nang gabing iyun ay unti-unting pamapaloob sa kanyang katawan at napapagod na siya.
     "Look, I'm so tired gusto ko ng magpahinga" ang sabi ni Autumn.
     Nakita ni Ace ang pagod sa mukha ng dalaga, pero hindi siya dapat makadama ng awa rito, isang façade lang ang inosenteng mukha nito dahil, isa itong taong mapagbalak ng mapanirang gawa, ang sabi ni Ace sa sarili.
     "You have to stop this nonsense Autumn" ang sabi ni Ace sa kanya, at sa unang pagkakataon ay tinawag siya nito sa kanyang pangalan.
     "Hindi tayo pwedeng magpakasal" ang giit ni Ace sa kanya.
     Tumangu-tango si Autumn, "alright gagawin ko ang lahat para di matuloy ang kasal" ang sagot ni Autumn, with her fingers crossed sa kanyang likuran.
     Pinagmasdan ni Ace ang mukha ni Autumn halata ang pagod sa mukha nito, hindi niya alam kung bakit gusto niyang haplusin ang malambot nitong pisngi, para pawiin ang pagod nito.
     Bigla siyang natauhan at pinigilan ang sarili, tumangu-tango siya bago nagsalita.
     "Sige, aasahan ko iyan" ang sabi ni Ace bago ito nagpaalam kay Autumn na inihatid pa siya sa may gate ng bahay.
     Pagbalik ni Autumn sa loob ng bahay ay agad na isinara ni Autumn ang pinto at napasandal siya rito, saka niya inilabas ang malalim hininga na kanina pa niya pinipigilan.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu