Chapter 4

9K 235 16
                                    

Hindi alam ni Autumn kung ilang segundo siyang nanatiling nakadilat at nakanganga, sa harapan ng kanyang daddy. Pero natulala siya nang marinig ang sinabi ng kanyang ama sa kanya.
Surely, hindi ito, seryoso, wala ng mga arranged marriage ngayon hindi ba? Hindi ba at mga Intsik lang ang gumagawa nun? Hindi ba siya nakatulog sa kotse niya sa pagod at nananaginip siya ngayon? Ang tanong ni Autumn sa sarili.
"Autumn!" ang maawtoridad na sabi ng kanyang ama, "isara mo ang bibig mo"
Ilang beses pang kumurap ang mga mata ni Autumn, bago niya na naifocus ang kanyang atensyon sa ama.
"Dad sorry, pero, tama po ba ang narinig ko? Ikakasal ako?" ang di makapaniwalang tanong ni Autumn na ngayon lang niya ginawa sa ama, at kita niya ang disgusto nito sa kanyang ginawa.
"Hindi pa naman siguro nagkakadiperensiya ang pandinig mo Autumn, pero sige, para lang marinig mo ulit, IKAKASAL ka na" ang mariing sabi nito.
"Pero daddy, ngayon lang po ako nagsisimula na mamuhay ng nag - iisa, ngayon pa lang po ako gumagawa ng pangalan para sa sarili ko, please po, huwag nyo po itong gawin" ang pagmamakaawa ni Autumn.
Nagsingasing ang kanyang daddy, "pangalan? Kilala na ang Dela Vega, sa pagiging tapat, marangal, at malinis. Ano pa bang pangalan ang gusto mong ipakilala?"
Hindi nakasagot si Autumn, hindi na ba siya makakaalpas sa kontroladong buhay ng kanyang ama? Ang halos desperadong tanong niya sa sarili.
"Pwede ko po ba malaman kung sino ang lalaki?" ang tanong niya, na tila ba isa siyang robot dahil walang emosyon ang kanyang pagsasalita.
Biglang nagliwanag ang mukha ng kanyang ama, nang nagpakita siya ng interest o sadyang alam na nito kung ano ang kanyang isasagot dahil alam naman ng kanyang daddy na hindi niya ito kailanman sinuway.
"He's the oldest son of General Espina, a PMA'er at he's a member of the Philippine Marines, he's Captain Leonardo Espina, quite a man of integrity also, he's a perfect man for you Autumn" ang sabi ng kanyang daddy.
Nanlambot ang buong katawan ni Autumn, wala sanang problema kung mag-aasawa siya, kahit hindi pa niya ito mahal, pero isang sundalo? Kung ang buhay nga nila ng kanyang mommy ay hindi naging normal dahil sa buhay ng kanyang daddy, ganun pa rin ba ang magiging buhay niya ulit? Ang buhay ng magiging anak niya? Walang katapusan na isipin at agam-agam na ang buhay ng asawa mo ay nasa hukay ang isang paa. Na maaaring hindi na siya umuwi pa ng buhay sa kanyang pamilya.
"I gave our home address para sunduin ka niya bukas, kaya huwag ka munang kumuha ng kliyente para bukas, at icancel mo naman kung may mga nakuha ka na" ang utos ng kanyang daddy sa kanya.
Parang hindi na siya makapag-isip at parang nawalan na rin siya ng emosyon, tila isang robot na Autumn na lang ang nakipag - usap at sumang - ayon sa kanyang ama.
Pag-uwi niya sa bahay, dali - dali siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto at pasalampak na dumapa sa kanyang kama, ni hindi na niya nagawa pang nagawang alisin ang salamin sa kanyang mata, at hinayaan na niyang umaagos ang kanyang mga luha.
Hindi niya alam kung maawa ba siya sa sarili dahil sa buhay na meron siya? O magagalit siya sa kanyang sarili dahil sa hindi niya magawang sumalungat sa kanyang ama?


"Nakakailang kape ka na bro, ah, mukhang napalaban ka na naman kagabi" ang biro ng kanyang assistant at kaibigan na si Gary sa kanya. Ito na ang madalas niyang kasama sa mga nights out niya dahil nga sa, si Deven ay family man na at bihira na siyang samahan.
Ace winked at his friend and sipped his coffee, "medyo, pero alam mo naman ako, a roll for once or twice is enough for me, I just didn't get enough sleep last night" ang sagot ni Ace.
For some reason, the girl with the eyeglasses na nakaaway niya, actually siya lang ang nang away, dahil sa pagkakauntog niya. Anyway, the sweet image of that girl, haunted him, and he didn't know why? Dahil ba sa galit na galit siya rito at gusto niyang gantihan big time dahil sa bukol na inilagay nito sa noo niya? He thought.
"It's a good thing na hindi ka nalate kanina, or else, magagalit na naman si Deven sa iyo, you're best buds, pero napakahigpit nito pagdating sa trabaho" ang sagot ng kaibigan sa kanya.
"I know, at ayokong malaman ng daddy na nagloloko ako sa pag handle ng business or else, mawawalan ako ng share sa kumpanya, at magiging poordoy ako, no night life no nothing" ang sagot muli ni Ace.
"So magtitino ka na?" ang natatawang tanong sa kanya ni Gary.
Ace twitched his lips, "on the drinking maybe, but not with the woman" ang nakangiting sagot niya sabay kindat sa kaibigan.
"That's good to know, mayron pa naman akong ibibigay na ticket reservation sa isang hotel" ang mahinang sabi ni Gary sa kanya.
Ace flinched when he heard what Gary said, pero interisado siya sa sinabi ng kaibigan at kasama sa kalokohan.
"Hotel reservation? Anong Hotel? Diamond? Manila?" ang sunod-sunod at intedisadong tanong niya.
Gary put an his index finger on his own lips, at pinalapit ng kaunti ang kanyang ulo, tila ba isang malaking sikreto ang sasabihin nito sa kanya.
"Hindi ito, katulad ng mga hotel sa metro Ace, may mga babae ka ng kasama sa hotel room pagpasok mo, online ang pag book dito at pagpili ng babae, kapag virgin, mas mahal" ang sagot ni Gary.
"So bakit natin kailangan na magbulungan?" ang takang tanong ni Ace.
"Because, this is NOT LEGAL, patago ang transaction nito, puro foreign at local beauties ang pagpipiliian, mostly mayayaman na foreigners ang parokyano nila" ang pabulong pa rin na sagot ni Gary sa kanya.
"E bakit mo sa akin binibigay ito?" ang tanong muli ni Ace, habang tiningnan ang isang papel na tila printed form ng isang transaction, napansin niyang ibang pangalan ang nakalagay sa papel.
"Dahil, may date kami ni Ashley, at alam mo naman na nanunugod iyun, kapag hindi ako mahagilap" ang sagot ni Gary.
Ace lifted his eyebrows, kaya nga ayaw niya ng isang seryosong relationship, masyadong demanding and controlling, parang hindi ka na makagalaw.
"Ibang pangalan ang nakalagay dito pre" ang sabi niya sa kaibigan nang basahin niya ang papel.
"Wala silang pakialam sa pangalan, dahil nga sa discreet at illegal ang operation ng hotel alam nilang mga hindi tunay na pangalan ang ginagamit sa pag book, ang importante bayad ka at hawak mo ang papel, don't worry, ang laki ng ibinayad ko diyan, VIRGIN ang kinuha ko" ang nakangiti at may kinda pang sabi ng kaibigan.
Ace smiled mischievously sa kaibigan, he hadn't done this before, but, what the heck! Walang mawawala sa kanya, and a virgin? Damn! He hadn't had a virgin before, he was scared na baka mabitag siya sa isang kasal kapag gumalaw siya ng isang virgin.
"Thanks pre" ang nakangiting sagot niya sa kaibigan, "gusto mo bang palitan ko ang ibinayad mo para rito?"
"Just tell me the nitty gritty details" ang sagot nito sa kanya.
He shook his head and smiled mischievously at Gary, then he sipped his coffee again, at nang mabaling ang kanyang mga mata sa kabilang lamesa sa bandang unahan sa right side nila. And he almost spit the coffee inside his mouth. That face!
He saw her again, ang mukhang nagpapuyat sa kanya kagabi, ay kasama niyang muli dito sa loob ng coffee shop, and with her was a tall man, with an authoritative stance.
Pinagmasdan niya ang dalawa, habang hinila ng lalaki ang upuan para sa babae. Nakita niyang bumulong ang babae, a thank you maybe? He thought.
Ang pagkakataon nga naman, ang sabi ni Ace sa sarili. Minsan umaayon sa kanya.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now