Chapter 29

6.8K 207 18
                                    

Autumn was surprised nang biglang may kumatok sa pinto ng kanilang kwarto. Kasasara pa lang niya at halos two minutes pa lang siya sa loob at kaaalis pa lang niya ng suot na sapatos.
     Si Ace na siguro, ang sabi ni Autumn sa sarili, pero nagtaka siya, ang bilis naman nitong nakasunod, eh, pababa pa lang ang elevator.
     "Who is it?" ang malakas niyang tanong mula sa loob.
     "It's ME!" ang gigil na sagot ni Ace mula sa labas ng pinto, at dahil sa halos liparin niya ang hagdan ay nag simula ng tumulo ang pawis niya, para na rin siyang nag work out sa gym. But this time he was not triggered to sweat his body toxins, he was triggered by jealousy.
     "Ang bilis mo naman" ang gulat na tanong ni Autumn pagbukas niya ng pinto, napansin niyang pawis na pawis ito, dahil bakat na rin sa suot nitong sweater. At nakakunot ang noo nito, pumasok na si Ace sa loob at inihagis sa sahig ang lahat ng bag na bitbit nito. Nagtaka naman si Autumn kung bakit parang galit na naman ito.
     "Bakit? Sino bang inaasahan mong kakatok sa pinto? Si Mr. White guy?" ang galit na tanong ni Ace sabay alis ng suot na bonnet.
     "What? Sinong white guy?" ang balik tanong ni Autumn, habang inaayos ang mga bag na inihagis ni Ace sa sahig at pinagsama - sama ang mga iyun.
     Ace snorted, "yung MAPUTLANG foreigner na kausap mo kanina sa restaurant at kasabay mo sa elevator"
     Tumaas ang mga kilay ni Autumn, "oh, si Harry" ang sagot ni Autumn.
     Lalong nag pintig ang mga tenga ni Ace, Harry? Huh, alam na nito ang pangalan ng espasol na iyun? Lalo siyang nanggalaiti sa galit. Sa Manila si Lyndon, dito si Harry! Bwisit!
     "So you're in first name basis already" ang inis na sagot ni Ace.
     "Nagpakilala siya sa akin kanina sa elevator Ace, ayoko naman na mambastos, he was kind naman" ang giit ni Autumn kay Ace na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo nito. She could see his gray eyes glaring at her like a steel.
      "At nagpakilala ka rin naman" ang sabi ni Ace na tila ba nanunumbat ito.
      "Ace I told you maganda naman ang approach niya sa akin, hindi naman siya bastos, kaya ayaw ko naman siyang bastusin" ang pagod nang pagpapaliwanag ni Autumn, hindi niya alam kung bakit, tila ba interrogation ang nangyayari ng mga sandaling iyun.
      "Ano pang inalam niya sa iyo? Did you gave him your phone number?" ang galit na akusa ni Ace.
      "No, I didn't, kahit pa hiningi niya hindi ko iyun ibinigay" ang pagtanggi ni Autumn.
      So talagang hiningi nga ng lalaking iyun ang number ni Autumn, wala na bang makuha na ibang babae ang labanos na iyun at si Autumn pa na alam na may kasama ng lalaki ang napili nitong kulitin? Ang gigil na sabi ni Ace sa sarili.
     "Papansin talaga yung espasol na yun, kanina pang umaga yun eh" ang patuloy na pagbubunganga ni Ace at kumunot lang ang noo ni Autumn dahil sa inaarte ni Ace. He was angrily speaking habang inaalis ang basa ng sweater nito, sabay hagis sa armchair.
      "Ace" ang tawag niya rito, pero patuloy pa rin ito sa pagsasalita, "Ace!"
     "What?!" ang galit tanong ni Ace sa paglingon nito sa kanya.
     Autumn didn't shout back, hindi niya sasabayan ang init ng ulo ni Ace, na hindi niya alam kung anong pinagdadaanan nito kung bakit parang bulkan ito na nag-aalburuto.
     "You're sweating" ang sabi ni Autumn kay Ace na basa na ang shirt na dobleng  suot nito.
     "Of course I'm sweating, takbuhin ko ba naman ang hagdan paakyat dito!" ang galit na sagot ni Ace.
     Nagitla si Autumn sa narinig, "Why did you run the stairs?" ang di makapaniwalang tanong ni Autumn kay Ace, she was surprised dahil na sa tenth floor ang kwarto nila, at may mga bitbit pa itong bags.
      "Dahil" hindi naituloy ni Ace ang sasabihin dahil sa kapag sinagot niya yun, ay aamin siyang nagselos siya sa maputlang lalaki na iyun!
      "Basta!" ang huling sabi ni Ace, "makaligo na nga lang!" ang galit na sabi ni Ace, sabay hubad ng shirt nito.
      Natigilan si Autumn nang muling tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Ace na pinagpapawisan. She didn't like sweat, nandidiri siya sa pawis, pero bakit kay Ace, mukhang sexy itong tingnan. She started to breathe through her lips. Umiwas siya ng tingin at dahan-dahang siyang umatras.
     Pero muling pumaling ang kanyang mga mata kay Ace, habang pinagmamasdan niya si Ace na nagpupunas ng pawis gamit ang hinubad nitong shirt.
     She was so mesmerised by the way his smooth chest and muscles rippled while he moves. She kept on walking backwards kaya hindi niya napansin ang mga bag sa sahig na itinabi niya, at naatrasan niya ito at napatid siya sa mga ito.
     She fell on her butt on  floor, at narinig iyun ni Ace kaya bigla itong lumingon at nakita nga siya nito na napaupo siya sa sahig at bahagyang nakataas ang binti niya dahil nakapatong ito sa mga bag na pinamili nila kung saan siya napatid.
     "Are you okey?" ang alalang tanong ni Ace.
     "Ahm yeah" ang nahihiyang sagot ni Autumn.
     "What happened to you?" ang concern na tanong ni Ace.
     "Napatid ako, hindi kasi ako nakatingin, I mean hindi ko napansin ang mga bag, sige na, magshower ka na" ang sabi ni Autumn habang dahan-dahan siyang tumatayo.
     Ace looked at her, then he threw his shirt sa may armchair bago ito pumasok sa loob ng banyo.
     She slowly stood up, and patted her butt, "ouch" ang bulong niya. Nakita niya ang sweater at shirt na inihagis ni Ace sa upuan.
     She sighed, dinampot niya ang mga ito, in fairness kahit pawisan na mabango pa rin ang damit ni Ace, ang sabi ni Autumn sa sarili, isinabit niya ng maayos sa upuan ang mga ito, mamaya ilalagay niya ang mga ito sa bag para ipalaundry sa ibaba.
    
    
      Dumating na ang gabi at nanatili pa rin sila sa loob ng kwarto, they spend the whole noon watching Netflix, ni hindi nila napansin ang oras at gumabi na pala. They were both lying on the bed.
     Ace looked at his watch at nakita nga niya na it was already eight in the evening.
     "Gutom ka na?" ang tanong sa kanya ni Ace, na nasa kanyang tabi na naupo na sa gilid ng kama.
     "Ahm, yeah" ang sagot ni Autumn habang nag-iinat.
     Nag-isip si Ace kung saan sila kakain, the hotel's restaurant was definitely not on his list. Hindi dahil sa pangit ang pagkain sa hotel. Dahil sa baka makita na naman niya ang labanos na lalaki na may blue eyes. Ace, snorted, nope, hotel's restaurant is definitely a NO.
     "Do you want to go out or magpa room service na lang tayo?" ang tanong ni Ace sa kanya na tumagilid ng kaunti para tingnan siya.
     "I'm tired to go out, baba na lang tayo para kumain" ang sagot ni Autumn.
     "No" ang sagot ni Ace, "magparoom service na lang tayo" ang mariing sagot ni Ace, tumayo na ito at kinuha ang menu na nakalatag sa coffee table. Bumalik ito sa kama at naupo muli sa tabi ni Autumn.
     "Here let's check their menu" ang sabi ni Ace kay Autumn.
     Gumapang si Autumn sa ibabaw ng kama palapit kay Ace, saka siya naupo sa tabi nito, para tingnan ang printed menu.
    Magkatabi silang dalawa, as in magkadikit ang kanilang mga katawan, at dahil sa mas mababa si Autumn ay sumasagi ang noo nito sa kanyang pisngi. And he could feel her soft curls dahil sa kumawala na ang mga hibla ng buhok nito mula sa pagkakapusod nito. And he could smell her, she smell like milk and powder, dahil na rin siguro sa bodywash na binili nila kanina sa drugstore. Hindi tuloy niya maintindihan ang mga nakasulat sa menu ng mga pagkain.
     Ace cleared his throat, he tried to control the impulse na akbayan si Autumn and pulled her down beside her on the bed. No! Ace darn it! Wala kang gusto sa kanya!giit niya sa sarili.
     "Nakapili ka na ba?" ang tanong ni Ace na medyo namalat ang boses.
     "Clubhouse na lang at strawberry with cream" ang sagot ni Autumn.
     "Alright" ang matipid na sagot ni Ace, inabot niya ang telepono at tumawag para sa room service.
     At ilang sandali pa ay inihatid na ito sa kanilang kwarto. They ate and watched TV, hanggang sa late na nang makaramdam na sila ng antok.
     Autumn excused herself para makapaligo at makapagpalit ng damit, she had no choice but to use the sexy underwears na pinadala sa kanya ng mama ni Ace.
     Pagkatapos niya ay sumunod naman si Ace sa bathroom. At pagkalatag ng kanyang katawan ay mabilis na pumikit ang kanyang mga mata at siya ay nakatulog. Kaya paglabas ni Ace ng banyo ay tulog na tulog na siya.
     Napangiti na lang si Ace sa hitsura niya, "antukin talaga to" ang bulong ni Ace na natatawa. Pinatay na niya ang ilaw at tanging ilaw sa nightstand ang nakasindi. Pagkahiga niya sa kama ay bahagyang gumalaw si Autumn, umikot ito at sumiksik sa kanya.
     Nanlaki ang mga mata ni Ace at itinaas niya ang kanyang mga braso, hindi niya alam kung anong gagawin. Pero mukhang hindi na aalis sa ganung pwesto si Autumn, para itong bata na nakasiksik sa kanyang dibdib.
    Ace rolled his eyes and shook his head, a grin formed in his lips. At saka niya niyakap muli si Autumn, na nang maramdaman na ang mga bisig ni Ace ay lalo itong sumiksik sa kanya.

      Nagulat si Autumn ng may bumagsak na bagay sa ibabaw ng comforter, inaantok man ay dumilat siya, at nakita niya si Ace na nakapamewang sa paanan ng kama at nakatingin sa kanya.
     Nakita niya rin ang bagay na bumagsak sa kama, it was the pair of hiking boots na binili ni Ace para sa kanya.
     "Ace?" ang sambit ni Autumn, habang inaantok na nakatingin dito.
     "Wake up sleepy head, mukhang na ipahinga mo na ng maigi ang mga binti mo" ang sabi ni Ace sa kanya habang nakangiti ito at nakapamewang.
    
    
    

The Accidental Groom [Completed] Self - Publishedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن