Chapter 14

7.1K 217 19
                                    

"Good evening DuPont" ang bati ng PNP chief sa kanya habang nakadekwatro itong nakaupo sa kanyang puting sofa, ang mga braso nito ay nakalawid sa ibabaw ng cushioned backrest ng sofa. Madilim sa loob dahil hindi nito binuksan ang ilaw sa loob. But Ace could see his profile, dahil sa kaunting liwanag na nanggagaling sa dim light sa kusina, na tiyak niyang ang general ang nagsindi nito.
     Narinig niya ang pagsara ng pinto sa kanyang likuran, at napasulyap siya sa civilian police escorts nito. Hinawakan siya ng dalawa sa magkabilang braso, pero sinenyasan ang mga ito ng PNP chief.
     "That's not necessary, please have a seat DuPont" ang sabi sa kanya nito na akala mo ba ay ito ang may-ari ng bahay, sinabi ito sa kanya sa kalmadong boses, na nagpatayo ng balahibo niya sa buong katawan. It was too calm, na parang may pagkasinister ang dating. Ito na ba ang katapusan niya? Ang tanong ni Ace sa sarili.
     Lumapit si Ace sa isa sa mga cushioned armchair, niluwagan niya ang suot na necktie, tila ba sumikip ang mundo niya at hindi siya makahinga, saka siya naupo. Pagkaupo niya ay biglang bumukas ang dim light sa kanyang sala. Kaya nakikita na niya ang mukha ng heneral.
     Hindi gumalaw o nagsalita si general, nanatili ito sa ganuong position kung paano niya ito naabutan. Ilang sandali pang naghari ang katahimikan sa loob, kaya ng magsalita ang general ay halos mapatalon si Ace, hinihintay na lang kasi niya na tutukan siya ng baril sa ulo.
     "We missed you at the coffee shop kanina" ang sabi nito.
     "I'm sorry, masyado akong busy sa opisina" ang sagot ni Ace.
     "Too busy para makipagkape sa future wife at father in law mo?" ang tanong nito.
     Napabuntong-hininga si Ace, "nakaligtaan ko ang oras" ang matipid niyang sagot.
     "You should have called, busy rin ako DuPont, sa pagsugpo ng mga KRIMINAL sa Pilipinas, sinayang mo ang oras ko, at tahasan mong kaming binastos ng anak ko" ang sagot nito, kalmado man ay mababakas ang galit sa boses nito.
     Napabuntong-hininga muli si Ace, "look hindi ba kayo kinausap ni Autumn?" ang usisa niya, umaasa siyang sa kabila ng pagiging matigas ng daddy nito ay magagawa nitong kumbinsihin na baguhin ang desisyon nito na ipakasal silang dalawa.
     "You keep on asking me about that, ano bang gusto mong sabihin sa akin ng anak ko? Na ano? Hindi ka pa ready na magpakasal? Na hindi mo pa natitikman lahat ng babae sa Pilipinas?" ang tanong sa kanya nito.
     Umiling-iling ito, "para sabihin ko sa iyo DuPont, tinapos mo na ang maliligayang araw ng pambababae nang GALAWIN mo ang ANAK ko" ang galit na sabi nito sa kanya.
     "Hindi ko po ginalaw ang anak ninyo" ang nayayamot nang sagot ni Ace.
    Nagsingasing ang heneral sa sinabi niya, at naghalukipkip ng mga braso, "Velasco, ano ang sabi sa report ng maabutan sila sa hotel room ng anak ko?" ang tanong nito sa isa sa mga kasamang pulis.
     Nakita niyang bahagyang lumapit ang civilian police at may inabot na papel ito sa heneral, inabot iyun ng chief at binasa.
     "Apparently a certain Mr. Ace DuPont, which was one of the patrons of the said illegal prostitute den, was caught inside a room, his chest bare and jeans halfway open, with him was a girl, who's upper body was also naked. Both of them lying on the bed with Mr DuPont lying on top of the girl" ang saad ng PNP chief sa kanya habang binabasa ang nakasulat na report sa papel.
    Then na realised ni Ace, na hindi pinangalanan ang babae sa report, at naghalukipkip ang mga braso ni Ace at ngumisi siya sa heneral.
     "Hindi mo pinangalanan ang anak mo PNP chief, kung matuloy ang kaso, igigiit ko na kasama ko ang anak mo sa loob ng hotel room" ang banta ni Ace. Pero hindi man lang nakitaan ng takot o galit ang mukha ng chief PNP sa kanyang sinabi, tila ba walang kalaman-laman ang sinabing banta niya.
     "Hindi sinungaling ang anak ko DuPont, kahit ilagay pa natin sa interrogation room o ipa lie detector pa natin ang anak ko" ang sagot nito sa kanya.
     Isang pagak na tawa ang lumabas sa bibig ni Ace, hindi sinungaling? Ang sabi ng isipan ni Ace, at napailing na lang siya.
     Tiningnan lang siya ng PNP chief, tila ba hindi naapektuhan sa sinabi niya, "nakakatawa nga siguro ang sinabi ko, pero kaya kong linisin ang pangalan ng anak ko rito, tulad ng sinabi niya aksidente ang pagkakapunta niya sa hotel na iyun, dahil may tinakbuhan siyang panganib. The records can prove it. The statements from the other girls na sakay ng van, can prove it, gusto mo bang basahin ko pa sa iyo ang statements ng mga babae, nang mga babae?" hindi nakasagot si Ace, hindi niya alam kung totoo o hindi ang sinasabi ng PNP chief, pero kung totoo? Siya nga lang ang maiipit.
