Chapter 44

6.6K 196 27
                                    

"Hello po daddy" ang bati ni Autumn sa kanyang daddy sabay halik niya sa pisngi nito. Tanging pagtango lang ang isinagot ng daddy niya sa kanya.

"Good evening sir" ang magalang naman na bati ni Ace sa daddy ni Autumn at kinamayan naman niya ito.

At tulad ng kay Autumn ay tumangu-tango lang ito, at sumenyas ito na sumunod sila rito patungo sa kainan.

"Daddy bumili po kami ng cake" ang sabi ni Autumn, sabay abot ng isang maliit na square box. Her daddy harrumph, while he eyed the box of cake with blue ribbon.

"Autumn, you know that I can't eat sweets" ang sagot nito sa kanya.

"Dad, flour less po at sugar free ang cake" ang sagot ni Autumn.

His daddy looked skeptical at first, then he nodded, "thank you" ang matipid na sagot nito.

Ace could sense na tila may harang pa sa dalawa, parang naiilang pa si Autumn sa kanyang daddy, marahil na rin siguro, sa hindi lumaki Si Autumn na kasama ang daddy niya. Which made him thought, how lucky he has been, for having a family, na laging nandiyan para sa kanya, simula ng maliit pa lang siya.

Inalalayan ni Ace si Autumn na makaupo ito, at isang mahinang thank you naman ang isinagot ni Autumn at matipid na ngiti.

They chatted for a while bago sila nag simula na kumain, ang daddy niya ang nagluto ng mga ulam na minsan na lang ginagawa ng kanyang daddy, dahil na rin sa pagiging busy nito. Kaya para kay Autumn, espesyal ang mga sandaling iyun.

Pagkatapos nilang kumain ay lumipat naman nila sa maliit na sala sa bahay ng daddy niya. She offered to make them some coffee, at ihahain na rin niya ang cake. Sandali niyang naiwan ang kanyang daddy at si Ace.

Ace tried to swallow his nervousness, iba talaga ang dating sa kanya ng kanyang father in law. Nababasa kaya nito na minaltrato niya ang anak nito? Siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan kapag nalaman ng PNP chief ang pinaggagagawa niya, ang kabadong sabi ni Ace sa sarili.

"How's your business?" ang paunang tanong ng general sa kanya.

"Ahm, mabuti naman po sir" ang magalang na sagot ni Ace, at tumangu-tango naman ang general sa sagot niya.

"I know you're frequenting the bars this past few days, again" ang sabi sa kanya nito, which sent chills on his spine.

Napalunok si Ace, alam din kaya nito na may isinakay siyang babae sa kotse niya? Ang kinakabahang sabi ni Ace sa sarili. Kaya ba siya isinama ni Autumn dito ay para ilibing na siya ng buhay ng daddy nito? Kaya siguro biglang nagtimpla ng kape si Autumn, ang kinakabahang sabi ni Ace sa sarili.

"Ahm, sir, I just went there to unwind" ang pagsisinungaling niya.

"Bakit stress ka ba sa trabaho? O bahay ninyo?" ang muling tanong nito sa kanya, na para bang wala siya sa sala kundi nasa loob ng isang interrogation room. Kulang na lang yata ay itali ang kamay at paa niya sa isang siya at isang nakasabit na ilaw sa ibabaw ng kanyang ulo, Ace imagined.

"Hindi naman po sir" ang sagot ni Ace.

"You've been warned DuPont, I know I forced my daughter to this marriage, pero kapag nalaman ko, na nambabae ka, hmm" yun lang ang sinabi nito, pero ng makita ni Ace ang lamig sa mga mata nito, nagtayuan ang kanyang mga balahibo.

Naalala niya ang sinira nitong sasakyan niya na Ferrari, at dahil lang sa hindi niya pagsipot noon, paano pa kaya kapag niloko niya ang anak nito?

"Sir, I know, that we had a forced marriage, pero hindi ko po magagawang mambabae, hindi ko po gagawin iyun kay Autumn" ang totoong sabi ni Ace, and he looked straight into the old man's eyes.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now