Chapter 45

6.8K 207 29
                                    

"O bossing, yan tayo eh, nakabusangot na naman ang pagmumukha mo" ang tanong sa kanya ni Gary, habang nagkakape sila sa coffee shop sa ibaba ng company building.

     Hindi sumagot si Ace at nagpatuloy lang sa paghigop ng kanyang kape habang nakakunot ang noo nito.

     "Bakit hindi ka sumama sa amin kagabi? na miss ka namin ng tropa, di ka ba pinaalis ni misis?" ang natatawang pang-aasar ni Gary sa kanya, "sabagay, I feel you Ace, alam ko naman na kung bakit, tsk, di ko nga alam sa iyo kung bakit gusto mo pang hiwalayan asawa mo?"

     "Nagpunta kami sa daddy ni Autumn kahapon, tapos, alam nito na nagpupunta ako sa mga bar" ang sagot ni Ace kay Gary na pinanlakihan niya ng mga mata. Kahit si Gary ay nanlaki ang mga mata ng marinig ang sinabi ni Ace.

     "Ibang klase talaga ang intelligence unit ng father in law mo no? Biruin mo mga exclusive na joints pinuntahan natin nalalaman pa nito?" ang humahangang sabi ni Gary.

    "He warned me yesterday, kaya hindi na ako nakaalis" ang pagsisinungaling ni Ace, dahil totoo nga na binalaan siya ng general, pero hindi ito ang dahilan kung bakit hindi na siya umalis kagabi, kundi si Autumn, at ayaw niyang malaman iyun ng kaibigan. Kung bakit kasi hindi pa siya ready na aminin dito na natuto na siyang magmahal.

     "Hindi pa ba nagtatagumpay ang operation mo?" ang tanong sa kanya ni Gary na nakangisi.

     "Nope" ang matipid niyang sagot, he didn't want to elaborate dahil baka malaman pa nito na siya mismo rin ang dahilan kung bakit di successful ang mga ginawa niya.

     "Nga pala, bakit parang close na close si Lyndon sa misis mo? Di kaya, hmm, you know, ayaw kong maging devil's advocate, but"- ang sabi ni Gary na di na nito itinuloy ang sasabihin at nagkibit-balikat na lang.

     But he get what he was trying to imply, gustong ipahiwatig ni Gary na may relasyon ang dalawa, at hindi nakatulong ang sinabi nito, dahil lalo lang nadagdagan ang mga isipin at nagkukuyumos na galit sa kanyang dibdib.

     Tumikom lang lalo ang kanyang mga labi, lalo na at alam niya na magkasama sina Autumn at Lyndon nang araw na iyun.

     "Boss, I have an idea" ang biglang sabi ni Gary, while he snapped his fingers, na tila ba isang kahenyuhan ang naisip niya.

     Nabaling ang tingin ni Ace kay Gary, na may malapad na ngiti sa mga labi, "what?" ang nakakunot at walang kabuhay-buhay niyang tanong rito.

     "Hindi mo pwedeng hiwalayan si Autumn right? I mean, the reason should not come from you right?" ang tanong nito sa kanya.

     "Yup" ang matipid niyang sagot at nag taas pa siya ng kilay.

     "Bakit hindi mo hayaan na magkalapit sina Autumn at Lyndon, then magkakaroon ka ng dahilan para hiwalayan si Autumn, pwede mong palabasin na may relasyon ang dalawa or much better kung magkatotoo nga, e di makakawala ka na sa kasal mo, then, you'll be our Ace again, ang buhay ng barkada".

     Ace only eyed his friend, hindi siya makapaniwala sa ideya nito, it was reasonable at mukhang pupwede, siguradong wala ng magagawa ang mga pamilya nila kung mismong si Autumn ang gagawa ng dahilan ng paghihiwalay nila, may utak talaga itong si Gary, ibang klase ang imahinasyon, ang sabi ni Ace sa sarili.

     "Ang galing mo talaga pagdating sa kalokohan, maaasahan ka talaga" ang natatawang sabi ni Ace.

     "Basta ikaw boss, lahat gagawin ko, masagip lang kita" ang nakangiting sagot ni Gary, pero bigla itong napahinto sa pagsasalita ng marinig ang ring ng phone nito.

     "Sir? OK akyat na po ako" ang sagot ni Gary sa kausap sa telepono bago nito pinutol ang usapan.

     "Boss mauna na ako, Monday meeting ngayon, kailangan na ako sa taas, basta, yung plano boss, ituloy mo yun, sigurado yun" ang sabi pa nito bago ito nagmamadaling umalis.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon