Chapter 34

6.6K 199 32
                                    


"Oh, bakit busangot yang pagmumukha mo?" ang natatawang tanong ni Gary kay Ace, habang nagkakape sila sa isang coffee shop sa ibaba ng building na pagmamay-ari ng kanilang kumpanya.
     Hindi sumagot si Ace at tiningnan lang si Gary sabay inom sa kanyang kape. Kababalik lang nila kagabi ni Autumn from Baguio. Pero hindi na siya nagpahinga pa ng isang araw, gusto na niyang maging abala at mabaling ang kanyang atensyon at damdamin sa ibang bagay kaya pumasok na nga siya agad kinabukasan. He needed some space from everything, he badly needed some space from Autumn, na naiwan niya sa kanilang condo.
     Pero gaya niya ay umalis din ito ng condo. Pagkatapos nilang mag-almusal ng halos di nagkikibuan, dahil na rin naman sa siya mismo ang umiwas, ay nagpaalam ito sa kanya kanina na pupunta ito sa kanyang daddy para kamustahin ito at para ibigay na rin ang nakuha nilang memory card from Harry. Pagkatapos ay pupunta ito sa dati nilang bahay para kunin ang mga gamit nito at ilipat sa kanyang condo unit.
     That moment hit him hard na hindi na ito honeymoon stage, ito na ang reality. Magsisimula na siyang mamuhay na kasama si Autumn. Mamumuhay na siya bilang isang may-asawa.
     "Kagagaling mo lang sa honeymoon hindi ba? Eh bakit parang lantang gulay ka? Masyado ka bang napagod?" ang nangingiting sabi sa kanya ni Gary.
     Umiling si Ace, "it's just that" he sighed, "everything's new to me and everything happened so fast, I felt like I've been hit by a fast train and it was dragging me on its track" ang sagot niya.
     "Paano yan? Mawawalan na ako ng drinking at womanising buddy sa pag – babar? Magiging malungkot na ang buhay ko" pero biglang ngumisi si Gary sa kanya, "o ang buhay mo ang magiging malungkot?" ang nakangising pahabol na sabi nito sa kanya sabay tawa.
     "No, hindi mangyayari yan" ang tanggi ni Ace at natawa lang sa kanya si Gary.
     "Boss, baka nakakalimutan mo na PNP chief ang tatay ng asawa mo" ang pagpapaalala sa kanya ni Gary.
     "Autumn won't complain, maintindihan niya na hindi ako pwedeng magbago ng dahil lang sa naikasal na ako, she has to get used to it, na kailangan kong mag-unwind after my work" ang giit ni Ace. Oo sigurado siya doon, dahil he tested her patience.
     "E bakit ka pa nag-asawa kung di ka rin naman magtitino, tapos sa anak pa ng kilalang general, are you in drugs?" ang pang-aasar ni Gary sa kanya.
     "Hindi ba at nabanggit ko na sa iyo na napasubo lang ako sa kasal? Na napilitan lang ako na pakasal kay Autumn?" ang pag-papaalala ni Ace. But he didn't elaborate kung paano sila nagkakilala ni Autumn.
     "Eh, ano bang gusto mong mangyari?" ang tanong ni Gary sa kanya.
     Ang hindi mainlove kay Autumn, ang mawala ang kakaibang pakiramdam na nasa kanyang dibdib, ito sana ang gusto niyang sabihin, pero ayaw niyang pagtawanan ng kaibigan. Ayaw niyang malaman nito na nakahanap na siya ng katapat na magpapalambot sa kanya.
     He can't confide with Deven, dahil alam niyang, hindi ito papayag sa magiging desiyun niya at alam niyang sasabihin nito na walang masama kung magmahal siya at hindi naman sila pareho ng kalagayan na kung anuman ang nangyari rito ay mangyayari rin sa kanya. But, still he couldn't take the risk.
     "Gusto kong bumalik ang dati kong buhay, yung pwede kong gawin lahat ng gusto ko, ang maging binata ulit" ang tanging sagot niya.
     "Then file for an annulment"
     Mabilis na umuling si Ace, "hindi pwede pre, walang hiwalayan na mangyayari, yan ang banta ng papa sa akin".
     "Then mambabae ka para hiwalayan ka ni Autumn" ang suhestiyon ni Gary sa kanya na mabilis din niyang di sinang – ayunan.
     "Pinagbantaan ako ng papa na kapag nambabae ako, siya mismo ang puputol sa KALIGAYAHAN ko, and just think kung malaman din yun ng lunatic dad ni Autumn, baka masagad ako pre" ang sagot ni Ace na nagpangiwi sa kanyang kaibigan.
     "Oh, eh di tanggapin ko na lang na nakatali ka na talaga" ang sagot sa Gary sa kanya bago ito muling humigop ng kape.
     Sandaling nanahimik si Ace, nakatali? No, hindi niya kayang magmahal, dahil natatakot siyang masaktan, he can't. He's too afraid and coward to face his fear. Pero paano niya mahihiwalayan si Autumn? Pero paano kung? Ang biglang tanong niya sa sarili at nanlaki pa ang kanyang mga mata.
      Tumangu-tango siya, "hindi ako pwedeng makipaghiwalay kay Autumn, that's for sure, pero si Autumn PWEDENG makipaghiwalay sa akin" ang ideya ni Ace.
     "What do you mean boss?" ang interisadong tanong ni Gary.
     "I mean, hindi ako pwedeng makipaghiwalay, pero paano kung si Autumn ang gusto ng makipaghiwalay sa akin? Wala silang magagawa, susundin ni General ang anak niya dahil hindi nito matitiis si Autumn kapag nalaman nito na nahihirapan na ang anak" ang paliwanag ni Ace at sumagi sa isip niya na kung handa nitong gawin ang lahat para sa honor ni Autumn, he assumed na hindi nito gustong masaktan o makitang nahihirapan ang anak.
     "Pero papaano mo gagawin?" ang tanong ni Gary na nag-aalangan pa sa sinabi niya.
     "Kailangan magkarun ng reason si Autumn na hiwalayan ako, but womanising is definitely OUT of the list" ang sagot ni Ace, habang nakakunot ang noo nito at nag-iisip.
     "Bakit hindi mo gawin ang lahat ng ayaw niya?" ang suhestiyon ni Gary sa kanya, and it caught his attention.
     "Alamin mo kung ano ang kinaiinisan niya then yun ang gawin mo, hanggang sa she couldn't take it anymore at siya na mismo ang layasan ka" ang nakangiting sabi ni Gary.
     Basta talaga kalokohan maaasahan niya si Gary, and maganda ang idea nito, ang sabi ni Ace sa sarili.
    "Maaasahan talaga kita Gary, that was a good idea!" ang nakangising sagot ni Ace.
    "Alam mo naman na maaasahan mo talaga ako, kahit ano gagawin ko para sa iyo bossing" ang sagot nito sa kanya.
     "Kung ang daddy niya ay may operation tokhang,"-
     "Ikaw naman operation palayasin sa inis si misis" ang putol ni Gary sa kanya.
     "Amen to that" ang sagot ni Ace, at itinaas pa nito ang hawak na tasa. Pero kabaligtaran ng saya sa kanyang mukha, ay ang tunay niyang nadarama. Kakayanin ba niyang mawala si Autumn sa kanyang buhay?
     Then suddenly he felt his phone vibrating in his front jeans pocket, he fished out the phone and saw Autumn's name on the the screen, his heartbeat quicken. Damn! This woman can do to him!
     After five rings ay sinagot na iyun ni Ace, "yes?" ang matipid niyang sabi.
     "Ace, I just got here sa iyung condo, I'm actually at the parking lot right now, nakalimutan ko, wala nga pala akong susi ng unit, I was about to bring up my things sana, ahm, pauwi ka na ba?" ang tanong sa kanya ni Autumn mula sa kabilang linya.
     He wanted to ran as fast as he can and drove his way back to his unit, but, isn't what he wanted was to get rid of Autumn? So kailangan niyang tikisin ito. And he has to start that very moment.
     "Ahm, can you wait? Mamaya pa kasi ako, marami pa akong pipirmahan na papers" ang pagsisinungaling ni Ace and he tried to sound irritated.
     "Oh, okey, maghihintay na lang ako, sige hindi na kita aabalahin, bye!" ang sagot ni Autumn sa kanya bago nito pinutol ang linya.
     God, he didn't want what he was feeling right now, his chest felt so heavy, nakokonsensiya siya.
     But still, she deserved this, kung hindi nito sinabi na mag boyfriend sila hindi siya maikakasal sa kanya at di nito dadanasin ang mga pahirap nito sa kanya, he tried to justify his deeds to himself. Yup, this was all her fault, ang giit pa niya sa sarili and he resumed in drinking his coffee.
    "Who's that?" ang interisadong tanong ni Gary sa kanya.
    "It was Autumn" ang matipid na sagot ni Ace. At nang nagtaas ng kilay si Gary sa kanya na tila ba nagtatanong ay umiling lang siya rito bilang sagot.

    
     He tried to get himself busy sa loob ng kanyang opisina, pero ang tila oras na pag-upo niya sa kanyang swivel chair ay minuto lang pala ang lumilipas. He kept on thinking at Autumn.
     Ano na kaya ang ginagawa nito? He envisioned her, sitting inside her car, waiting for him, or maybe nasa lobby siya ng condo, sitting comfortably on one of the couches there.
     But still, she's waiting for him, tila ba na imagine niya ang batang si Autumn na nakatanaw sa may dalislis malapit sa Sta Catalina, nakaupo at nakatanaw habang naghihintay sa mga magulang nito kung kailan magbabalik ang mga ito para kunin siya. And he remembered the sad look in her eyes, napabuntong-hininga si Ace.
     He gritted his teeth, grrr, he stood up abruptly and marched towards the door and pulled it open and slammed it shut behind him, as he angrily walked his way, out of the office.

    
     Nanatili na lang si Autumn sa loob ng kanyang sasakyan. Ayaw na muna niyang pumasok sa loob ng condo at maghintay sa lobby. Mas gusto na lang niya ang maupo mag-isa sa sasakyan niya without the curious stares from other people.
     Pinatay na lang niya ang aircon at makina ng sasakyan, saka niya ibinaba ang bintana para may pumasok na hangin sa loob. She looked at her back, sa backseat, kakaunti lang naman ang mga dinala niyang gamit. But, still it would take a few trips up and down, mula sa unit ni Ace.
     Pwede naman siguro siyang magpatulong dito, ang sabi niya sa sarili. She sighed and she waited, that she never thought that it would take her into hours of waiting.
    
    
     Ace parked his car in front of the condominium, agad siyang pumasok sa loob para I check kung nasa lobby si Autumn. He scanned the area at nang walang Autumn siyang nakita ay sumakay siyang muli sa kanyang sasakyan para magpunta sa parking, at doon na nga niya nakita ang sasakyan ni Autumn.
    Ipinarada niya ang kanyang sasakyan saka siya lumabas para lapitan ang sasakyan ni Autumn. She immediately saw him at lumabas na rin ito ng kotse. And again, he felt his heart skipped. Hindi siya dapat nandito! Ang giit niya sa sarili. Pinaghintay niya dapat so Autumn matagal, hindi ba ang misyon niya ngayon ay ang inisin ang asawa para hiwalayan na siya nito?
      "Ace" ang bati sa kanya ni Autumn, at tumango lang siya. He has to stopped caring for her, ang giit niya sa sarili.
     "Mauna na ako sa itaas para mabuksan ko na nag unit ko" ang sabi ni Ace sabay talikod nito kay Autumn.
     "Don't look back, don't look back" ang bulong ni Ace sa sarili, para hindi siya lumingon kay Autumn at alam niya kapag ginawa niya iyun ay makikita niya ang mga mata nito, at hindi na naman niya ito matitiis. Kaya mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng building.
    
    

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon