Chapter 8

7.5K 216 10
                                    

Ace was fuming with anger habang pauwi siya ng bahay, hindi na niya nagawa pang bumalik sa opisina dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman.
     Ngayon lang siya napahiya ng ganun sa buong buhay niya! Ang galit na sabi niya sa sarili.
     Una nabukulan siya, then now? Hinawakan ni Ace ang masakit niyang panga, at napangiwi siya.
     Walang hiyang lalaki na iyun! Ang galit na sabi niya, no, hindi niya masisisi ang lalaking iyun. Maybe he thought na he was doing the right thing, na ipagtanggol ang kanyang girlfriend.  
     “It was HER” ang galit na sabi ni Ace sa sarili, of course it was her! Kung hindi nito sinimulan ng kamalasan ang araw niya kahapon hindi hahantong sa ganito ang lahat. It was her fault! Ang iginigiit niya sa sarili.
     Pagpasok niya sa kanyang unit, ay inihagis niya ang kanyang susi sa center table sa salas. Malakas niyang isinara ang kanyang pinto at dali-dali siyang nagpunta sa kusina. Binuksan niya ang freezer ng ref at inilabas niya ang isang ice tray. Without even getting a towel or ice pack, idinikit niya ang ice tray sa kanyang panga.
     Napangiwi siya ng dumampi ang malamig na ice tray sa kanyang makirot na panga, “fuck” ang galit na sambit niya.
     Napapikit pa siya ng marinig niyang tumutunog ang kanyang phone, dinukot niya ang telepono sa harapang bulsa ng kanyang pantalon. It was Deven.
     “Yes?” ang patanong na bati niya sa kaibigan.
     “Nasaan ka? Wala ka sa office mo, may mga papers na kailangan mong pirmahan” ang sagot nito sa kanya.
     “Fuck” bulong ni Ace.
     “What?” ang galit na tanong ni Deven sa kabilang linya.
     “Pipirmahan ko lahat bukas, I’m sorry Deven for the delay, may nangyari lang kasi” ang sagot niya.
     “May emergency ba?” ang alalang tanong ni Deven sa kanya.
     “No, bukas ko na ikukwento, I’ll be in the office early tomorrow para mapirmahan ko na agad” ang sagot niya.
     “Alright, late na rin naman so bukas na lang” ang matipid na sagot ni Deven sa kanya,bago nito tinapos ang usapan sa telepono.
     "Are you sure you're okey Ace? You're not acting normal these days?" ang alalang tanong sa kanya ng kaibigan.
     "I'm fine, may black cat lang na dumaan sa harapan ko kaya medyo minamalas" ang sagot ni Ace. Hindi na sumagot si Deven, pero dinig niya ang pagbuntong - hininga nito, bago nito pinutol ang tawag.
     Bwisit talaga ang babae na iyun, nang dahil sa kanya, ang dami niyang naantalang gawain, kapag magkarun talaga ng pagkakataon na mameet na naman niya ang peste na iyun ay malalagot talaga siya sa akin! Ang galit na sabi ni Ace sa sarili.
     Nang medyo humupa na ang kirot sa panga, ay nag shower ng mabilis si Ace. Pagkabihis ay naupo siya sa kama at saka lang niya napansin ulit ang papel na ipinatong niya kanina sa side table ng kanyang kama.
     He stood up at dinampot niya ang papel, muli niya itong binuklat at binasa. He sighed, tumayo siya para magpunta sa kusina, and he get himself a cold can of beer. Binuksan niya iyun at uminom mula sa lata.
    Sumandal siya sa kitchen counter, he was still having second thoughts sa pagpunta niya sa hotel na iyun.
    Yes, ngayon lang niya ito maeexperience, yung tipo na may babaeng naghihintay na sa iyo sa hotel room at hindi basta – bastang babae, a VIRGIN, ang sabi niya sa sarili. Just the thought of having a virgin on his bed, made his groin hard.
     Pero may isang catch, ILLEGAL ang operation nito, at kapag nahuli siya ay isang malaking kasiraan ito sa kanyang pangalan, sa pangalan ng kanyang pamilya, at sa kumpanya nila, at ang mga kaso na pwede niyang kaharapin. Siguradong tatanggalin siya sa kumpanya at sigurado niyang sa pinsan niya na si Lyndon ang ipapalit sa kanya sa pamamahala ng kumpanya. At siya? pupulutin siya sa kangkungan ng literal dahil mawawalan siya ng pera.
     But, still, ilang taon na nag operate ang hotel, at napaka sikreto ng transaction dito. So, the chance na mahuli siya ngayon ay napakaliit, he argued to himself.
     Muli niyang tiningnan ang amount ng pera na ibinayad ni Gary para sa babae, fifty thousand? It was too expensive para sa isang prosti, but still, virgin nga pala ang kinuha nito. Di niya akalain na magbabayad ng ganun kalaking halaga ang kaibigan para lang sa ilang oras na sex. Tapos hindi pa nito magagamit ang binayad niya.
     Inubos na niya ang laman ng beer sa lata, he get his phone and dialled a number.
     “Y-yes” ang sagot ni Gary sa kabilang linya, at dinig pa ni Ace ang malakas na ungol ng babae sa background.
     “I’m sorry, are you fucking right now” ang natatawang tanong ni Ace kay Gary.
     “Ano ba sa tingin mo, hindi ba sabi ko sayo kasama ko GF ko” ang inis na sagot nito sa kanya.
     “Well you shouldn’t have answered” ang sagot lang ni Ace.
     “Oh yes that’s good baby” ang sambit ni Gary, “nakita ko kasi ang name mo, kaya bilang boss ko hindi pwedeng hindi ko sagutin” ang sagot nito.
     Ace shook his head, “sasabihin ko lang na ibigay mo ang bank account number mo sa akin at papalitan ko yung ibinayad mo” ang sagot niya.
     “Sabi ko sa yo na huwag na diba basta ikwento mo na lang” ang sagot nito.
     “I’m not going to do that, ibigay ko sa akin ang number o patatagalin ko pa ang usapan na ito hanggang sa marinig ko kung paano labasan yang girlfriend mo” ang banta ni Ace.
     “Alright, alright, I’ll text you, at huwag ka ng mag aksaya ng panahon mo, umalis ka na diyan at pumunta ka na doon at hindi yun bukas ng magdamag, I mean ang hotel oo, pero yung alam mo na”-
     “Okey, okey, enjoy your fucking night” ang sabi niya kay Gary bago pa nito pinatay ang phone.
     Yes he badly needed this, kailangan niya munang makapag unwind, at maka experience naman ng bago. Kailangan niyang malimutan muna ang mga nangyari sa kanya nitong magkasunod na araw.
     Feeling elated and his old self again, nagtungo na siya muli sa kanyang bedroom para magbihis. Pagkatapos ay mabilis niyang dinampot muli ang papel at isinuksok sa kanyang bulsa. Dinampot niya ang susi na inihagis niya kanina sa center table, at lumabas siya ng bahay habang sumisipol.

