Chapter 28

7.4K 216 54
                                    

Magkahawak kamay pa rin sila habang naglalakad at tila ba hindi na nila alintana ito. Para bang natural lang na maglakad sila ng ganuon (HHWWPSSP)
     Then, Ace became conscious, dahil napapasulyap sa kanya ang mga nakakasalubong nila sa paglalakad. He touched the bump on his temple. Medyo malaki pa rin ito. Hindi niya alam na napansin ni Autumn ang ginawa niya.
     "Masakit ba?" ang tanong nito sa kanya.
     Umiling siya, "hindi naman kaso, mukhang curious ang tingin sa akin ng mga tao at ang laki ng bukol ko" ang sagot ni Ace.
     Autumn felt guilty, pero kasalanan iyun ni Ace kung bakit nagka bukol na naman ito. Kung hindi ba naman nga attempt ito na iconsummate ang marriage nila baka wala itong bukol ngayon. But still, she regretted what she had done. At nang madaanan nila ang isang matandang babae na naglalako ng mga souvenirs ay hinila ni Autumn si Ace papalapit sa matanda.
     "Ace may pera ka diyan?" ang nahihiya pa niyang tanong.
     "How much do you need?" ang balik tanong ni Ace.
     "Wait lang" ang sagot ni Autumn at namili siya sa mga tinda ng matanda at nang makita niya ang nagustuhan niya ay kinuha iyun ni Autumn at tinanong ang matandang babae kung magkano.
    "Fifty-five pesos Ace" ang sagot ni Autumn sabay suot niya kay Ace ng isang bonnet na kulay gray, ka kulay ng mga mata nito. Inayos ni Autumn ang bonnet sa ulo ni Ace para bahagyang matakpan ang bukol sa sentido nito.
     Nagulat si Ace nang I suot sa kanya ni Autumn ang bonnet, pero sa halip na magalit at tanggalin ang bonnet, ay napagtanto niya na maganda ang ginawa ni Autumn, at natakpan nito ang kanyang bukol.
     Binayaran ni Ace ang matanda ng one hundred pesos at hindi na niya kinuha ang sukli, at nag patuloy na sila sa paglalakad.
     "Thank you sa idea mo, kanina pa kasi ako pinagtitinginan ng mga nakakasalubong natin" ang sabi ni Ace kay Autumn, at muli ay naglakad sila na magkahawak kamay.
     "Sus, e puro naman babae ang tumitingin sa iyo, baka nagugwapuhan lang" ang biglang sagot ni Autumn, at nagitla siya sa kanyang nasabi, pero huli na lumabas na sa kanyang mga bibig ang salita at hindi na niya mababawi.
     Ace glanced at her and a slow smile formed on his lips, "talaga? Nagugwapuhan sila? Sila lang ba?" ang biro ni Ace kay Autumn, na namula ng husto ang mga pisngi.
     "H-ha? May sinabi ba ako?" ang balik tanong at patay malisyang sagot ni Autumn.
     "Oo, may bukol lang ako pero di ako bingi" ang natatawang sagot ni Ace.
     "Hmm, medyo, pero mas pogi si Lyndon" ang pagsisinungaling ni Autumn, dahil para sa kanya, walang lalaki na mas popogi pa kay Ace.
     Ace snorted and grimaced, "kailan pa naging gwapo ang supladong yun, siguro nga bakla yun eh, kasi suplado sa babae" ang mapanghusga na sabi ni Ace.
     "Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay maging friendly ka sa babae, yung tipong playboy na ang dating, maigi rin yung may pagka mysterious ang dating ng lalaki" ang sagot ni Autumn na ikinainis ni Ace. Pero sa halip na bitiwan ang kamay nito ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Ace sa kamay ni Autumn.
     "May gusto ka ba kay Lyndon?" ang inis na tanong ni Ace, "bakit di na lang si Lyndon ang pinakasalan mo?"
     Hindi sumagot si Autumn, hindi niya inasahan ang galit na tugon ni Ace dahil nagbibiruan lang naman sila hindi ba? Ang tanong ni Autumn sa sarili. Umiwas na lang siya ng tingin kay Ace, na napabuntong-hininga.
     "Malayo pa ba ang mall?" ang tanong ni Ace, na iniba na ang topic ng usapan nila. Bwisit talaga ang Lyndon na yun, kahit malayo panira ng mga sandali. Bakit kasi nakaramdam ka ng selos Ace?! Ang tanong niya sa sarili.
     "We're not going to the mall" ang sagot ni Autumn na muling bumalik ang nga ngiti sa labi.
     "What? E saan ka bibili ng damit?" ang takang tanong ni Ace, then when they made a turn ay sumagot si Autumn.
     "Nandito na tayo! Welcome sa Session Road, where the best wag-wagan or ukay-ukay are located!" ang excited na sabi ni Autumn, at halos hilahin niya si Ace, na natigilan sa paglalakad ng marinig ang sinabi niya.
     "What? We can't buy clothes here" ang giit ni Ace.
     "Bakit hindi?" ang patanong na sagot ni Autumn.
     "Because, those were used clothes already" ang giit ni Ace kay Autumn.
     Autumn snorted, "hindi naman lahat ay gamit na may mga hindi pa gamit, mayron mga overruns, saka may mga branded din dito na makukuha natin ng mas mura" ang giit ni Autumn.
     "Autumn, walang problema kung bumili tayo ng mahal na damit" ang sagot ni Ace.
     "Hay naku, halika na, tingnan mo muna kasi, huwag ka na ngang maarte" ang giit ni Autumn at hinila niya si Ace papasok sa isang three storey na building.
     Wala nang nagawa si Ace kundi ang sumunod kay Autumn habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay, pumasok sila sa loob ng isang building. At kita ni Ace ang excitement sa ngiti at galaw ni Autumn, pagpasok nila sa loob.
     Napahanga si Ace sa dami ng damit na mga nakahanger, may mga label pa sa itaas para malaman ang bawat section ng aisles.
     Iginiya siya ni Autumn, at hindi na siya nag-alangan na sumunod dito. Nagpunta sila sa mahabang aisle ng mga jacket at sweaters, may mga hoodies din.
     "Sige na mamili ka na" ang sabi ni Ace kay Autumn, kaya nagbitaw na ang kanilang mga kamay. Agad na ginalugad ni Autumn ang mga naka hanger na mga hoodies. At nang may nakita siyang kulay gray na hoodie ay agad na kinuha iyun ni Autumn.
     It reminded her of Ace's eyes, inilapat niya ang hoodie sa kanyang katawan, at kasya iyun. Tiningnan niya ang presyo na nakamarka sa aisle. Three hundred pesos ang lahat ng hoodie.
     Kumuha pa siya ng isa na kulay gray at blue, maya-maya ay nilapitan si Autumn ng isang babaeng nagtatrabaho sa loob at binigyan siya ng basket.
     Agad na nagpasalamat si Autumn at inilagay niya ang napiling hoodie sa kanyang basket. Naisip niyang, hindi naman niya na tama na siguro ang dalawang hoodie. Lumingon siya kay Ace at nahuli niyang tinititigan siya nito.
      Namula ang mga pisngi niya, tingin ba sa kanya ni Ace ay isang cheap at low class na babae dahil namimili siya sa ukay? Ang sumagi sa isip ni Autumn. Pero, hindi siya katulad ng mga babae nito. She was used to these things, ang giit ni Autumn.

     Pinagmasdan ni Ace si Autumn habang nakatayo lang siya sa unahan ng aisle at abala si Autumn sa pagpili ng hoodie sweater. Hindi niya inakala na may katulad pa pala ni Autumn na kahit na kilala na ang estado ng pamilya sa lipunan ay napaka simple pa rin nito. Natutuwa siyang pagmasdan si Autumn habang namimili ng mga jacket.
     Pero may ipinagtataka si Ace, paano nalaman ni Autumn ang ganitong lugar? Kung lumaki itong parang nakakahon mula sa ama. He'll definitely find out later, ang sabi niya sa sarili.
     Pinagmasdan niya si Autumn na papalapit sa kanya at may dalang basket, may dalawang sweater na may hoodie na laman ang basket nito.
     "Ace I just needed a couple of jeans then okey na ako" ang sabi ni Autumn.
     "OK saan ba?" ang patanong na sagot ni Ace, at sumunod na lang siya kay Autumn nang ituro nito ang kung saan banda at naglakad na ito patungo roon.
     Marating nila ang aisle na puro pantalon, and Ace couldn't believe na sa halagang two hundred pesos ay may maong ka ng pantalon. Sandali lang na namili si Autumn at maya-maya pa ay dalawang pantalon na ang inilagay nito sa basket.
     "OK na ako" ang sabi ni Autumn nang lumapit ito kay Ace, na tumangu-tango lang ang sagot. But then, napansin ni Autumn ang isang sweater na may hood sa katabi na aisle kung saan puro sweater na panlalaki ang nakasabit. Agad kinuha ni Autumn ang gray na sweater at idinikit sa itaas na bahagi ng katawan ni Ace, na nagulat sa ginawa niya.
     "Bagay sa iyo, kakulay ng mga mata mo" ang sabi ni Autumn kay Ace na napangiti sa sinabi niya.
     "Napansin ko may kulay gray ka rin na hoodie kanina" at itinuro niya ang basket ni Autumn, "gusto mo ba talaga ng kulay gray o dahil sa kakulay ng nga mata ko?" ang panunukso ni Ace, at bahagya siyang natawa ng makita niyang nanlaki ang mga mata ni Autumn at namula ang mga pisngi.
     "Patingin nga kung bagay?" ang tanong ni Ace sabay kuha ng sweater sa mga kamay ni Autumn. Tumangu-tango siya nang magustuhan din ang sweater, pwede niya itong gamitin kahit sa Manila. At nagulat siya dahil sa in good condition ang hoodie.
     At hindi na nila namalayan na naglibot na rin sila sa loob ng tree storey building at unti-unting nadagdagan ang laman ng kanilang basket na si Ace na ang may bitbit. At kahit ito ay nagsimula na ring mamili ng damit niya.
     They ended up going to the cashier with two baskets full of clothing. At nang nakapila na sila ay saka lang napagtanto ni Ace na kulang ang cash niya. Hindi kasi siya nagdadala ng malakihan na cash, at nagamit na niya nung nagpagasolina sila at umorder ng takeout. Nakalimutan niyang magwithraw sa ATM.
     "Ahm, Autumn I'm out of cash, may ATM ba na malapit dito?" ang tanong ni Ace kay Autumn, at dahil sa hindi sure si Autumn, nag tanong na muna sila sa kahera at itinuro naman sila nito sa may pinakamalapit na ATM.
     Naiwan na lang si Autumn sa may building para maghintay kay Ace na nag withdraw. After several minutes ay nakabalik na ito at agad nilang binayaran ang mga pinamili. Bitbit ni Ace ang dalawang bags na puno ng damit.
     At napayuko siya at nakita niyang maganda pero hindi masyadong mainit sa mga paa ang sapatos ni Autumn.
     "Autumn, we need to buy you a much warmer shoes, nagtanong na ako kanina kung nasaan ang mall, bumili tayo ng sneakers mo" ang sabi ni Ace.
     Umiling si Autumn, "hindi natin kailangan na magpunta sa mall, I know just the right place" ang nakangiting sagot ni Autumn. At napailing at napangiti na lang so Ace, dahil alam niyang sa isang bagong experience na naman ito para sa kanya. But, he is liking it very much.


     Ace immediately removed his shoes and he extended his legs on the cool grass, and he almost sighed nang mailapat na niya ang kanyang pwet sa malambot na damuhan. Ang tanging sapin nila sa damuhan ay dalawang tuwalya na nabili nila sa isang tindahan papunta sa Burnham Park.
     Naupo rin si Autumn sa tabi ni Ace, at inalis din niya ang suot niyang espadrilles, hindi na siya Sanay sa ganitong lakarin at dahil sa hindi rin masyado komportable ang suot niyang sapatos ay namimintig na ang kanyang mga binti.
     Agad na iniabot ni Ace ang isang paperbag na laman ang binili nilang pagkain, mukhang magkakasundo sila pagdating sa pagkain, dahil pareho silang mabubuhay sa fast food.
     "Thank you" ang sabi ni Autumn kay Ace nang iabot nito ang kanyang malaking burger at fries, inilapag din ni Ace ang drinks nila sa damuhan.
     "Would you please pass me the other paper bag? Yung binili natin sa drugstore" ang paki usap ni Autumn kay Ace na mabilis namang tumalima. Binuksan ni Autumn ang bag at kinuha niya ang binili nilang wet wipes, alcohol, at sanitizer. Mga bagay na hindi mabubuhay si Autumn.
     Pinagmasdan siya ni Ace, sa kanyang ginagawa habang nagpupunas ng wipes sa kamay bago nito nilagyan ng sanitizer ang kamay.
     May pagkaneat freak pala itong si Autumn, ang sabi ni Ace sa sarili. Isusubo na sana niya  ang kanyang burger ng pigilan siya ni Autumn.
     "Ace, madumi pa ang mga kamay ko?" ang sabi ni Autumn kay Ace na nasa bungad na ng bibig nito ang burger.
     "What?!" ang iritadong tanong ni Ace, gutom na kasi siya.
     "I said madumi pa ang mga kamay mo" ang giit niya.
     Ace snorted, "bull!" ang sagot nito sa kanya, pero di patitinag si Autumn, kinuha niya ang burger sa kamay ni Ace, at ibinalik sa bag, bago niya kinuha ang mga kamay ni Ace at pinunasan niya ng wipes saka binuhusan ng hand sanitizer.
     "Yan, pwede ka ng kumain" ang nakangiting sabi ni Autumn kay Ace na natigilan sa ginawa niya.
     Ace cleared his throat, "thanks" ang matipid nitong sabi.
     Nag simula na silang kumain, nagutom silang dalawa sa paglilibot at pamimili. Pagkatapos kasi nilang mamili ng damit ay sa isa pang sikat na puntahan ng mga ukay naman sila nagpunta kung saan ay sikat naman sa mga sapatos.
     At kahit pa ayaw ni Ace noong una, he saw himself lurking the shelves of displayed shoes, and he ended up, buying four pairs. At nang makakita siya ng hiking boots ay nagka-idea siya ng kanilang itenirary para bukas. Natanong na rin niya kaninang umaga sa front desk ang mga tours that they provide for their guests. He'll just make a confirmation later.
     At hinanapan din niya si Autumn ng hiking boots, and hindi naman siya nahirapan, nagtaka pa nga si Autumn kung bakit kailangan nilang bumili ng ganun na sapatos, but he just shrugged his shoulders. Ayaw niya sabihin kay Autumn ang balak niya at gugulatin na lang niya ito bukas. He he, siguradong pahihirapan niya ito, ang sumagi sa isipan kanina ni Ace habang namimili sila ng sapatos.
     At pagkatapos nila mamili ay nagpasya silang kumain. They also decided na I take out na lang ang pagkain nila at sa park na lang sila kumain. Then nang may madaan an silang laundry service ay pinalabhan na nila ang kanilang mga biniling damit habang naghihintay sila sa park para kumain.
   
     And there they were, seating next to each other habang tahimik nilang sinimulan ang pagkain nila, at nakatanaw sa malawak at berdeng parke.
     "I have a question" ang sabi ni Ace, pagkatapos nitong maubos ang burger, he crumpled the wrapper at inilapag ito sa towel. At nang makita iyun ni Autumn, she rolled her eyes, at sumenyas ito na ibigay rito ang wrapper ng kanyang burger. Iniabot naman iyun ni Ace at nakita niyang inilagay iyun ni Autumn sa used paperbag. Neat freak talaga, ang sabi ni Ace sa sarili.
     "Anong itatanong mo?" ang patanong na sagot ni Autumn, bago siya kumagat sa kanyang burger.
     Ace, munched on his fries, "paano mo nalaman ang mga pasikut – sikot dito sa Baguio?" ang tanong ni Ace habang ngumunguya.
     Napangiti si Autumn, at uminom muna siya bago sumagot, "I grew up here" ang matipid na sagot ni Autumn.
     Tumaas ang dalawang kilay ni Ace, "really? May bahay kayo rito?"
     Isang malungkot na ngiti ang isinagot ni Autumn at umiling ito, then she turned her head, banda sa mga nagtataasang kabundukan.
     Sinundan ni Ace nang tingin kung saan nakatingin si Autumn, he wanted to ask her, to know more about her. But, he refrained himself, he can't and he didn't want to. Knowing too much about her, would mean they would be closer. At ayaw niya ng ganun.
     Natapos nila ang pagkain ng tahimik, but not awkward. Inayos ni Autumn ang mga balat na pinagkainan nila at inilagay sa paperbag na pinaglagyan ng kanilang take out.
     "I don't think ready na yung mga pina laundry natin" ang sabi ni Ace.
     "I don't think I'm ready too, ang sakit ng binti ko" ang angal ni Autumn.
     Ace laughed, "oh, ikaw itong nagyaya ng pamimili ikaw itong low batt agad?" ang pang aasar ni Ace.
     Ngumiti naman si Autumn, "hindi na ako sanay, makulong ka ba naman sa bahay at sa iisang lugar sa matagal na panahon mangangalay ka rin" ang sagot ni Autumn.
     Ace realised na naging mahirap din pala para kay Autumn ang maging anak ng isang PNP chief, parang nasa kahon ang buhay mo.
     "Akin na" ang sabi ni Ace, and without thinking sa kanyang gagawin ay kinuha niya ang mga binti ni Autumn at ipinatong sa mga hita niya at sinimulan niyang hilutin ang mga ito.
    Autumn sighed nang maramdaman ang madiin na kamay sa kanyang mga binti, at unti-unting nawala ang pagkakangalay ng nga ito, and a soft moan escaped her lips.
    "Ooh, that's good" ang mahinang sabi ni Autumn that made a big impact on Ace.
     Dahil nanigas na naman ang isa niyang muscle na matagal na niyang hindi na exercise, at nangalit na naman ng marinig niya ang tila ba ungol sa mga labi ni Autumn.
     Shit! Ano ba! Hindi na nga nawawala ang hard on niya at mukhang nadadagdagan pa. Napaka sakit na nito sa puson! Ang giit ni Ace sa sarili. Kaya hindi na niya pinatagal ang pagmasahe sa mga binti ni Autumn.
     Inalis na niya ang mga binti ni Autumn sa kanyang hita, and he cleared his throat.
    "OK na" ang matipid niyang sabi.
    "Oo thank you Ace" ang sagot ni Autumn.


     Pagbalik nila ng hotel ay dumiretso sila sa front desk, pero ayaw ni Ace na malaman ni Autumn ang balak niya para bukas, kaya pinauna na niya ito sa itaas.
     "Autumn, mauna ka na sa itaas, here's the card key" ang sabi ni Ace sa kanya.
     "Dalhin ko na ang iba sa itaas" ang sabi ni Autumn.
     "No ako na, mauna ka na" ang tanggi ni Ace.
     "OK" ang sagot ni Autumn at naglakad na siya papunta sa elevator.
     Saglit na naalis ang mga mata ni Ace kay Autumn dahil nakipag usap siya sa front desk attendant para magpalista sa mga sasama sa tour bukas. At nang muling napatingin siya kay Autumn, ay nakita niyang pasakay na ito ng elevator, pero biglang nanlaki ang mga mata niya, nang pasara na sana ang pinto ng elevator ng humabol ang lalaking foreigner na kausap nito kaninang umaga.
    "Autu!"- ang putol na pagtawag ni Ace, dahil nagsara na ang pinto ng elevator, "SHIIIT" ang galit na sabi ni Ace, bwisit na lalaking iyun!
     Mabilis na pinirmahan ni Ace ang form, at nagmamadali siyang bitbitin ang mga pinamili at pinindot ang up button ng elevator. Pero matagal tagal pa ang hihintayin niya.
     Will he use the stairs? Pero nasa tenth floor sila, kakayanin naman niya, sanay siyang mag workout. Bakit ba kasi papansin ang lalaking iyun?! Ang galit na sabi ni Ace sa sarili at hindi na nga siya makapag hintay kaya halos takbuhin niya ang ang pag-akyat sa hagdan.


    

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon