Chapter 24

7.3K 237 23
                                    

The big day came, and everyone was so busy. At sa araw na iyun ay hindi pinabayaan ng mama at lola ni Ace si Autumn. Ngayon pa ba na dumating na ang pinakahihintay nilang araw.
     It's a good thing na kumuha sila ng wedding coordinator, dahil hindi sila nahirapan sa pag-asikaso. Sa isang hotel sila nag check-in sina Autumn, mama, at lola ni Ace. Samantalang sa family's house naman sina Ace, kasama ang papa nito at mga kapatid.
     At halos tatlong oras na inayusan si Autumn and after that ay handa na siyang lumabas ng hotel room kasama ang excited na mama at lola ni Ace.
     "You're so beautiful Autumn" ang naluluhang sabi ni mama Minerva, habang tinitingnan si Autumn, na suot ang napili nilang gown. Simple lang ang gown na napili nila at iyun din ang gusto ni Autumn, it was a tulle and lace scoop neckline mermaid wedding dress. The scoop neckline has a short cap sleeves, and the fitted bodice and the floor length skirt richly flared, on the floor with a chapel terrain. The whole dress was embellished with delicate lace appliques. At ang kanyang belo na gawa sa lace ay abot hanggang sa sahig.
     She did look like a virgin bride, at nang mga sandaling iyun ay nakaramdam ng kaba si Autumn. Tama ba ang ginagawa niya? Ang tanong niya sa sarili. Para kasi siyang nakokonsensiya at ginamit niya si Ace at niloko pa nila ang mga magulang nito. But still, pareho lang naman sila ni Ace hindi ba? Pareho silang nalagay sa alanganin at pareho nilang ginamit ang sitwasyon. Pero mas nakakuha lang siya ng advantage.
     Hindi Autumn, walang masama sa ginawa mo! Ang giit ni Autumn, ito na ang araw, hindi na dapat pa siya magdalawang isip, ngayon pa na nakaramdam na siya ng kalayaan nitong mga nakaraang araw, ngayon pa siya aatras?

     Duamating na ang araw, napabuntong-hininga si Ace habang tiningnan ang sarili niya sa salamin. He wore a double-breasted black suit with trousers at tinernuhan niya ng bow at black leather shoes. He looked so goddamn good, ang sabi niya sa sarili. Pero kabaligtaran ng nadarama niya sa kanyang kalooban. He felt defeated.
    Busy sa loob ng bahay, silang magkakapatid at papa niya ang naiwan sa bahay, kasama ng isang stylist at photographer. Para kunan sila ng litrato. Everyone was excited and happy except for him, the groom.
     Maya-maya ay nilapitan na siya ng assistant wedding coordinator, para sabihin na kailangan na nilang magpunta sa simbahan. With a heavy heart and body he tried to walk papalapit sa kanyang sasakyan. And he wearily went inside his car and drove slowly papunta sa simbahan.

   
      Everything was ready, nasa loob pa rin ng bridal car si Autumn, dahil hindi pa siya sinasabihan na bumaba ng kotse. Kinakabahan siya, sobra ang lagabog sa kanyang puso. Maya-maya pa ay kinatok na ng coordinator ang pinto ng kotse at binuksan iyun.
     "We're about to start, nagsisimula na ang wedding march" ang sabi sa kanya ng coordinator at tinulungan siya nito na bumaba ng kotse. Then suddenly lumapit sa kanila ang kanyang daddy para tulungan siya.
     "Thanks dad" ang sabi niya sa ama.
     At sa unang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti ang ama sa kanya at tinapik – tapik ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito. Nang nga sandaling iyun ay di napigilan ni Autumn ang hindi yakapin ang ama. This was worth it, ang sabi ng isipan ni Autumn, to see his dad smiled that way, made all her decisions worth it.
     "Come on" ang sabi sa kanya ng kanyang daddy na bumalik na naman sa pagiging stern nito. Pero hindi na nito mabubura ang ngiti na nakita niya kanina sa mga labi nito. Nakatatoo na ito sa kanyang isipan.


      Ace was standing in front of the aisle, katabi niya ang kanyang kapatid na lalaki na sumunod sa kanya bilang best man. Nag-umpisa na bridal procession. Simula nang gabi na nagkasama sila sa kanyang kwarto, iyun na rin ang huling beses na nagkita sila. Maaga pa lang ay umalis na siya agad at hindi na niya hinintay na magliwanag.
     Hindi na niya kayang matagalan ang kanyang nadarama nang mga sandaling iyun. Natatakot siya, kaya minabuti na niyang umalis at mapalayo muna kay Autumn.
     Pero paano na niya matatakasan ang kakaibang damdamin na dulot sa kanya ni Autumn kung simula na nga sa araw na iyun, ay tuluyan na silang magiging isa at magkasama? Paano pa siya tatakas?
     At muli na namang nagbalik ang kabog sa kanyang dibdib nang masilayan na naman ng kanyang mga mata si Autumn. And she looked so goddamn beautiful! Habang papalapit itong naglalakad na nakasimple wedding dress na may mahabang belo, kasabay nito sa paglalakad ang kanyang daddy na Americana rin.
     Pero naglaho sa kanyang mga mata ang daddy ni Autumn, at nakatuon na lang ang kanyang tingin sa babaeng naglalakad papalapit sa kanya. Hindi na niya mapigilan ang malakas na lagabog ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Ang pakiramdam na unti-unting nagiging pamilyar na sa kanya. At kinatatakutan niya.
     Bigla niyang nadama ang isang kamay na humawak sa kanyang balikat, kaya sandaling naputol ang kanyang tingin kay Autumn, lumingon siya sa kanyang tabi at nakita niya ang kanyang papa, na malapad ang pagkakangiti sa kanya. At ang sumunod nitong ginawa ay ikinabigla niya. Kinabig siya nito papalapit at niyakap siya ng mahigpit. And it felt so goddamn good!
     "I'm so proud of you son" ang bulong nito sa kanya, sabay tapik sa kanyang balikat. Hindi makapaniwala si Ace sa narinig, all these time he strived hard to caught his father's approval, at kahit anong gawin niya ay wala siyang nakuhang praise sa ama, kaya minabuti na lang niyang huwag nang subukin pa na kunin ang papuri ng ama, at maging second best na lang sa kanyang pinsan.
     But now? He could see the tears in his father's eyes, and it caught his breath. Pinahid ng kanyang papa ang luha sa mata at tinapik ng malakas ang kanyang balikat at pinalitan na iyun ng isang malapad na ngiti.
     Now, how can he even backout, how can he even tell his dad that he was a failure and all of this happened dahil sa isang gabi ng kalokohan niya na kung hindi dahil sa naisip na palusot ni Autumn ay tuluyan ng nasira ang pangalan ng pamilya niya.
     "Thanks pa"ang tangi niyang nasabi sa kanyang papa. At muli siyang lumingon kay Autumn na ilang hakbang na lang ay nasa harapan na niya.
     Ilang sandali nga ay nasa harapan na niya si Autumn, hindi pa niya masyadong maaninag ang mukha nito mula sa suot na belo. Pero alam niya at saulado na ng kanyang isipan ang maamong mukha nito.
     Kinamayan ng daddy ni Autumn ang papa ni Ace bago nito iniabot ang mga kamay kay Ace, at nang inabot niya iyun ay isang mahigpit na handshake ang isinagot nito sa kanya.
     Hinalikan naman ni Autumn sa pisngi ang mama at lola ni Ace na lumapit sa kanya at ganun na rin ang papa ni Ace.
     "Welcome to the family iha, it's finally official" ang bulong nito sa kanyang tenga.
     "Thank you" ang tanging naisagot ni Autumn. At iniabot na nga ng kanyang daddy ang kanyang kamay kay Ace. Sandali pa silang nagkatinginan ni Ace, sa likod ng suot niyang belo ay dama niya ang mga mata ni Ace na mainit na nakatuon sa kanya. Galit pa rin ba ang nararamdaman nito? Ang tanong ni Autumn sa sarili. At bakit naman hindi, tuluyan ng mababago ang kanyang buhay ngayon araw na ito.
     Ace looked at her eyes through her lacy veil, he knew her eyes, beyond those glasses were very expressive. Ngayon ay hindi niya masyadong mabasa ang nasa mga mata nito dahil na rin sa suot nitong belo. Pareho ba sila ng nararamdaman ngayon? Takot? Kaba? O pananabik? Hindi rin niya alam, dahil siya mismo ay naguguluhan sa kanyang damdamin.
     Ace took her hand and guide her towards the altar, inalalayan pa niya at inayos ang belo ni Autumn sa likod nito bago siya tumayo sa tabi nito.

     At pagkatapos ng mahabang seremonya ng kasal, ang pinakahihintay ng lahat ay ang first kiss nila bilang Mr and Mrs DuPont.
     Hinawakan ni Ace ang laylayan ng belo ni Autumn ay itinaas iyun, and he instantly caught her breath, damn, she's so beautiful! Ang sabi ng isipan ni Ace habang nakatingin sa mukha ni Autumn na namumula na ang mga pisngi, dahil sa hinihintay ng lahat ang kiss nila. Well hindi ito ang first time na mahahalikan niya si Autumn. And ito rin ang pinakahihintay niya, yes! He wouldn't deny the fact that he wanted to taste those lips again.
     Hinawakan ni Ace ang bewang ni Autumn and he gently pulled her close to him, at ang isang kamay pa niya ay inilapat niya sa likod ni Autumn. And he slowly dipped his head, to seal his lips unto hers.
     Autumn saw Ace's head slowly bending down to hers, and she closed her eyes until she felt his lips meld into his. It was gentle and sweet. At inakala ni Autumn na mabilis lang ang halik, pero naramdaman niyang mas idiniin pa ni Ace ang mga labi nito sa kanya at hinila pa siya nito papalapit sa kanya. She immediately put her hands on his shoulders and she felt Ace's tongue skimming her lips, seeking for entrance.
     Napaungol si Ace ng ibuka ni Autumn ang mga labi nito sa kanya, his head was pounding loudly, dahil sa muli niyang natikman ang matatamis na labi ni Autumn. At lalo na ng ibuka nito ang bibig para sa kanya, at agad niyang ipinasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Autumn. And he pulled her closer to him.
     Bumalik lang sila sa realidad ng marinig nila ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng simbahan at biglang hinila ni Ace ang kanyang ulo at gulat na tiningnan sa mga mata si Autumn.
     They turned to look at the cheering crowd at napadpad ang kanyang mga mata kay Deven kasama nito si Rain at kita ang malalapad na ngiti sa mga mukha nito. At napailing pa si Deven sa kanya dahil sa halik na halos nakipagtalik na ang mga labi niya kay Autumn.
     Deven gave him a thumbs-up at pumalakpak ito sa kanya. Kaya napailing na rin lang si Ace at gumanti ng ngiti sa kaibigan.

   
     Natapos din ng masaya at maayos ang halos limang oras na wedding reception. At nang mapansin ni Ace na hapon na ay nilapitan na niya ang kanyang mga magulang at may ibinulong ito. Agad naman na tumangu-tango ang mga magulang ni Ace at ganun na rin ang ginawa ni Ace sa daddy ni Autumn nagpaalam na ito at muling kinamayan ng PNP chief si Ace.
     Lumapit na si Ace kay Autumn at bumulong din ito sa tenga ni Autumn, "let's go it's getting late" ang bulong ni Ace.
     Para namang nabunutan ng tinik si Autumn nang magyaya ng umuwi si Ace, she really enjoyed the reception but she's getting really tired, and she wanted to take a rest.
     Masayang nagpaalam sina Ace at Autumn at binanggit pa ni Ace sa mga bisita na kailangan na nilang magpaalam dahil naghihintay na ang kama sa kanilang honeymoon suite. At dahil doon ay isang hiyawan na naman ang namutawi sa mga bisita at namula na naman ang mga pisngi ni Autumn dahil sa sinabi ni Ace.
     Inalalayan siya ni Ace palabas ng venue at isinakay siya nito sa kanyang SUV, nang makaupo na siya sa passenger side ay agad na sumakay si Ace sa driver's side at pinaandar ang SUV.
     "Thank you Ace" ang sabi ni Autumn kay Ace.
     "What for?" ang takang tanong ni Ace kay Autumn at napasulyap pa siya rito.
     "Gustong-gusto ko na talagang magpahinga, I'm not used to this kind of big events, nakakapagod pala" ang sabi ni Autumn.
     "Huh, medyo matatagalan pa bago ka makapahinga ng maayos Autumn" ang sagot ni Ace, sabay tingin nito sa kanyang relo at nakitang alas singko na ng hapon.
     "Why?" ang takang tanong ni Autumn, pero hindi sumagot si Ace at nanatiling tikom lang ang bibig nito.
     Hindi na nag tanong pang muli si Autumn at isinandal na lang niya ang kanyang pagod na likod sa backrest ng upuan. Ilang minuto na silang bumibiyahe ng mapansin ni Autumn na nasa Highway na sila.
     "Where are we going?" ang takang tanong ni Autumn.
     "Baguio" ang matipid na sagot ni Ace.
     "Baguio? Why?" ang muling tanong ni Autumn.
     "Honeymoon of course" ang simpleng sagot ni Ace.
     "Honeymoon?!" ang gulat at di makapaniwalang tanong ni Autumn.
     "Anong nakakagulat doon, syempre kapag may kasal may honeymoon, at sina mama ang pumili ng lugar para sa atin, sa Baguio, dahil daw malamig, at masarap MAGPAINIT" ang sagot ni Ace na ngumiti pa ng pilyo kay Autumn.
     "Pero hindi pupwede!" ang giit ni Autumn.
     "Bakit hindi? Hindi ba ikaw ang naka isip ng ideya na ito? So might as well, lubus-lubusin na natin, I mean kahit ayaw ko, hindi na ako makakatanggi sa perks ng pagiging may asawa" ang muling sabi ni Ace sa kanya at ngumiti pa ito ng pilyo sa kanya sabay tawa ng malakas, yung tipong nananakot. At mabilis pang nagtaas baba ang kilay nito.
     Kaya sa halip na magalit ay natawa na lang si Autumn, mukha naman kasing nagbibiro lang si Ace. Kaya napailing na lang siya. At idinikit ang kanyang ulo sa upuan at unti-unting pumikit ang kanyang mga mata hanggang sa siya'y makatulog.
     Ace glanced at her, at isang mahinang tawa ang lumabas sa kanyang bibig, "sleepy head" ang bulong niya at napailing na lang. She's like a child on a woman's body. But she's intelligent and very alert. But still she's so naïve and innocent. At lahat ng iyun ay nagpapadagdag sa karisma ni Autumn. At natatakot siya sa bawat sandaling mas lalo niya itong nakikilala, dahil ayaw niyang unti-unting mahulog kay Autumn.
    

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now