Chapter 7

8K 210 6
                                    

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Autumn habang naglalakad sa kahabaan ng isang malaking mall. Bitbit ang isang milk tea, nagpapalinga-linga siya sa magkabilang side, na para ba siyang isang bata na ngayon lang napagmasdan ang kanyang paligid.
Pero, yun ang kanyang pakiramdam ng mga oras na iyun, sa tuwing lumalabas kasi siya, ay may oras siyang dapat na sundin, kaya hindi niya nagawa kailanman ang mamasyal yung, biglaang alis ng bahay ng walang destinasyon sa isipan, yung kung saan ka na lang dadalhin ng iyong mga paa? Ngayon, ay alam na niya ang pakiramdam, kahit pa panandalian lang ito, ay masaya siya dahil sa unang pagkakataon ay nagawa niyang umalis ng bahay ng hindi nagrereport sa kanyang ama.
Napansin ni Autumn ang isang naka jacket na lalaki at nakahood din, naglalakad iyo, pasalubong sa kanya, hanggang sa makalagpas ito. Nagtaka na siya ngayon, dahil, sigurado siyang nakasalubong niya ito kanina, at pangatlong beses na iyun.
Hindi siya pwedeng magkamali, napansin niya ang lalaki, dahil sa patchwork ng jacket nito na nasa left side, isa itong dragon na may nakapulupot na ahas. Binilinan siya ng kanyang ama, na maging mapagmasid sa tuwing nasa labas siya, pero dahil sa sobrang katuwaan ay nakalimutan niya itong gawin. At ngayon na lang bumabalik sa kanya ang instinct na iyun.
She sipped the straw of her milk tea, at nagkunwari siyang sinundan ng tingin ang isang babae na may dalang aso, nagkarun siya ng dahilan, para makalingon sa kanyang likuran ng di nahahalata. At napagtanto nga niyang tama ang hinala niya, nang makita niyang sumusunod sa kanya ang lalaki.
Bigla na siyang kinabahan, wala pa namang nakakaalam kung nasaan siya, pero ayaw naman muna niyang tawagan ang kanyang daddy, at baka mag higthen alert ito, at magpadala ng swat team para sa kanya, tapos nagkamali lang pala siya.
Baka naman magagawa niyang makatakas sa pag sunod nito, ang sabi ni Autumn sa sarili. Habang kalmado pero unti-unti na niyang nilalagyan ng liksi ang kanyang bawat hakbang. Ayaw naman niyang mapuna ng sumusunod sa kanya na, napansin na niya ito, at tinatakasan na niya, dahil baka bigla itong kumilos ng masama sa kanya.
Kunwari siyang huminto sandali para itapon ang plastic na baso ng milk tea, kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang kamay. Napansin din niya na huminto sa paglalakad ang lalaki.
Nagsimula na siyang maglakad muli, at ngayon naman ay humalo na siya sa maraming grupo ng tao, may mahabang pila na naghihintay ng taxi at grab.
Nang makakuha siya ng tiyempo, ay binilisan na niya ng husto ang mga hakbang at paminsan na tumatakbo siya. Lakad - takbo ang kanyang ginawa. At paminsan na lumilingon siya, at kita niya pa rin mula sa malayo ang imahe ng lalaki, patuloy pa rin ito sa pag sunod sa kanya.
Malakas na ang kabog sa kanyang dibdib, pero pinigilan niya ang matakot, hindi siya makakapag - isip ng maayos kung mauunahan siya ng takot.
Sa lakad-takbo na kanyang ginawa, ay napadpad na siya sa linya ng mga condominiums, marami na rin ang tao na nasa labas, mga naglalakad papasok at palabas ng mga condominiums. Humalo siya ulit sa maraming tao, pero paglingon niya ay nagulat siya ng makita na nalalapit na naman ang lalaking sumusunod sa kanya.
Hanggang sa may nakita siyang grupo ng mga babae na palabas ng isang condominium, pasakay ang mga ito sa isang malaking van, mabilis na humalo si Autumn sa mga babae at sumakay sa van, para matakasan ang lalaki.
Autumn was praying so hard na hindi siya nakita ng lalaki, at halos lumabas na ang puso niya sa kanyang dibdib, dahil sa lakas ng lagabog nito, lalo na at hindi pa umaalis ang van.
Please umalis ka na! Ang sabi ng isipan ni Autumn. At hindi niya napansin na kanina pa siya nakapikit. Narinig niya ang pagtatanong ng driver kung kumpleto na ang lahat at sumagot ang mga babae ng oo. Kaya nang umandar na ang sasakyan ay halos ibuga ni Autumn ang hininga na kanina pa niya pinipigilan.
Pagdilat niya ay nakatingin ang lahat ng babae sa kanya, tila ba kinikilala siya ng mga ito, at nagtataka kung bakit siya naroon sa sasakyan.
"Bago ka ba?" ang tanong ng babaeng katabi niya, na pinagmasdan siyang maigi.
"Ah, o, oo, bago lang ako" ang sagot niya, at pinigilan niya ang nerbiyos na kanyang nadarama.
"Ah, siya siguro yung sinabi ni mamang na may bagong darating" ang sabi ng isa pa.
"Anong pangalan mo?" ang tanong ng mga babae sa kanya, na mukhang magkakakilala na, at siya lang ang natatanging bago sa kanila.
"May" ang sagot niya gamit ang huwad na pangalan, at ngumiti ng matipid sa mga ito.
"Mukhang bago nga, mahiyain pa, ikaw siguro yung virgin ano? Mahal ang pagkakakuha sa'yo" ang sagot pa ng isa.
"Bakit ganyan pati ang damit mo?" ang takang tanong ng isa sa mga babae.
Tiningnan ni Autumn ang suot na damit at ikinumpara niya sa mga suot ng babaeng kasama niya sa loob ng sasakyan.
They were all wearing revealing dresses, low necklines and body fitting clothes, na litaw na litaw ang magagandang hubog ng mga katawan nito. They were all wearing make up, pero classy ang dating hindi trashy. And their skin were all glistening smooth, na para bang mga salamin.
Siya? Mukha siyang naghahakot ng basura sa Roxas boulevard, ang sabi ni Autumn sa sarili, ang buhok niyang kulot was already in riots. She consciously ran her hand sa kanyang buhok. Pero di na niya ginawa pang ayusin ang buhok, sa lagay ng buhok niyang yun, wala na siyang magagawa pa.
"Ahm, my employer wanted me to look this way" ang sagot niya at kahit pa nagtaka siya sa sinabi ng babae na mahal ang kuha sa kanya at isa siyang virgin.
Ang kanyang sinabi ay nagdulot ng palitan ng tingin sa pagitan ng mga babae at malakas na tawanan.
"Wow! Ang ganda na ng terminology ngayon, employer" ang biro ng isa.
"Well, sa laki ng binayad ng employer mo sa iyo, natural lang na sumunod ka" ang sagot ng isa.
Kumunot lang ang noo, ni Autumn, ano naman kaya ang trabaho na naghihintay sa kanya o sa babaeng inakala na siya? At gaano naman kaya kalaki ang ibinayad sa babaeng iyun.
Napabuntong-hininga si Autumn, nakatakas siya sa kaninang humahabol at panganib sa buhay niya, ngayon naman ay kailangan niyang makagawa ng dahilan para makatakas naman siya sa trabahong nasubuan niya. Sigurado naman na kapag, nakita ng employer na hindi siya ang babaeng na hire, ay maipapaliwanag niya ang lahat. At sa tingin naman niya na maintindihan ng employer ng babae ang kanyang paliwanag.
Sandaling nawala ang kanyang pangamba, at tumingin na lang siya sa labas ng bintana, napansin niya ang hilera ng mga malalaking hotels at casino sa lugar kung nasaan na sila.
Maya-maya pa ay huminto na ang van. At may nagbukas ng pinto ng van mula sa labas, isang lalaki na malaki ang katawan. Agad na nagbabaan ang mga babae, hinintay pa muna ni Autumn na makababa na ang lahat bago pa siya bumaba. Napansin niya na nasa parking lot sila at nasa likod ng isang malaking building. Hindi niya alam kung anong establishment sila naroon, pero hindi na niya nagawa pang pagmasdan ang kanilang paligid, dahil may humawak na babae sa kanyang braso at hinila na siya para sumunod sa mga ito, na papasok sa loob ng building.
"Ah, sandali lang" ang sabi ni Autumn at magpapaliwanag na sana siya, na nagkamali lang siya pero hindi na niya nagawa.
"Halika na, makakagalitan tayo, nasa loob na ang mga employers natin" ang sagot nito sa kanya.
"Pero sandali lang, hindi kasi ako"-
Tumigil ito sandali at tiningnan siya pero hindi nito binitiwan ang kanyang braso, "girl, sa simula lang yan, matatanggal din ang kaba mo, halika na" ang sabi nito sa kanya.
"Hoy, kayong dalawa, bilisan ninyo, nasa lobby na ang mga guests pumunta na kayo sa mga kwarto ninyo" ang sabi ng lalaking malaki ang katawan.
"Tex, ito yung bago na pre order" ang sabi ng babae sa lalaking malaki ang katawan.
Nakakunot ang noo ng lalaki na pinagmasdan si Autumn, na para bang, ito ba yung binayaran ng malaki? Ang sabi ni Rain sa sarili ng makita ang reaksyon ng mukha ng lalaki na takang-taka ng makita siya.
"Sige diretso ko na ito doon" ang sagot ng lalaki sabay hawak sa braso ni Autumn at hinila na siya papasok. Nakaramdam na ng kaba si Autumn, nang pagpasok sa building ay nawari niya na nasa loob siya ng tila isang hotel.
At mas lalo siyang kinabahan ng inihiwalay siya sa grupo ng mga babae, at halos hilahin na siya pataas ng lalaking may hawak sa kanya. Siguro kung pwede nga lang na buhatin siya nito ay ginawa na nito.
Sa hagdan siya nito idinaan at hindi sa elevator, mukhang daanan ng mga employee ito ng hotel.
"Wait sandali lang" ang pagpupumiglas ni Autumn pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki at sa laki ng mga braso nito ay sa tingin niya na kaya nitong baliin ang kanyang mga braso gamit ang mga kamay lang nito.
"Huwag kang mageskandalo rito, makikita mong hinahanap mo" ang banta sa kanya ng lalaki.
Lumakas na ang kalabog ng kanyang dibdib.
"Pero nagkakamali po kayo" ang giit niya.
Nagsingasing ang lalaki, "ganyan naman kayo sa una, ang laki ng binabayad sa mga katulad ninyo" ang sagot lang ng lalaki sa kanya, "huwag mo akong pahirapan kung hindi patutulugin kita" ang muling banta nito sa kanya.
No hindi dapat mangyari iyun, ang takot na sabi ni Autumn sa sarili, kailangan ay alam niya ang lahat ng mangyayari, kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumahimik.
Hindi na niya napansin kung nasaang floor na sila, pero huminto na sila sa pag-akyat, at naglakad sa mahabang pasilyo at hindi na siya nagkakamali na nasa isang hotel nga sila.
Nasa pinakadulong kwarto sila nagtungo at binuksan nito ang isang pinto, bukas na ang ilaw sa loob pero medyo dim ito.
Halos ihagis siya ng lalaki sa loob, "wait! I need"-
"Maghintay ka diyan" ang sagot nito sa kanya sabay sara ng pinto. Mabilis siyang lumapit sa pinto at kinatok iyun. At narinig niya ang isang beep mula sa labas, tila tunog ng isang lock.
She tried the door, pinihit niya ng pinihit ang knob, pero di ito bumukas. Kinatok niya itong muli, "hey! Nagkamali kayo!" ang malakas niyang katok sa pinto mula sa loob. Ilang minuto pa niyang ginawa iyun, pero walang nagbukas para silipin man lang siya sa loob.
O my god! Ano bang napasukan niya? Ang takot na tanong ni Autumn sa sarili, she wrapped her arms around herself. She needed to calm down, tatawag na ba siya sa ama? She doesn't have any choice kailangan niyang tawagan ang ama para humingi ng tulong.
Binuksan niya ang zipper ng kanyang bag, isinuksok niya ang kamay sa loob, at nanlaki ang kanyang mga mata, dead bat na siya, nakalimutan niyang dalhin ang power bank niya sa kamamadali.
Nanlambot ang buong katawan ni Autumn, ano na ang gagawin niya? Lumapit siya sa kama at naupo, she tried to held back her tears. Anong gagawin niya anong gagawin niya.
Then she heard the beeping sound mula sa labas, she turned her head towards the door, at tumayo na siya, she braced herself na harapin kung sino man ang papasok sa pinto.
At nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang tao sa loob, nanlaki ang mga mata ni Autumn, oh no, now she's in deep trouble, ang sabi niya sa sarili.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedWhere stories live. Discover now