6th Star: Getting To Know You

1.8K 49 31
                                    

"Jabe is my nephew. As I said, kakagaling lang niya for a project in Malaysia, and he's on sabbatical leave.  Kaya dito muna siya mamamalagi."

Pinatuloy ni Jabe sila Alyx at Zaida sa kanyang condo unit kasama si Luis. Kasalukuyan silang nag-uusap ngayon. Nagpabili pa si Luis ng isang bilaong pancit para pananghalian nila, kasama ng roasted chicken na dala ni Zaida para sa kanila ni Alyx. Sa hapag-kainan sila nag-uusap.

Napatingin si Alyx sa paligid. May mga balot na plastic ang mga kasangkapan, pwera na lang sa dining table at mga gamit sa kusina. Sana di siya magtagal dito. Napatigin siya kay Jabe na nasa harapan niya at katabi ang kanyang Tito Luis. Nang magkatinginan sila ay ngisi agad ang binata.

Umirap na lang si Alyx sa kanya. Small world. Of all places, why does he have to be here?

"Paano naman nakilala ni Alyx iyang si Jabe?" Curious na tanong ni Zaida.

"Erm..." Simula ni Alyx. Tinignan niya si Zaida sa tabi niya, na parang sinasabi sa mga tingin niya ay, ayusin mo isasagot mo.

"It was one hell of a meeting," simula ni Jabe.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakangiting tanong ni Luis.

"I met Alyx at this coffee shop near the uni and---"

"We met there," sagot agad ni Alyx. "That's it," ngiti niya. Tumitig siya kay Jabe na nanlalaki ang mga mata.

"Yeah, that's how it happened. I'm glad I already know someone here," tawa ni Jabe.

"Paano kayo related?" Tanong ni Alyx.

"His mom and me are siblings," sagot ni Luis. "Kuya ako ng mommy niya. Nasa states na ang parents niya, pero he wants to live and explore on his own."

"Interesting." Tumango si Alyx.

"Mag-ate kayo?" Pag-uusisa ni Jabe.

"Yeah," casual na sagot ni Alyx.

"Parang di kayo gaano magkamukha," obserbasyon ni Jabe.

Napalugok si Alyx. Naku, paano ako magpapaliwanag?

"We have different fathers," sagot ni Zaida. "She was orphaned back in high school, so I took her in, as her ate."

"Dakila ka pala, Zaida," ngiti ni Luis sa kanya.

"Nothing great about that, I accept our family situation," malamig na sagot ni Zaida. "It was never an issue with us."

"Kaya ideal girlfriend ko siya," dreamy na ngiti ni Luis kay Zaida.

"Uy, wala akong sinabi na sinasagot kita!" Ismid naman ni Zaida. "Mangarap ka pa!"

"Ma'am Zaida, libre lang iyon! Anong masama kung ikaw pinapangarap ko?"

"In your dreams, mister."

Natawa sila Alyx at Jabe. Nang magkatinginan sila ay napatigil agad si Alyx.

"Thanks for coming over, Tito. I missed Pinoy food," wika ni Jabe sabay kain ng pancit.

"Buti na lang sumama ako kay Ma'am Zaida." Hindi maikakaila ang galak ni Luis nang sinabi niya iyon.

"Ay, ako na naman ang nakita. Sa susunod ay huwag mo na akong sundan pa or ihatid. Entiende?" Pinitik ni Zaida ang kanyang mga daliri.

"Sinusundan ko lang ang pangarap ko," ngiti ni Luis sa kanya.

Ngumiti na lang si Alyx. Ayaw niyang ipahalata na gusto niyang magkasama sila Sir Luis at Ate Zaida.

---
Nakaalis na sila Alyx at Zaida sa condo unit ni Jabe. Nag-alok si Alyx na maghuhugas ng pinagkainan ngunit pinigilan siya ni Sir Luis. Sila na lang daw ni Jabe ang gagawa nito.

"Siya ba iyong lalaki na nasa coffee shop tapos nakaaway mo?" Tanong ni Zaida sa kanya.

"Siya yun, ate. Ang yabang talaga, vibes pa lang." Sumimangot si Alyx.

"Swerte mo kapitbahay natin siya." Di mapigilan ni Zaida ang matawa.

"Ikaw naman, kung makapang-asar! Tapos 'pag si Sir Luis, inis na inis ka." Sinagi ni Alyx si Zaida sabay pasok sa kanyang kwarto.

"Sunod ng sunod, parang lovesick puppy," Zaida spatted out habang sinundan niya si Alyx

"Yeee gusto mo naman!" Napaupo si Alyx sa kama.

"Hindi ah! No way!"

"Kunwari pa siya oh!" Napayakap si Alyx sa unan. Kinuha ito ni Zaida at pabiro siyang binatukan sa ulo.

"Hey! Violent ka na!"

Kinuha ni Alyx ang isa pang unan at binatukan din si Zaida. Nag-pillow fight tuloy sila ng wala sa oras.

"Ang lakas mo pala mambatok ng unan!" Tawa ni Alyx sabay higa sa kama.

"Huwag mong kalimutan, nasa Kerlian Army ako bago naging bodyguard," sagot ni Zaida. Napahiga siya sa tabi ni Alyx. Hawak pa rin ni Zaida ang unan at tinaas niya ito. Pumikit siya at unti-unting umangat ang unan mula sa kanyang mga kamay. Umabot ito hanggang sa kisame at bumalik ito kay Zaida.

"Whoa, may ganoong ability ka pala?!" Paghanga ni Alyx. "Telekinesis tawag diyan dito."

"Highly specialized ang training sa Kerlian Army. Kaya naming magamit ang isipan sa pag-control ng mga bagay. Pero bawal ito gamitin sa masama."

Tumagilid si Zaida at ngumiti kay Alyx. "Mukhang nabawasan na kalungkutan mo. Di na umaambon kapag madaling araw."

"Huh?" Naalala ni Alyx na may mga panahong umiiyak siya kapag di makatulog. Oo nga, umuulan nga.

"You have this ability to affect the weather whenever you're sad or happy. It rains whenever you're lonely. Ngayon naman maaraw kasi masaya ka sa pang-aasar sa akin," Zaida pointed out.

"Di naman, ate!" Tawa ni Alyx.

"You need to control your feelings. I can teach you meditation if you like."

"Pwede... Baka makatulong sa akin para maka-relax," payag ni Alyx.

Bumangon si Zaida. "Let's start today," wika niya.

Napaupo si Alyx at tinuruan na siya ni Zaida sa calming exercise na alam niya. Agad ngang nakapag-relax si Alyx. Mas nakahinga na siya ng maluwag pagkatapos ang isang session.

"That felt great." Huminga ng malalim si Alyx.

"Di mo naman naisip si Jabe sa kabila?" Biro sa kanya ni Zaida.

"Whoa, no!" Natawa si Alyx kahit na nainis siya nang kaunti. "Pero ikaw gusto mo si Sir Luis kasi gusto ka niya." Buti nakagganti rin siya sa pang-aasar. Ngayon lang niya natanto na medyo playful na si Zaida kumpara ng dati.

"No way will I like him!" Mariin na tanggi ni Zaida.

"Kaibiganin mo na. Baka sakaling matauhan kapag nakita na mataray ka."

"Sa kanya lang ako nagtataray! Mabait ako ah!"

"Kaibiganin mo baka mataas ang ibigay na grade sa amin sa thesis!"

"Favorite ka niyang student. Siguradong pasado ka na sa thesis niyo kahit di pa nangyayari ang defense!"

"Yihee kunwari pa si Ate Zaida!"

Natawa si Alyx habang hinahabol niya si Zaida. Nakarating sila sa living room at humablot si Zaida ng throw pillow para batukan ang kinakapatid.

For a short while, they were forgetting their problems and acting like kids. Parang magkapatid na rin.

(Itutuloy)

Star PrincessWhere stories live. Discover now