Ice Princess Chapter 3

258 10 0
                                    

What kind of life will I live here? Now that the Kerlian war is over, I don't know where I'm headed.

Tahimik na nagmumuni-muni si Zaida habang nakahiga sa isang puting sofa. Mag-isa siya ngayon sa isang apartment unit sa siyudad ng Macao.

Ang fully furnished unit na ito ay niregalo sa kanya ni Doleer, pagkatapos ng lahat ng kanyang nagawa para dito pati na rin sa anak niya na si Alyx. Tinanggihan niya muna ito noong una, pero pinilit ni Doleer na itong unit ay regalo sa kanya, at wala na siyang dapat bayaran bilang kapalit.

You've done so much for us, from Kerle until here, on Planet Earth. Consider this as my thank you gift. Sooner or later, you'll be living your own life. Time for you to think about it.

Buong buhay niya, ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Doleer bilang isang bodyguard at kanang kamay.

Lumaking ulila si Zaida hanggang sa inampon siya ng pamilya nila Doleer. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral, ay pumasok ito sa military force ng Kerle para maging sundalo.

Ngunit iba ang naging takbo ng kanyang kapalaran. Kahit nagamit naman niya ang kanyang natutunan sa training, mas pinaglaanan niya ng panahon ang pagiging bodyguard nila Doleer.

Isang beses lang siyang nakapagpaputok ng baril. Iyon ang panahong muntik nang mapaslang si Doleer. Papalabas sila sa isang gusali kung saan nagkaroon ng convention sa Kerle. Agad nahagip ng kanyang pandama na may umaaligid na assassin sa paligid.

Nakita niya ito sa gilid n kanyang mga mata, na nagtatago sa likod ng isang marble pillar. Magpapaputok na sana ang nasabing assassin, pero inunahan na itong tambangan ni Zaida.

Malaki ang naging pasasalamat ni Doleer, kaya tinaasan niya ito ng sahod at sa kanya na rin pinagkatiwala ang pangangalaga kay Alyx. Naging misyon niya na bantayan ito habang sila ay nagtatago sa Earth.

Now that the Kerlian war is over, where do I go from here? Siguro aplayan ko na ang sinasabing trabaho ni Alyx sa kabilang hotel. O kaya naman mag-travel, may ipon naman ako. Start a business? I'm not even business-minded. Train and apply for the military here? No, I realized I'm too tired to undergo training once again. Plus, I don't want to go to another war.

Naisip niya ang mga biro ni Doleer at ni Alyx na mag-asawa na siya. Pero kahit nobyo ay wala siya.

Sa katunayan nga, huli siyang nagkanobyo noong siya ay high school. Ito ang kayang first love.

Maayos naman ang kanilang puppy love relationship, pero nang siya ay pumasok sa military, ay nag-break din sila. Wala rin pinagkaiba ang love life ng mga taga-Kerle sa mga taong taga-Earth. Dahilan ni Zaida sa naging nobyo, di nila kakayanin ang long-distance relationship.

Pagkatapos nito ay wala nang sumunod pa na nobyo. Manliligaw, marami. Pero di niya natipuhan ang kahit isa sa mga ito. Sa ngayon ay di na siya umaasa pa na magkaroon ng kabiyak at buhay pamilya.

Totoong nilamon na siya ng kanyang naging trabaho. Hindi niya maisip kung sino talaga siya kapag hindi na siya ang bodyguard-slash-military woman na si Zaida Niraan.

Dito sa Earth, siya si Zaida Herrera, isang single na career woman na kinakapatid ni Alyx Sidew, o Alyx Hererra.

Who am I outside my identity as the hotshot lady bodyguard?

---

Nagising si Zaida kinabukasan pagkatapos makatulog sa kanyang sofa. Nag-inat ito at bumangon. Una niyang ginawa ay maglakad patungo sa kitchen at buksan ang coffee maker para mag-brew ng kape.

Nagtungo siya sa may oven toaster habang nakasalang ang brewed coffee, inabot ang balot ng loaf bread, at kumuha ng isang tinapay sa loob para i-toast.

Habang hinihintay na maluto ang tinapay, kinuha niya ang mobile phone na nakapatong sa dining table. Binuksan niya ang data connection at nag-browse muna siya sa kanyang Messenger.

May isang nag-pm sa kanya.

Luis Moran:

Hi Ma'am Zaida, musta ka na? Nakabalik ka na pala dito. Papunta ako diyan sa Macao. Alyx invited me for dinner at the hotel. See you soon. 😊

Her heart skipped a beat after reading his message.

Nakukulitan siya sa dati niyang kasama sa trabaho na si Luis. Aminado siya na di niya ito gusto.

Pero nakakamiss din pala ang kanyang presensiya at pang-aasar. She smiled at the thought of him and replied:

Yes, I'm back. See you soon. 😊

It didn't hurt to add a smiley emoji. She hit the send button and closed her eyes.

She felt a little flutter within her at the thought of seeing him again. Not that she liked him, maybe she just missed his presence at lahat ng kanyang kakulitan.

Star PrincessWhere stories live. Discover now