Chapter 46

6.8K 204 24
                                    


"Hi!" ang masayang bati ni Ace, may dala itong isang box ng pizza at bucket ng buffalo wings. Hindi na siya naghintay na papasukin ni Lyndon, dire-diretso siyang pumasok sa loob at sinadya pang banggain ang balikat ni Lyndon na nakatayo sa may pintuan.

     Napakunot na lang ang noo ni Lyndon at napailing, hindi rin nito napigilan ang mapangiti.

     Pagpasok niya ay nakita niya agad si Autumn, tumayo ito mula sa dining chair nang makita siya. At di niya mapigilan ang mapangiti ng husto kasabay ng malakas na tibok ng kanyang puso. Yup, it was a good feeling, he said to himself.

     "Ace?" ang takang sambit ni Autumn, napatayo siya mula sa upuan ng makita ang papalapit na si Ace, halata sa mukha nito ang kasiyahan. Totoo ba ito? Was he happy to see me? Ang umaasang tanong ni Autumn.

     Lumapit si Ace kay Autumn na may malapad na ngiti sa mga labi, at nabigla pa si Autumn ng bigla niya itong halikan sa pisngi.

    "Hi babe" ang malakas na sabi niya, para marinig ito ni Lyndon, na nakataas ang kilay, hindi niya alam na namamangha o natutuwa ito sa ikinikilos niya.

     Kahit si Autumn ay nagitla ng bigla siyang halikan ni Ace sa pisngi at tinawag pa siyang babe, napatingin siya kay Lyndon, na hindi maitago ang amusement sa mga mata nito. At itinikom pa nito ang bibig dahil sa pinipigilan nitong matawa.

     "Bakit nandito ka?" ang takang tanong ni Autumn, pero natutuwa siya ng makita niyang muli si Ace.

     "Masama bang dalawin ang misis ko? At saka naisip ko na baka gutom ka na, kaya bumili ako ng paborito mo, pizza and buffalo wings" ang sabi ni Ace at iniangat pa nito ang mga dala. Sabay tingin sa mga nakapatong na pagkain sa lamesa, and by looking at it? He knew na si Lyndon ang bumili ng mga iyun, its too fancy.

     "Ano ba yang mga pagkain na iyan? Hindi ka mabubusog diyan Autumn, sa mga Japanese food na yan" ang sabi ni Ace, sabay usog sa mga pagkain na nasa ibabaw ng lamesa, "excuse me" ang sabi pa nito, sabay patong ng box ng pizza at bucket ng wings sa lamesa.

    Habang sina Autumn at Lyndon ay pinagmamasdan lang siya, na ang mga mata lang ang gumagalaw, Autumn was confused while Lyndon was amused by his actions that moment.

    "Maupo ka na hon, kumain ka na, tapos na ba ang trabaho mo? Pwede na tayong umuwi, hindi mo na kailangan na matulog dito" ang sunod-sunod na sabi ni Ace, habang ipinaglalagay ng pizza ang plato ni Autumn.

     "Hindi pa pwede Ace kasi, hindi pa ako tapos, Lyndon was kind enough to buy us some dinner, after niyang maghintay sa akin sa location" ang sagot ni Autumn habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Ace, na naglagay ng isang malaking slice ng pizza sa kanyang plato saka nilagyan nito hot sauce, isinunod nito ang wings saka nilagyan ng cheese sauce.

    Nagkapalitan lang ng tingin sina Autumn at Lyndon, namimilog ang mga mata ni Autumn habang si Lyndon ay naniningkit at pinipigilan ang tumawa, kaya tumikom na lang ang mga labi nito.

     Ace was acting very different, a good different, actually, ang sabi ni Autumn sa sarili.

     "Kain na" ang nakangiting sabi ni Ace sa kanya his gray eyes twinkling.

     "Oh, you should try this Autumn, masarap ito" ang sabi ni Lyndon, at inilapit nito sa kanyang bibig ang chopstick na may nakaipit na maki.

    Isinubo naman iyun ni Autumn, at dahan-dahang nginuya, at napatango siya, masarap nga, she hadn't tried japanese food before, first time niyang makakain nito, and it's not bad, it was good actually.

    Grrr, ang gigil na sabi ni Ace, may pasubo-subo pa itong Lyndon Bridge na ito! Papansin talaga! Di siya patatalo!

    "Hon, favorite mo ito, here" ang sabi ni Ace na humiwa sa pizza at isinubo iyun kay Autumn gamit ang tinidor.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now