Chapter 19

7.2K 216 30
                                    

His dad's spoon and fork clattered on his plate, at napahilamos ang mga kamay nito sa mukha. Hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Ace. Kumunot din ang noo ng kanyang mama, habang nagpalatak ng dila ang kanyang lola. At si Lyndon? He looked at him with amazement in his eyes. Halos lahat ng kasama nila sa lamesa ay nanahimik sa sinabi ni Ace.
     Napasulyap naman siya kay Autumn, tumiim lang ang mga labi nito, at hindi nakitaan ng emosyon ang mukha. Pero nakita niyang dahan-dahang inilapag nito ang kubyertos sa kanyang plato.
     Sinadya ni Ace ang sinabi, he wanted Autumn to feel uncomfortable, he wanted to insult her, hindi dahil sa wala siyang tiwala kay Autumn or sa MONSTER dad nito. He just wanted to hurt Autumn, dahil sa inilagay siya nito sa ganuong sitwasyon.
     "ACE"- ang banta ng papa niya.
     "Wala naman pong masama sa sinabi ni Ace, sir, I mean papa" ang putol ni Autumn, naintindihan niya si Ace, ni hindi siya na offend sa sinabi nito dahil alam niyang napilitan lang si Ace sa sitwasyon nila ngayon na siya ang may gawa. She could take it, ang sabi ni Autumn sa sarili.
     "OK lang po sa akin kung pumirma kami ng prenup, it won't offend me and my family, actually, it would give Ace security in case na makahanap siya ng iba at kailangan naming maghiwalay" ang sagot ni Autumn. Na hindi nagustuhan ni Ace.
     Ace glared at her, may sa mangkukulam talaga ang babaeng ito! Naibabalik niya ang lahat ng pang-iinsulto niya at siya ang nagmumukhang masama sa mata ng pamilya niya. She's a devil underneath those angelic face of hers! Ang galit na sabi ni Ace sa sarili.
     "I will NOT allow that!" ang galit na sabi ng papa ni Ace, kasabay nito ang pagtangu-tango ng mama at lola niya. Na halata sa mga mukha nito ang disgusto sa sinabi ni Ace. Habang si Lyndon, ay napapangiti na lang.
     "WALANG prenup na mangyayari at WALANG hiwalayan na mangyayari, kapag nambabae ka Ace, I warned you ako mismo ang puputol diyan sa kaligayahan mo" ang banta ng papa ni Ace.
     "Gusto mo ba akong atakihin sa puso Ace at mapabilis ang pagkamatay ko? Dahil kapag ginawa mo yan, talagang atakihin ako sa puso" ang banta ng lola niya.
     "No lola of course not" ang mabilis na sagot ni Ace.
     "Tandaan mo ito Ace, kapag pinaiyak mo si Autumn, mawawala ang lahat sa iyo" ang banta ng papa niya.
     "Ilang beses na kitang pinagbigyan! Binigay ko sa iyo ang pwesto ko sa kumpanya, kahit sa tingin ko ay unfit ka dahil happy go lucky ka. It was supposed to be Lyndon's place. Pero kahit anak kita kapag gumawa ka ng katarantaduhan, I warned you, tatanggalan kita ng karapatan sa lahat" ang dugtong pa ng papa niya.
     Ace was fuming with anger, lalo pa nang makita niya ang reaksyon ni Lyndon na napangiwi sa sinabi ng papa niya. Nang mga sandaling iyun, gusto niyang itaob ang lamesa at sumigaw na hindi totoo ang lahat! Na ikakasal lang siya dahil sa pinikot siya at tinakot ng general na daddy ni Autumn. Pero alam niyang hindi niya pwedeng aminin, sa bibig na mismo ng papa niya nanggaling, na kapag may kalokohan siyang ginawa, mawawala ang lahat sa kanya.
     May sa mangkukulam talaga ang babaeng ito! Lahat na lang nagbabackfire sa kanya!
     "Hay naku tama na nga iyan" ang putol ng mama ni Ace, "Autumn, wag kang mag-alala kaming dalawa ni mama Olivia ang bahala sa iyo, tutulungan ka na rin namin na humanap ng wedding gown mo at sa pagpaplano ng kasal, kami ang kaagapay mo, para hindi ka masyado ma stress" ang sabi ng mama ni Ace kay Autumn.
     "Bakit hindi na lang tayo kumuha ng wedding planner?" ang tanong ng papa ni Ace.
     Nagsingasing ang lola ni Ace, "eh ano pa ang papel namin ni Minerva? Taga oo at hindi na lang, KAMI nga magpaplano ng lahat, syempre kasama si Autumn, kaming tatlo muna ang magkakasama" ang sagot ng lola ni Ace.
     Isang matipid na ngiti naman ang isinagot ni Autumn, "gusto ko po iyun" ang nahihiyang sagot ni Autumn.
     "Naku excited na ako!" ang sabi ng mama ni Ace.
     "Bakit di ka bumili ng bagong bahay Ace, hindi maganda yung sa condo lang nakatira, doon sa subdivision na tinitirhan ni Deven, bakit hindi ka doon kumuha ng lupa at magpatayo ng bagong bahay?" ang suhestiyon ng papa ni Ace.
     "We're just starting up pa, siguro okey na muna ang condo para sa amin" ang sagot ni Ace.
     His papa snorted, "eh papaano kung magkaanak na kayo? One bedroom lang yata ang unit mo" giit ng papa niya.
     Ace exhaled soundly, his really getting exhausted by his family's questioning. Napapagod na siya sa kasasagot at kaiimbento ng sagot.
     "Pa, the moment Autumn got pregnant lilipat kami sa ibang bahay, probably sa bahay na lang natin sa Manila dahil malaki naman iyun at hindi naman laging nagagamit" ang inis ng sagot ni Ace.
     "I think that was a wonderful idea" ang sagot ng papa niya.
     "Ready na ba kayo sa dessert? Then pagkatapos ay ipapasyal namin si Autumn dito sa atin" ang sabi ng mama ni Ace.
     "Then, we'll go to the beach, yayain ko si Autumn sa beach, okey lang ba sa iyo Ace?" ang tanong ni Lyndon.
     Ace gritted his teeth, talagang iniinis siya ng pinsan niya na simula pa lang ay karibal na niya, pero wala naman siyang pakialam kay Autumn hindi ba? So wala siyang pakialam kung magsama ang dalawa sa beach.
     "Yeah sure" ang sagot ni Ace na sa dinig ni Ace ay galing sa ilong ang sarili niyang boses.
      Napangisi si Lyndon, nahalata ba nito na sa ilong niya nanggaling ang sagot niya?
     "Thanks insan, ngayon lang ako magkakarun ng babaeng worth it ng panahon ko" ang sagot ni Lyndon kay Ace, na nanggigigil ang mga ngipin.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now