Chapter 41

6.6K 218 57
                                    

Ace stretched his arms, pagkagising niya kinaumagahan, he was still sleepy, dahil na rin sa late na siyang umuwi. But he needed to get up at may pasok siya and meeting with Deven and a new investor that morning.

     Groggily he sat up, inalis niya ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan, naghihikab niyang ibinaba ang kanyang paa, at pagtayo niya at paghakbang ay napatid ang kanyang paa, sa tela na nasa sahig and he fell face down on the wooden parquet floor.

    "What the fuck!" ang sigaw ni Ace pagbaksak niya sa sahig, agad siyang tumayo by pushing his arms up, pero, hahakbang palang siya ay di pa naalis ang pagkakalusot at pagkabuhol ng tela sa kanyang mga binti at muli na naman siyang tumumba, and because he wanted to hold onto something, he tried to reach the cabinet, but still he fell, at nahawi niya ang lahat ng nakapatong sa ibabaw ng kanyang cabinet, gaya ng kanyang toiletries. At dinig na dinig ang muling malakas na pagbagsak ng katawan nito, kasunod ang mga toiletries niya na nagkalat na sa sahig.

     "What the hell!?" Ace yelled as he stumbled again for the second time. Sa pagkakataon na iyun ay hindi na muna siya tumayo, bumangon siya sa pagkakadapa at naupo muna sa sahig na noon lang niya napansin na punong-puno ng nagkalat na damit.

    Nakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang mga damit at saka niya napansin na nagsama na ang madumi at ang malinis niyang damit. Paanong napunta ang mga ito sa sahig? Ang tanong niya sa sarili, then he thought "Autumn" ang galit na sigaw ng isipan niya.

    Tumayo siya muli at nang may sumabit ulit na tela, and this time his underwear, sa kanyang paa, ay pilit niyang inalis ito by shaking his feet, he shook his feet a couple of times pero di ito agad naalis, at inabot niya ang paa para hilahin ang kanyang brief sa paa.

     At sa galit at inis niya ay sinipa niya ang mga damit pero tumama ang kanyang daliri  sa paanan ng kama.

    "Ouch! Fuck!" ang malakas na sigaw ni Ace saka hinawakan ang masakit niyang hinlalaki sa paa, at nagpangiwi siya sa nakapanlalambot na sakit, na nadama ng buo niyang katawan.

     Autumn was sipping her coffee while looking at her notes para sa kanyang schedule and errands for that day. She has a coffee date with his dad later pagkatapos ng kanyang trabaho. She was in the middle of writing down some notes nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Ace.

     Napatingala siya mula sa pagkakayuko niya, habang nagsusulat, at natuon ang kanyang mga mata sa direksyon ng kwarto ni Ace. Hindi na siya nagulat sa sigaw nito, dahil sa hinihintay niya kanina pa ang sigaw ni Ace.

     Maaga siyang nagising dahil, kailangan niyang bumangon ng specific na oras, iyun kasi ang tried and tested na niyang oras, na alam niyang tulog na tulog na ang mga tao. Kasarapan ng tulog, ikanga ng ilan. And she did it several times with her friend Snow before, noong nasa convent pa sila. They snooped up at three in the morning para magkwentuhan at magpunta sa labas para hintayin ang pagsikat ng araw.

     At sinadya niyang gumising ng ganung oras, para maisakatuparan niya ang kanyang plano. And it looks like that, her efforts were, worth it.

     Hearing him yell and curse, was music to her ears. At hindi niya mapigilan ang isang malapad na ngiti na gumuhit sa kanyang mga pisngi. Yeah, he did threw rocks on her and she did threw bread on him in return. Lots of bread.

     Mabilis niyang itinago ang kanyang ngiti nang paika-ika na lumabas ng kwarto nito si Ace. Bitbit nito ang isang boxer shorts nito sa isang kamay, his eyes were like steel because of anger. But she stay calm and collected, ano pa at naging anak siya ng general.

     "What the hell is this?!" ang pasigaw at galit na tanong ni Ace sa kanya, with his eyes glaring at her.

     She raised her head up and looked at him with a frown on her head, then she eyed the cotton garment in his hand and lifted an eyebrow, "ah, your underwear?" ang patay malisya at patanong niyang sagot kay Ace. Pilit niyang pinigilan ang kanyang tawa, na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga labi.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon