4th Star: The Little Corner

2.5K 69 13
                                    

May part-time job si Alyx sa isang coffee shop bilang isang barista. Hindi man ito kalakihan gaya ng ibang mainstream na coffee shop ay maayos naman ang kita dito. Tuwing Miyerkules ng gabi ito pumapasok kapag weekdays, at idagdag na rin ang Biyernes at Sabado ng gabi.

The Little Corner ang pangalan ng nasabing coffee shop. Malapit ito sa kanyang unibersidad, kaya dito niya napiling magtrabaho. Ito ang kanyang paraan para magkaroon ng sariling kita at mag-obserba na rin ng mga tao. Puro mga estudyante at empleyado ng unibersidad ang mga pumapasok dito para mag-aral at magkape, kaya pamilyar na kay Alyx ang mga regular customers.

Mocha frappe with whipped cream para sa nerdy guy na naka-nursing uniform, Cafe Americano at baguette para kay Sir Daryl na prof ng Humanities, at Matcha Green Tea para kay Camille na classmate ko sa Filipino 2 years ago.

Ito ang mga inorder sa kanya ng mga pumasok ngayon sa Little Corner.

"Girl, spaced out ka na naman!"

Naramdaman ni Alyx ang marahan na tapik sa kanyang balikat. Lumingon siya at nakita ang kapwa barista na si Meryl.

"Ikaw pala," ngiti ni Alyx.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo," tapik ni Meryl sa kanyang balikat. "Huwag mo masyadong isipin thesis niyo, kahit naman ako problemado. Pinapaulit ng adviser namin ang related literature! Hmp!" Sumimangot ito.

"Naku, wala naman akong problema sa thesis. At yung sa related lit mo, sa mga libro ka rin maghanap, mas credible iyon kaysa sa Internet. Though pwede rin naman online scholarly journals, basta reliable ang mga writers," nakangiting payo ni Alyx.

"Ang talino mo talaga, thanks sa payo." Umaliwalas na ang nakasimangot na mukha ni Meryl.

"Guys, may umo-order ng frappe," tawag sa kanila ng manager.

"Ako na gagawa, girl," alok ni Alyx. "Your shift's over."

"Thanks Alyx!" Masayang tugon ni Meryl.

Lumakad si Alyx patungo sa counter. Agad niyang nakita ang customer. Isa itong binata na naka-long sleeves na sweatshirt at dark pants. Nakahawi ang buhok nito. Ngayon lang niya nakita ang binata.

"Good evening sir! May I have your order?" Automatic na nagpaka-cheerful si Alyx

"I would like a vanilla donut and an iced cappuccino," seryosong wika ng binata.

"May I have your name, sir?"

"It's Jade," sagot ng binata.

What a unique name for a guy, naisip ni Alyx.

Hinanda na ni Alyx ang order ng customer. Kumuha siya ng panibagong vanilla donut sa counter at nilagay ito sa isang platito. Gumawa na rin siya ng iced cappuccino at sinulat ang pangalang Jade sa plastic na cup.

"Here's your order. That will be two-hundred fifty pesos." Inabot ni Alyx ang tray sa counter. Kumuha ang binata ng saktong bayad at inabot ito kay Alyx. Pagka-punch ni Alyx sa cash register ay naupo na ang lalaki sa pang-isahan na lamesa dala ang kanyang order.

Star PrincessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz