Chapter 10

7.7K 265 16
                                    

Lahat ng mga nahuli sa loob ng mga private rooms ay pinahalera sa may hallway, SOP na paghiwalayin ang mga babae sa lalaki for interview. Mga lalaking operatives sa grupo ng mga parokyanong lalaki, habang babaeng mga operatives para sa mga sex workers na nahuli.

Sa topmost floor nagaganap ang illegal na operation ng hotel. Matagal ng minanmanan ng CIDG at NBI ang hotel na ito. Isang agent ang nagtagumpay na nakapenetrate sa loob, kaya namanmanan ng husto ang hotel na iyun.

Kasama sina Ace at Autumn na nakapila sa hallway. Pareho na silang nakapagbihis, at pinaghiwalay sila ng grupo.

Ace kept on looking at her, nakaramdam siya ng pag-aalala sa babae sa kabila ng alam niyang problema na kinakaharap. She looked so damn scared, at nang isinama siya sa mga babaeng sex workers, kitang-kita ang pinagkaiba niya sa mga ito. Physically yes, ang mga babaeng nahuli ay halu-halo ang nationality, at sobrang gaganda, while the woman he was with, looked like a scared teenage girl.

Then nakita niya na nilapitan ito ng isang babaeng agent, mahina ang naging usapan ng dalawa, pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang agent na babae na lumapit sa isa pang agent na malapit sa kanya.

"Positive sir" ang sabi ng babaeng agent sa lalaki na sa hula ni Ace ang leader ng operation. Napabuntong-hininga ang lalaki at pinisil nito ang bridge ng ilong, tila ba malalim ang isipin nito.

"Ihiwalay ninyo ng kwarto then, tawagan ko si chief, sino yung kasama niya sa kwarto?" ang tanong ng leader.

Nilapitan pa nito ang isa pang operative at nakilala iyun ni Ace, dahil iyun ang pumasok sa kanilang kwarto.

"Siya sir" ang sagot ng agent sabay turo sa kanya.

Tumangu-tango ang leader at inutusan nito ang babaeng agent na sunduin ang babaeng kasama niya kanina, nagtaka si Ace, dahil parang binibigyan ng special treatment ang babaeng kasama niya. Naglakad ang mga ito papalapit sa kanya. Pagkatapos ay naramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng agent na pumasok sa kwarto kanina. Hinila siya nito.

"Sumunod ka" ang matipid na utos nito sa kanya. Sumunod si Ace sa mga ito, at pumasok sila sa isa sa mga kwarto sa itaas. Maliwanag na ang ilaw sa loob, kaya mas lalong nakita ni Ace ang takot at halos namumutlang mukha ng babaeng kasama niya kanina.

Nagtataka si Ace kung bakit parang asikaso ang babaeng kasama, panay ang tanong ng babaeng agent dito kung may kailangan ba ito. Totoo nga kaya ang sinabi nito sa kanya kanina, na nagkamali lang ang pagkakapunta nito sa hotel? Then kung oo, bakit naman special ang treatment sa babaeng ito? Ang mga tanong ni Ace sa sarili.

Pagkatapos may isang agent na lalaki na lumapit sa kanya, at hiningi ang mga personal information sa kanya. Pero ayaw niyang sagutin ang mga ito.

"I'll get my lawyer" ang matipid lang na sagot nito sa kanya.

"Huh, talagang kakailanganin mo" ang matipid din na sagot nito sa kanya.

Malalagot siya ng husto sa pamilya niya kapag nalaman ng mga ito ang nangyari, magagalit din si Deven sa kanya, dahil makakaladkad ang pangalan ng kumpanya nila, kapag pumutok na ito sa balita. Shit! Ano ba itong napasok niya? Malas talaga ang babaeng ito, simula ng mameet niya ito, ay puro kamalasan ang nangyari sa kanya! Ang galit na sabi ni Ace sa sarili.

Walang ideya si Ace kung bakit inihiwalay sila ng babaeng kasama sa grupo sa labas, nagtataka man hindi niya malaman kung magpapasalamat ba siya dahil nakaiwas siya sa kahihiyan kahit papaano? O kailangan niyang kabahan? Parang yung huli ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyun.

Muli niyang pinagmasdan ang babae na nakaupo sa isa sa mga couch ng hotel room, pinagmasdan niyang maigi ang mukha nito.

Halos nakabuhaghag na ang kulot nitong buhok, alam ni Ace na sa kabila ng magulong buhok nito, ay malambot sa palad ang buhok nito. Wala itong suot na make up para sa isang sex worker, her face was simple yet she's very pretty. Yung innocent type, ang sabi ni Ace sa sarili. At naalala na naman niya ang nangyari kanina.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now