    Ace had to drive past the hotel several times dahil sinisigurado niya na nasa tamang hotel siya. The hotel itself looked so classy and legit, malayo sa sinasabi ni Gary na may illegal na gawain sa loob. Napansin niya na may mga guests na nag labas pasok sa loob ng hotel, na para bang pangkaraniwan lang ang nangyayari.
     “Damn” he muttered, wala na siyang nagawa kundi ang subukan ng pumasok sa loob. Naghanap siya ng vacant slot sa parking. Nang makapag park na siya, casual siyang lumabas ng kanyang sasakyan, tila ba wala siyang illegal na papasukin sa loob.
     He tapped his hand sa front pocket ng kanyang jeans, to check na nasa bulsa niya ang papel. He walked towards the main entrance at binati siya ng gwardiya.
     Pagpasok niya sa loob ay bumungad ang isang simple yet elegantly designed lobby, everything looks normal, he said to himself. Nasa tamang lugar ba siya?
     Lumapit siya sa front desk at binati siya ng magandang receptionist na malapad ang pagkakangiti sa kanya.
     “Yes sir, good evening, how may I help you?” ang bati nito sa kanya.
     Ace hesitated, “ahm, I’m sorry I didn’t know if I’m in the right hotel, but, may reservation kasi ako” ang sabi niya sa babae.
     “What name sir?” ang tanong nito sa kanya, and the lady started scanning her computer monitor, para sa lists ng guests reservations.
     Binunot ni Ace ang nakatuping papel sa kanyang bulsa, at nag-aalangan man ay ipinakita niya ito sa babae.
     Agad na kinuha ng babae ang papel at binasa iyun, she made a tapping sound on her keyboard with her fingers.
     “At at topmost floor sir, room 1050, please use the elevator at the corner left sir, enjoy your stay” ang mahina nitong sabi sa kanya, at may iniabot itong key card sa kanya.
     Parang nabunutan ng tinik si Ace, nginitian niya rin ang babae at dinampot niya ang key card na nasa ibabaw ng counter.
     “Thanks I sure will” ang nakangiting sagot niya sabay kindat sa babae, casual siyang naglakad patungo sa elevator na sinabi ng babae sa kanya.
     Medyo tago ang elevator na iyun, kaya naisip ni Ace, na illegal nga ang nangyayari sa itaas. Pagpasok niya sa elevator ay wala ng iba pang pindutan para sa mga floors, diretso ito sa tenth floor.
     Isang dimly lit na floor ang bumungad sa kanya, the lights were just bright enough para makita ang hallway at ang mga numero ng kwarto.
     “1050, 1050” ang bulong ni Ace sa sarili habang hinahanap niya ang pinto na may 1050 na number. At nang marating na niya ang pinakadulong kwarto, dun niya nakita ang numero na hinahanap.
    Itinapat niya ang card key sa isang scanner, at nang marinig niya ang beeping sound, ay pinihit na niya ang knob ng pinto. Pumasok siya at isinara ang pinto, when he turned to face the woman, medyo madilim sa loob, kaya hindi pa niya masyado maaninag ang mukha ng babae, ang tanging napansin niya ay nakahoodie ito at pantalon na maong at ang kulot nitong buhok ay halos nakabuhaghag na. May suot rin itong salamin.
     When he stepped closer, dun na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi, nagsalubong ang kanyang mga kilay.
     “Well, well, what do we have here” ang sambit niya.
    
    
    

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt