Chapter 25

7.2K 218 48
                                    

Pagkatapos ng isang stop over sa isang drive thru at toilet break sa comfort room na kahit pa pinagtitinginan si Autumn dahil sa suot niyang wedding dress ay deadma lang ito and she did her business quickly sa loob ng toilet.
    
     Nag patuloy sa biyahe sina Ace at Autumn. Burger at fries ang kanilang take out at sinusubuan ni Autumn si Ace para makakain ito ng maayos habang nagmamaneho.

     "Drinks please" ang sabi ni Ace while munching on fries na isinubo ni Autumn.

     "Wait po" ang sagot ni Autumn, pero di naman ito naiinis sa mga utos ni Ace. Sabay lapit ng large papercup na may straw sa mga labi ni Ace, at sinipsip nito ang softdrinks sa baso.

     Susubo na sana si Autumn ng fries ng muling magsalita si Ace, "burger" ang sabi nito. Ibinaba ulit ni Autumn ang kanyang fries sa kanyang mga hita, hindi na alintana kung madudumihan ang suot niyang gown. Tanging malapad na tisyu lang ang isinapin niya sa palda ng suot na dress.

     Nangingiti na lang si Ace nang makita niyang parang natataranta si Autumn sa pagsubo sa kanya ng pagkain at sa hindi matuluy-tuloy na pagkain nito. Agad naman na tumalima si Autumn at inilapit sa mga bibig niya ang burger, na kinagat niya ng malaki. Saka niya nginuya ng mabilis, kaya ng inilapag muli ni Autumn ang burger ay nagsalita na naman siya ulit.

     "Fries" ang muling sabi ni Ace, at hindi na niya mapigilan ang mahinang tawa sa kanyang bibig nang makitang napabuntong-hininga si Autumn, na mabilis naman siyang sinubuan ng fries. Pero mabilis niyang nginuya ang fries kaya sa tuwing ilalapag ni Autumn ang pagkain niya ay mag-uutos na naman siyang muli.

     "Burger" ang muling utos niya.

     Gutom na gutom na si Autumn, dahil din sa kaunti lang ang kinain niya sa reception at ilang oras na rin ang nakalipas mula ng huli silang kumain. Pero ni isang kagat sa kanyang burger at ni isang pirasong fries ay hindi pa dumadampi sa kanyang mga labi,  dahil nga sa sunod-sunod na pag-utos sa kanya ni Ace. Pero naintindihan naman niya, dahil sa alam naman niyang hindi ito makakain dahil nga sa nagmamaneho ito.
    
     Pero nagrerebelde na ang kanyang tiyan, at kung may bulate nga siguro siya sa tiyan ay nagrarally na ito sa loob ng tiyan niya dahil gutom na gutom na siya, at hindi pa nakatulong ang masarap na amoy ng burger at fries na kanyang hawak.

     Napabuntong-hininga na naman siya, pero nang marinig niya ang mahinang tawa ni Ace ay kinutuban na siya. Pero hindi pa siya sigurado, muli niyang sinubuan ng burger si Ace. At tiningnan niya ito, napansin niyang mabilis nitong nginunguya ang pagkain at hihingi na naman sa kanya. At saka natatawa ito, so sinasadya ni Ace, para hindi siya makakain?! Ang galit na sabi ni Autumn sa sarili.

     "Burger" ang muling sabi nito sa kanya at kita ni Autumn ang ngiti nito sa labi. Agad namang sinubuan ni Autumn si Ace ng burger at nang makasubo na ito, ay muli niya itong sinubuan ng fries sa bibig. Saka niya pinainom ng softdrinks.
     Halos ubuhin si Ace dahil sa madaming pagkain na nakasubo sa kanya at hindi niya agad nanguya dahil sa isinuksok ni Autumn ang fries sa loob ng kanyang bibig.

     At narinig niya ang malakas na tawa ni Autumn, na ngayon pa lang niya narinig. It was so carefree, humahalakhak talaga ito. Kaya sa halip na magalit ay kumunot na lang ang noo niya rito. At nagkunwaring galit.

     "Papatayin mo ba ako?" ang kunwaring galit na tanong niya.

     "Dapat lang sa iyo, dahil sa pang gugood time mo sa akin" sabay kagat ni Autumn sa burger ni Ace and she put a hand full of fries on her mouth and munch it.

     Nanlaki ang mga mata ni Ace his gray eyes gazed at her, para kasi itong bata, pero hindi lang iyun, kinain na nito ang burger niya at inubos nito!

     "You ate my food?!" ang di makapaniwalang tanong ni Ace habang tinitingnan na lang si Autumn na isinubo ang huling piraso ng fries niya.

     "Not anymore" ang sagot ni Autumn sabay ngiti kay Ace, sabay unwrapped niya sa kaniyang burger. Pero nagulat si Autumn nang biglang hilahin ni Ace ang kamay niya at kumagat sa kanyang burger.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now