Chapter 5

8.6K 231 11
                                    

Exactly three ng hapon ng kumatok sa pinto ng kanilang bahay ang kanyang kadate and future husband na si Leonardo Espina.
     “Good afternoon Autumn, ako nga pala si Leonardo Espina, Leo na lang itawag mo sa akin” ang pormal na pagpapakilala nito, sabay abot ng kamay sa kanya para sa isang handshake. Wow! Mukhang magiging exciting ang buhay may asawa niya. Ang sabi ni Autumn sa sarili, buhay PMA!
     “Nice to meet you, Leo” ang matipid na sagot niya rito.
     “Ahm, pwede na ba kitang yayain na lumabas for coffee?” ang tanong nito sa kanya.
     Autumn thought, as if na pwede siyang tumanggi? They’re father’s had planned all of this, so expected na sasama siya.
     “Oo, kunin ko lang ang bag ko” ang sagot niya. Hindi siya nagmadali na kuhain ang kanyang bag sa may sofa, kung pwede nga lang na patagalin niya ang oras, bago siya makalabas ng bahay, pero, mas gusto niya yatang matapos na agad ang afternoon date na ito, ang sabi ni Autumn sa sarili
     The car ride patungo sa coffee shop was so quiet and awkward, mabuti na lang at may mahinang music na pinatugtog sa loob ng kotse, kundi mas buhay pa ang karo ng patay, kaysa sa kanilang dalawa.
     Wala pa siyang nagiging kadate ever, ikaw ba naman ang maging anak ng isang general, na bantay ang bawat galaw mo. Kung lumabas man siya ay puro babae ang kasama niya, at kahit sa trabaho niya. Ngayon pa lang siya natututong makihalubilo sa mga lalaki, kapag kailangan niya sa trabaho. Pero, puro professional ang trato nila sa isa’t isa.
     Kaya first date pa lang niya ito, and sa tingin niya ay ito na rin ang huli niya. Napabuntong-hininga si Autumn, ni hindi na niya yata, mararanasan ang mainlove? Yung bumilis ang tibok ng puso, yung halos di ka makahinga sa lagabog ng dibdib, yung kilig? Hanggang sa mga nobela na lang niya iyun mababasa at di mararanasan, ang malungkot na sabi ni Autumn sa sarili.
     At para bang nabunutan siya ng hininga ng tumunog ang phone niya, “excuse me, I have to take this call” ang sabi niya kay Leo. Hindi ito sumagot at tumangu lang at hininaan pa nito ang music mula sa car stereo.
     Ang tawag ay mula sa kanyang kliyente na may pinapaayos na nursery room, ngayon dapat ang appointment niya sa mga ito for an interview, pero dahil sa utos ng kanyang daddy, kinansela niya ang mga naka schedule niyang lakad sa araw na ito. Mabuti na lang at mababait ang kliyente niya at naintindihan ang excuse niya na may emergency siyang pupuntahan.
     Tumawag ulit ang client sa kanya para iurong ang appointment nila sa isang araw dahil sa check up ng babaeng client sa kanyang OB-Gyne. Natapos na rin ang pag-uusap nila. Then again, she had to face another awkward moment with Leo.
     Para di siya masyadong mailang at mainip, ay kinuha niya muli ang kanyang phone, at nagkunwaring may ka chat sa phone. She needed something, na pagbalingan niya ng atensyon, kundi, baka tubuan siya ng ugat sa loob ng sasakyan.
     Dumating na sila sa pinakamalapit na coffee shop sa lugar nila, and he was so gentleman enough na alalayan siya nito sa kanyang likod, habang naglalakad. She wanted to feel something, yung electric current na dadaloy sa katawan niya, pero wala. Hindi naman yata totoo yun, ang sabi ni Autumn sa sarili. She wanted to feel a love at first sight sa lalaking kadate, para man lang hindi siya mahirapan na pakisamahan ito. Pero... Wala. Walang kilig, walang, spark, walang fireworks.
     Naupo sila sa isang vacant table for two, he even pulled a chair for her, and she murmured a thank you.
     “What can I get you?” ang tanong ni Leo sa kanya.
     “I’ll have flat white” ang sagot niya na may matipid na ngiti.
     “Do you want to eat something?” ang muling tanong nito sa kanya.
     “I don’t know, I’ll have whatever you’re having” ang sagot niya. Tumangu lang ito at saka nag excuse para tumayo at umorder ng kanilang inumin.
     He doesn’t looked bad, actually he’s in the tall, dark, and handsome side. But he’s also in the stiff as a board side, does he even know how to smile? To joke? Ang tanong niya sa sarili.
     She checked her phone for a while, then para bang may magnet na humihila sa kanyang mga mata para tumingin sa bandang unahan sa kanyang left side. Then halos manlaki ang mata niya nang mamukhaan ang lalaking galit na galit sa kanya sa condo.
     And he was staring at her, agad niyang iniiwas ang kanyang tingin sa lalaki, at nagkunwaring inayos niya ang salamin sa mata. But still she could feel the hot gaze, the man was giving him. Ganun na lang ba ka init ang dugo nito sa kanya? Sus, sobra naman, para bukol lang naman ang nakuha niya sa pagkakauntog na siya naman ang may gawa! Ang giit ni Autumn sa sarili.
     She tried to look calm and wore a passive look in her face, na tila ba wala siyang pakialam sa titig ng lalaki sa kanya.
     And that moment she was thankful nang bumalik na si Leo, dala ang dalawang order ng kape at croissant.
     “Thank you” ang matipid at nahihiya niyang sabi nang iabot sa kanya ni Leo ang kanyang kape. They remained silent for a few minutes, at dahil sa hindi na siya makatiis ay siya na ang nagsimula ng conversation sa kanilang dalawa.
     She’s going to marry him soon, so maganda na rin na malaman at makilala niya ang lalaking ito, ang sabi ni Autumn sa sarili.
     But in between their conversations, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapasulyap sa lalaking nasa kabilang lamesa. At nang magtama na naman ang kanilang mga mata, ay napahawak ito sa noo, na para bang gustong ipahiwatig ang nakuha niyang bukol.
     She looked away and sipped her coffee nervously, may pagka psycho ba ang lalaking yun? Parang ready na pumatay sa galit sa kanya, sa mga tingin nito. But, for what? Para sa BUKOL? May mga tao bang hindi maka moved on agad? Ang sabi ni Autumn sa sarili.

     Hindi rin mapigilan ni Ace ang hindi sumulyap, he meant tingnan o literal na titigan ang babaeng nasa kabilang lamesa. Kung bakit kumukulo pa rin ang dugo niya sa babaeng dahilan ng pagkakabukol niya kahapon at kamuntik na naman siyang malate sa isang meeting.
     Oo, yun ang dahilan! Pero bakit? He could have just laughed about it, and moved on right? WRONG! For what reason? Hindi niya alam.
     At para pang gusto niyang matawa sa dalawang nasa kabilang lamesa, mag kadate ba ang dalawang ito o magkapatid? Ang tanong ni Ace sa sarili.
     Hmm, surely, hindi magkapatid, ang layo ng features nilang dalawa, ang sabi ni Ace sa sarili, na hindi man lang nagpakita ng discreet sa pagtitig sa dalawa, lalo na sa babaeng nasa kabilang lamesa.
    But they looked so awkward to be lovers, they looked so stiff, parang job interview ang nangyayari. Huh, hindi niya alam kung sino ang kawawa sa relasyon, yung lalaki o yung babae, ang natatawang sabi ni Ace sa sarili. Pero wala na siyang pakialam pa doon hindi ba?
     “Pre, I have to leave, so paano? Goodluck sa iyo mamaya, I need the juicy details tomorrow ha” ang bilin pa ni Gary sa kanya.
    “Sige na, I’ll stay for a while” ang sagot ni Ace, at kung bakit ay hindi niya alam. He was so curious with the two, lumabas ba ang pagkatsismoso niya? at kung bakit gusto niyang malaman ang status ng dalawang nasa kabilang lamesa?
     No, hindi! Ang giit ni Ace sa sarili, he wanted to stay, kasi hindi pa siya tapos sa babaeng yun! He wanted to give her the piece of his mind! After that incident, her image kept on popping in his head. At kahit pa ibang babae ang kasama niya kagabi, sa kalagitnaan ng sex nila, bigla na lang lumitaw sa isip niya ang mukha ng babaeng iyun! Kaya sa halip na nakatapos siya, pinaalis na lang niya ang babaeng kasama, with a hard dick sticking in his boxers.
     Nagkunwari siyang binabasa ang hawak na papel, pero di pa rin niya tinigilan ang pagsulyap sa dalawa. They were so awkward! Ang natatawang sabi ng isipan ni Ace, maybe this was a blind date?
     Sandali niya munang tiningnan ang papel sa kamay, ang papel na ipakikita niya mamaya sa hotel. Maybe he badly needed this, ang sabi niya sa sarili. Nang muli siyang mapasulyap sa kabilang lamesa, napansin niya na tumayo ang babae, at naiwan ang lalaki sa upuan nito. Nagkunwari siyang may nilingon, kaya nakita niya na nagpunta sa isang pasilyo ang babae kung nasaan ang comfort room ng coffee shop.
      Without even thinking straight and twice, tumayo siya at sumunod sa direksyon na pinuntahan ng babae.

    

    

   

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now