    "Eh ikaw? Sinong maniniwala sa isang katulad mong ginagawang laruan ang mga babae? Ni isa walang makikisimpatya sa iyo" ang banta nito sa kanya.
     "Ano kaya ang masasabi ng business partner mo kapag sumugod kami ng mga operatives para magsearch sa building ng Shea-DuPont Corp. Para sa, hmm, I don't know? Ano nga ba ang mga sinisearch ngayon? Drugs?"
     "I'm not into drugs!" ang galit na sagot ni Ace.
     "Oo, pero once na nag search kami with all the media, ano kaya ang magiging implication sa image mo DuPont, not to mention sa business partner mo, na mukhang a man of integrity, na si Mr. O'Shea, I feel sorry for him at makakaladkad ang pangalan niya rito" ang mahinahon pero puno ng pagbabantang sabi ng general sa kanya.
     "And of course, itutuloy namin ang kaso laban sa iyo, patungkol sa pagkakahuli mo sa hotel, na sa amin ang report Mr DuPont" ang banta nito sa kanya.
     Inisip ni Ace ang mga kahaharapin niyang problema, anong magiging implications sa kanya ng mga kasong kahaharapin ng kanyang pamilya at kumpanya. Ang kumpanyang pinagpaguran itatag ng mga lolo nila ni Deven.
     Si Deven? Alam niyang magagalit ng husto si Deven sa kanya, si Deven na para na niyang kapatid. Dahil sabay silang lumaki nito, mas malapit pa nga sila ni Deven kaysa sa mga kapatid niya.
     "Ano bang gusto ninyo?" ang hapo ng pagtatanong ni Ace.
     "PAKASALAN mo ang anak ko" ang matipid na sagot nito.
     Napapikit si Ace, kasal? Iyun ang huling bagay na nasa kanyang isipan. Pero ano bang mas malala? Ang maikasal siya o ang tanggalan siya ng karapatan sa kumpanya kasunod pa ng mga kasong kahaharapin niya.
     Alam niya ang ugali ng ama, para rin itong daddy ni Autumn, he's a man of integrity at hindi itotolerate ng daddy niya ang mga kalokohan niya. Siguradong pababayaan siya nito.
     Hindi siya nakasagot at tiningnan lang siya ng heneral, tumangu-tango na lang siya, wala na siyang choice. Well, meron siyang choice, pero pinili niya ang lesser evil sa dalawa.
     Nagliwanag ang mukha ng PNP chief nang makita ang pagtangu-tango niya, marahang hinampas nito ang sariling tuhod at tumayo.
     "OK, I'll see you on Sunday? Kasama ang pamilya mo" ang sabi nito sa kanya.
     "Family? Nasa ibang bansa pa po sila" ang sagot ni Ace.
     "Meron ka hanggang bukas para tawagan sila" ang tanging sagot ng PNP chief sa kanya na hindi pa rin na aalis ang ngiti sa mga labi nito.
     Napahilamos na lang ang kamay ni Ace sa kanyang mukha, at itinikom niya ang kanyang mga labi.
     "Sunday it is, sa aming bahay, just tell me kung anong oras kayo darating or you can call Autumn" ang sabi nito sa kanya.
     Shit! Ang sabi ng isipan ni Ace, hindi nga pala niya alam ang number ni Autumn.
     "Ahm, pwede ko po ba makuha na lang ang number ninyo?" ang magalang niyang hiling sa hepe. Isang ngiti pa rin ang namutawi sa mga labi nito, saka ito bumunot ng isang calling card sa pitaka nito at iniabot sa kanya.
     Nang tumayo na ito sa sofa, ay ganun na rin ang kanyang ginawa, sinundan lang niya ito ng tingin habang naglakad ito papalapit sa pinto, kasunod ang dalawang civilian, police sa likuran nito. Nasa harap na sila ng pinto, pero hindi ito lumabas, may ibinulong ito sa isa sa mga pulis at tumangu-tango ang pulis dito bilang sagot.
     May inabot itong cellphone sa hepe, tiningnan ito at saka ibinalik ang phone sa pulis. Biglang lumapit ang pulis sa kanya at bigla siyang Kinabahan. Shit! Ano kaya iyun? Ang kinakabahang tanong ni Ace sa sarili.
     "Ayokong malalaman ito ni Autumn" ang banta pa nito sa kanya "At oo nga pala, I do hold grudges, iyan ang kabayaran sa pagpapahintay mo sa amin ng matagal at hindi pagsipot kanina" ang sabi sa kanya ng hepe na bahagyang nakaharap ang katawan sa kanya.
     Biglang inilapit ng pulis ang phone at nakita niya sa screen ang litrato. Noong una ay di pa niya maaliwanagan ang nasa litrato. And then it him! Anak ng –
    Ang bago niyang ferrari na ilang milyon ang halaga at nanggaling pa sa Italy, ay wakwak ang mga gulong at basag ang isang side view mirror, nang makita iyun ni Ace ay nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga na lang siya at ni katiting na tunog ay walang lumabas sa kanyang bibig.
     "Dahil iyan sa paghihintay namin" ang banta sa kanya ng heneral na tila ba ibig iparating sa kanya na mas malala pa ang makukuha niya kapag hindi na naman siya sumipot o tumupad sa kasunduan nila.
    

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now