Chapter 26

7K 228 36
                                    

"Ace? Ace wake up!" ang malakas na sabi ni Autumn sa mga tenga ni Ace habang niyuyog niya ang braso nito. The moment she saw Ace on the floor and motionless nag panic siya. She waited for at least five minutes kung magigising ito, pero walang nangyari. Ace stayed face down on his stomach motionless on the floor.
     Nagsimula na siyang kabahan, paano kung napatay niya si Ace? Makukulong siya, she would be accused of murder! No! Homicide! Siguro naman kahit pa kilalang, man of integrity ang kanyang daddy ay hindi siya hahayaan nitong makulong? He'll do anything to clear her name! But still the thought of her accidentally killing someone makes her want to puke.
     At kahit na mabigat ay pilit niyang ibaligtad ang katawan ni Ace, para tumihaya ang katawan nito.
     Inilagay niya ang kanyang tenga sa hubad nitong dibdib, at pinakinggan kung may heart beat pa ito. At nang marinig niya ang steady beat ng puso nito, she sighed with relief.
     Nakaluhod siya sa tabi nito at pinagmasdan niya ang mukha ni Ace, napansin niya ang malaking bukol na lumabas sa sentido nito.
     Napangiwi si Autumn, at nag-alala siya. But when her eyes gazed down on his bare chests, hindi niya maiwasan na pagmasdan ang malapad at solidong dibdib nito.
     He's so gorgeous, ang sabi ni Autumn sa sarili, and without even realising what she's doing, marahan na palang hinahaplos ng kanyang kamay ang dibdib ni Ace.
     They were so hard and smooth in her hands, ang sabi ni Autumn. At napagtanto na lang niya ang kanyang ginagawa ng makita niya ang kanyang mga kamay na bumaba na sa tiyan ni Ace.
     Namula at uminit ang kanyang mga pisngi, at mabilis niyang iniangat ang kanyang kamay mula sa tiyan ni Ace.
     She couldn't believe herself that she was fantasizing Ace, sa kabila ng kalagayan nito.
     She brushed his unruly hair na nasa noo nito.
     "Ace please, gumising ka na I'm sorry" ang bulong ni Autumn. At parang magic words ay narinig niyang umungol si Ace. At isang malalim na hininga ang ibinuga ni Autumn. And she almost cried out of relief nang marinig ang ungol ni Ace.
     At maya-maya pa ay nakita ni Autumn na unti-unting dumidilat ang mga mata ni Ace, his gray eyes was a sight for her eyes. Hindi niya napigilan ang ngumiti ng husto.
     "Ace? You're alive! I mean you're awake!" ang mabilis niyang bawi sa kanyang sinabi. At hinawi niya ang buhok nito na may pagka mahaba ang harapan na bahagi kaya umaabot sa noo nito.
     Mabagal na bumangon si Ace at naupo, dama niya ang kirot sa kanyang sentido at nang hawakan niya iyun, ay napangiwi siya ng maramdaman ang malaking bukol doon.
     "What? What happened?" ang mahinang tanong ni Ace na nakakunot ang noo dahil sa sakit na nadarama.
      "You tripped! You tripped your foot on the carpet and tumama ang ulo mo sa kama, what's with you ang bedframes anyway, bakit ba lagi ka na lang nauuntog dito" ang mabilis na sagot ni Autumn at pagsisinungaling nito.
     "That's not how I remembered, you threw something on me!" ang galit na sabi ni Ace.
     "I did not!" ang giit na pagsisinungaling ni Autumn, "you know what, I realised na hindi mo naman kailangan na mahiga sa sahig, we can share the bed, sige na tumayo ka na at mahiga sa kama" ang mabilis na sabi ni Autumn, para mapagtakpan ang ginawa niya kanina. Hindi niya alam kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Ace kapag naalala nito na binato niya ito ng isang wooden carving.
     "Can you stand?" ang alalang tanong ni Autumn.
     "Yeah" ang nakakunot na noong sagot ni Ace habang sapo pa rin ang bukol niya.
     "I'll get some ice sa ref or anything cold para sa bukol mo" ang sabi ni Autumn, "here let me help you" ang muli niyang sabi sabay hawak sa braso ni Ace at inalalayan niya itong tumayo.
     Pero dahil sa biglang pagtayo ay muling nakadama ng pagkahilo si Ace, kaya muli itong bumagsak mabuti na lang at malapit na sila sa kama kaya nasalo ng malambot na kutson ang katawan ni Ace, pero dahil sa hawak ni Autumn si Ace, ay kasama si Autumn sa pag bagsak ni Ace sa kama, at saktong sa ibabaw nito siya pumaibabaw.
     She was face to face with him and their eyes held for a moment, she could see the brown and gold specks sa gray eyes nito. And she felt his warm hands on her back and butt. Habang nasa dibdib naman ni Ace ang dalawa niyang kamay. And she could feel the loud beating of his heart.
     Inayos niya ang kanyang salamin sa mata, at ninerbiyos siyang napangiti, lalo na ng makita niya ang mga nasa mata ni Ace. Was that attraction? Was that longing that she saw in his beautiful gray eyes? She thought.
     She cleared her throat, "ahm, ku-kukuha na ako ng y-yelo" ang nauutal at ninerbiyos na sabi ni Autumn. At tumangu-tango na lang si Ace. Saka niya itinulak ang sarili para makatayo at mabilis siyang lumapit sa mini ref para maghanap ng yelo.
 
     Ace expelled his breath na kanina pa niya pinigilan, tila ba kasi huminto ang paghinga niya ng pagbagsak niya sa kama ay pumaibabaw sa kanya si Autumn. And her eyes, behind those glasses was wide with emotions na hindi niya mawari. Pero siya? Nadama ba ni Autumn ang mabilis na pintig ng kanyang puso? Hindi nga kaya? Dahil sa ang mga kamay nito ay nasa dibdib niya.
     Lagi na lang ganuon ang kanyang nadarama, sa tuwing makikita at makalalapit niya si Autumn. These feelings were new to him, and ayaw niya ng ganun, gusto niya ay ang mga bagay at pakiramdam na familiar siya, yung pangkaraniwan lang sa kanya. Ayaw niya ng mga bagay na hindi niya maipaliwanag.
     Umayos siya ng pagkakahiga sa kama at pinagmasdan niya si Autumn na tinitingan ang laman ng ref, mukhang walang yelo sa ref pero may inilabas itong beer na nasa lata. Pwede na iyun, ang sabi ni Ace. He badly needed a drink.
     Pinagmasdan niya ito habang naglalakad papalapit sa kanya, hawak ang beer in can.
     "Wala ng iba, mga nakaplastic na drinking water ang ibang nasa loob itong beer lang ang malamig" ang sabi ni Autumn sabay abot ng beer kay Ace na agad namang inabot ang lata ng beer at napangiwi ito at napaungol ng dumampi ang malamig na lata sa bukol nito.
     Napangiwi rin si Autumn habang pinagmamasdan si Ace, "kailangan mo ba ng gamot? Hihingi ako sa ibaba" ang alalang tanong ni Autumn.
     "No don't bother" ang sagot ni Ace, na naupo na sa kama, "I only need this" ang muling sabi nito bago binuksan ang lata ng beer at tinungga ang laman nito.
     "Are you sure?" ang paninigurado ni Autumn.
     "Oo, sige na mahiga ka na, alam kong pagud na pagod ka na at inaantok" ang sabi ni Ace sa kanya.
     Dahan-dahan siyang lumapit sa kama, at naupo muna siya sa gilid nito, bago nito itinaas ang kanyang mga paa, pagkatapos ay inalis niya ang salamin sa mata at ipinatong sa nightstand. Nahiga na siya and she covered herself with the warm and comfy comforter. And she sighed ng maramdaman niya ang malambot na kutson sa kanyang likod at ang mainit na comforter.
     Pero hindi pa siya agad nakatulog, pinagmasdan niya ang likod ni Ace. Nakaupo kasi ito sa gilid ng kama at nakatalikod sa kanya. Pinagmasdan niya kung papaano gumagalaw ang muscles nito sa likod at braso sa tuwing uminom ito ng beer.
     She wanted to touch his back and feel how his muscles moves in her touch. And she realised that she's breathing on her lips and her breasts felt heavy.
     Agad niyang isinara ang kanyang mga mata nang makita niyang tumayo si Ace para itapon ang lata ng beer sa basurahan. With eyes half closed ay pinagmasdan niya si Ace, pinatay nito ang ilaw at natitirang liwanag na lang ay ang nagmumula sa lampshade na nakapatong sa side table sa tabi ng kama. Naglakad na muli si Ace pabalik sa kama, at tumayo pa ito ng matagal sa paanan ng kama, mukhang nagdadalawang isip pa ito na tabihan siya.
     Pero ilang sandali pa ay bumalik ito sa kaninang pwesto nito sa kabilang side, naupo muna ito, sa gilid ng kama, bago ito tuluyang nahiga. And when she felt him beside her, she didn't know why she finally felt contented. At unti-unting dinalaw na siya ng antok at nakatulog.
     Akala ni Ace na kailangan pa niyang magbilang ng tupa o magbilang pabalik para makatulog sa tabi ni Autumn, katulad kasi noong nagdaang araw, nang matulog sila sa iisang kwarto, hindi siya agad nakatulog, at hindi pa sila noon magkatabi ni Autumn.
     Pero nagulat si Ace, dahil, kabaligtaran ng inaasahan niya, nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kama at pumaloob na rin ang kanyang katawan sa comforter kung saan nakapaloob din ang katawan ni Autumn, ay kakaiba ang kanyang nadama. Just like Autumn, he felt contended, at hindi niya namalayan na unti-unting pumikit ang kanyang mga mata at siya ay tuluyan ng nakatulog.
     
 

  
     Ace woke up nang maramdaman niyang may sumusuksok sa kanyang dibdib, biglang dumilat ang kanyang mga mata. Bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo na nakaunan sa isa niyang braso para makita ang nangyari. Nakatagilid siya paharap kay Autumn, at nakita niyang nakasuksok si Autumn sa kanyang dibdib halos halikan na nga nito ang kanyang hubad na dibdib. Habang nakaunan siya sa isa niyang braso, ang isang braso naman niya ay nakayakap kay Autumn. He didn't know kung paano nangyari na nagkadikit na pala ang mga katawan nila na hindi man lang niya namalayan, he had slept so deep and peaceful, habang katabi si Autumn.
     Hindi siya sanay na matulog ng may katabi lalo ng ng isang babae. He didn't want that kind of intimacy, pagkatapos ng sex ay agad niyang pinapaalis ang babae, at hindi niya hinahayaan na magstay pa iyun ng matagal sa kanyang unit, much less na matulog iyun sa kanyang kama at tabi.
     Kaya nagulat siya ng marealised niyang nakatulog siya ng mahimbing at nagising na lang siya nang maramdaman niya na may sumuksok sa kanyang dibdib, at lalo na ng maramdaman niya ang tuhod nito na tumatama sa kanyang pagkalalaki. Dahil na rin sa nakabaluktot ang katawan ni Autumn, habang patagilid itong nakahiga sa kama sa kanyang tabi na nakaharap sa kanya.
     Ace sighed, he's going to have another hard on na hindi na naman niya mailalabas. At pang ilang beses na itong nangyari with Autumn. Muli niyang tiningnan ang mukha nito.
     Her soft face snuggled closer in his chest, ang kulot nitong buhok ay nakasabog sa unan at ang iba ay nakatakip sa mukha nito.
     Hinawi niya ang malambot na kulot na buhok nito sa mukha ni Autumn, and he heard her sighed. At muli na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso, ang pakiramdam na bago man sa kanya ay unti-unti nang nagiging pamilyar sa kanya. Hindi niya alam kung tatanggalin ba niya ang kanyang braso na nakayakap ng mahigpit dito.
     Tiningnan niya ang oras, it was only five in the morning. Napabuntong-hininga si Ace, napailing siya. At isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. At muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, at nakatulog siyang muli, habang yakap ng mahigpit si Autumn sa kanyang mga bisig.
    

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now