Ice Princess Chapter 8

201 7 1
                                    

Nagising si Zaida nang marinig niya ang ring ng door bell sa labas.
Pinilit niyang bumangon mula sa mahimbing na pagkakatulog. Inaantok siyang tumayo at mabigat ang kanyang mga binti habang naglalakad siya papunta sa may living room.

Nagkataong napatingin siya sa may wall clock. Quarter to eight am. Kaya pala, halos alas kwatro na ng umaga siya nakatulog, dahil nakangiti niyang iniisip si Luis habang nakahiga.

Sino naman kaya ito, umagang-umaga?

Di kaya si Luis ang tao sa labas? Ngumiti si Zaida sa sarili, iniisip na baka may dala itong pang-agahan.

Nang makarating siya sa pintuan, binuksan niya ito, at si Alyx ang bumungad sa kanya.

"Hi Ate Z, I have breakfast here," nakangiting bungad nito. "Kain tayo dito."

Agad nabura ang ngiti ni Zaida sa kanyang mga labi.

"Ay, ikaw pala," panghihinayang nito.

"Teka, bakit mukha kang disappointed?" puna ni Alyx sabay pasok sa loob. Dumiretso siya sa may dining table at inihanda ang mga pagkaing dala.

Nagtungo muna si Zaida sa bathroom para magsipilyo at maghilamos. Bumalik siya sa dining table at naupo na sa tabi ni Alyx.

Nakita niya ang mga dalang pagkain ng dalaga. Tig-isa sila ng breakfast meal na scrambled egg, dalawang toasted bread, isang piraso ng flat sausage, at tig-isang cup ng brewed coffee.

Walang imik na kumain si Zaida. Iniiwasan niyang makipag-usap kay Alyx. Alam niya na tutuksuhin siya nito, pero sa ngayon ay wala siyang lakas ng loob para pag-usapan ang tungkol sa kanyang namumuong damdamin para kay Luis.

"Kanina ka pa mukhang dismayado diyan," ika ni Alyx.

"Hindi ah," pagtanggi ni Zaida, sabay inom ng kanyang kape mula sa paper cup.

"Related ba ito sa nangyari kagabi with Sir Luis?"

Tinignan ni Zaida si Alyx sa tabi. Pigil ang mapang-asar na ngiti nito.

"Hindi ah." Kinagat ni Zaida ang kanyang tinapay na may palaman na flat sausage.

"Kaya pala ang tahimik mo ngayong umaga!" Biro ni Alyx. "Either it went well or something bad happened. That explains the long face you have right now. You're hiding something."

"I don't want to talk about it." Zaida rolled her eyes.

"Kunwari ka pa! Bakit ka mukhang disappointed nang salubungin mo ako sa may pintuan?"

"Can you just stop asking me questions?" Zaida snapped.

"Ah sige, tatahimik na po ako, mahal na Ice Princess." Alyx giggled and continued to eat.

Nagpatuloy silang kumain. Pinag-isipan ni Zaida kung ikukwento ba niya ang mga nangyari kagabi kasama si Luis.

Alyx is so talkative. Part of me wants to tell her, but another part of me wants to keep it hidden. But I won't lose anything by talking about it. Si Alyx naman ito.

"Anong plano mo today? It's Saturday," panimula ni Zaida.

"Wala naman. Rest day ko hanggang bukas," mahinahong sagot ni Alyx. "Let's ride a ferry boat to Hong Kong and shop!"

"Can it be next time? I don't want to go out beyond this area," tugon ni Zaida.

Tinignang mabuti ni Alyx si Zaida.

"Your glow looks different this morning. Hmmm, masungit ka today pero ang blooming mo pa rin!" Alyx cupped her chin and stared intently at Zaida.

"It's just the light outside," tinuro ni Zaida ang bintana sa kitchen.

"Weh, rosy cheeks pa more!" ngisi ni Alyx. "Bagay rin sa iyo messy bun at ang pantulog mong tank top at shorts.  Let me take your picture and send it to Sir Luis!"

Ilalabas na sana ni Alyx ang kanyang Iphone pero pinigilan siya ni Zaida.

"Stop it!"

"I'll just test my new Iphone 11, Ate Z! Di ko ipapadala kay Sir Luis!"

"Okay, fine, I'll talk about it!"

Nanahimik si Alyx. Inilapag niya ang kanyang bagong Iphone sa lamesa. Zaida took a deep breath.

"Akala ko kasi, si Luis yung nag-doorbell kanina. Tapos ikaw lang pala."

"Kaya pala dismayado ka!" Natawa si Alyx.

"We had a great time last night." Hindi mapigilan ni Zaida ang kanyang ngiti.

"Kaya naman pala ang tahimik!" Alyx winked at her. "Did something happened?"

"Wala pa! I'm not that easy, you know. But..."

Zaida lowered her voice and leaned against Alyx as she continued.

"I danced with him and we kissed at the dance floor."

Nanlaki ang mga mata ni Alyx.

"What?! Wait, tama ba narinig ko?!"

Zaida could only nod her head shyly.

"Oh my gosh, Zaida!" Rinig sa buong unit ang kinikilig na si Alyx.

"After that, I'm the one kissing him." Ramdam ni Zaida ang pamumula ng kanyang mga pisngi. "Sa hotel terrace at nang ihatid niya ako dito."

"Ohmaygahd!" Alyx squealed. "Teka, I can't breathe! And you just told me you weren't easy!"

Tuluyang natawa si Zaida sa reaksyon ni Alyx. "Kumalma ka diyan! I just realized na may lisensiya na akong lumandi."

"Finally! After so many many years!"

Napayakap si Alyx sa kinakapatid.

"Mas kinikilig ka pa kaysa sa akin," biro ni Zaida.

"Siyempre, sa tinagal-tagal kitang nakasama, ngayon ka lang nag-open up nang ganito! Bet mo pala si Sir Luis!"

"Matagal na." Zaida looked away smilingly.

"Kailan mo na-realize? Sana dati mo pa sinabi."

"When I was in Kerle. I told him I wanted to come back alive for him. Two years akong nagkimkim. I'm glad I'm alive right now."

Alyx poked her ribs. "Bumubwelo ka pala ah!"

"Nahihiya nga akong magsabi. Pero dati pa, I was starting to feel something for him, and I was too hesitant to admit it. Di ba, sabi ko bawal tayo umibig sa mga taga-Earth?"

"You just ate your own words, Ate Z. But I'm so happy for you! My ship is sailing!"

Tumayo si Zaida at kinurot si Alyx sa pisngi. "Ship pa more!" tawa niya.

"Pero kayo na since last night?" Tumayo si Alyx at sinundan si Zaida sa kanyang kwarto.

"Obviously, yes," ngisi ni Zaida sabay upo sa gilid ng kanyang kama.

"Yihee!" Alyx sat beside her and gave her a hug.

"Pero may isa akong inaalala."

"Alin iyon, Ate Z?"

"Hindi ko alam kung anong plano ko dito sa Earth. I don't know what to do with that job offer from the other hotel. If I accept it, this means long distance relationship for us. If I decide to return to the Philippines to be with him, mas mahirap kumuha ng trabaho doon. We're still starting to know each other. There's a part of me that wants to explore the possibilities, but, I want him to be in the picture."

Nagbuntong-hiniga si Zaida. Pinasandal ni Alyx ang kinakapatid sa kanyang balikat at sinabing:

"Better discuss this with him. Mas maiintidihan ka niya, lalo na kung gusto ka niyang makasama. Whatever your decision is, I'll support both of you."

Tinignan ni Zaida si Alyx. Her presence comforted her. She could only smile in return.

Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon