19th Star: Macau

847 26 2
                                    

Nag-agahan ang tatlong magkakasama sa McDonalds kinabukasan. Kailangan nilang magpunta sa ferry station bago mag alas-diyes, para makaabot sa byahe patungong Macau. Wala na silang balak mamasyal dahil biglaang byahe ito. Gusto lang nilang mahanap si Alyx at makausap.

Agad silang nagtungo sa ferry station. Sakto silang nakabili ng tickets at nakasakay naman sila sa ferry boat. Halos isang oras ang inabot nila sa byaheng dagat pa-Macau. Natulog ng kaunti si Zaida habang sa tabi niya ay nakikinig ng musika sa mobile phone si Jabe. Si Luis naman ay pilit iniiwas ang tingin kay Zaida. Pumikit na lang siya para makaidlip man lang.

Nakarating na sila sa Macau. Dumaan muna sila sa immigration at matiwasay naman ang kanilang pagpasok. Hinarang pa nga sila ng mga nagkalat  na tour guides sa airport.

"No thanks," tanggi ni Jabe.

Sinundan pa rin sila ng makulit na tour guide.

"No, we're not looking for a tour." Ngumiti si Zaida at tinaasan pa ng kilay ang tour guide sabay bilis ng lakad palayo. Sumunod sila Jabe at Luis sa kanya.

"Kulit nila ah," iling ni Jabe.

"Ayaw tayong tigilan," tawa ni Luis. "Buti nakuha sa tingin ni Ma'am."

Nagkatinginan sila Zaida at Luis. Natawa si Zaida sa kanya. "Kaya ikaw, huwag mo ako masyadong titigan. My stares can be deadly," biro nito.

"I don't mind getting killed by your stares," ngisi ni Luis.

Sumakay sila sa isang bus na dadalhin sila sa casino district. Buti na lang ay maaraw, kaya naisipan muna nilang maglakad-lakad. Nagtungo sila sa Senado Square, kung saan makikita ang Spanish-style architecture ng mga lumang gusali. Pinuntahan nila ang kalye kung saan maraming nagbebenta ng beef jerky. Halos nalimutan na nila ang oras sa pagtikim ng mga samples ng beef jerky na iba iba ang flavors.

"Huwag na tayo magtanghalian! Nakakabusog mga samples!" Masayang komento ni Luis. Kumuha pa siya ng beef jerky mula sa nagtitinda, na abalang naggugupit ng jerky strips gamit ang isang malaking gunting.

Dumaan din sila sa Koi Kei Bakery para masubukan ang mga biscuits na binibigay din bilang samples.

"Don't forget, we have to drop by Grande Verde Hotel. Andoon si Alyx," paalala ni Zaida.

"Daan muna tayo sa Ruins of Saint Paul," pag-aaya ni Jabe. "Drop by lang tapos let's go to the hotel."

Pumayag naman sila Zaida at Luis na akyatin ang Ruins. Isa itong facade ng lumang simbahan na minsang nasunog. Marami ang nagpapakuha ng pictures sa nasabing site, pero pinuntahan pa rin nila ito. Maganda ang carvings ng simbahan at talagang nakamamangha ito. Pagkatapos kumuha ng ilang mga groufies at larawan ay nagpasya na silang magpunta sa Grande Verde Hotel.

Kailangan pang sumakay ng bus papunta sa kabilang dulo ng isla. Buti na lang ay casino bus ito at libre ang sakay. Sa loob ng ilang minuto ay narating na nila ang Cotai Strip, kung saan makikita ang pamosong The Venetian Macau. Andoon din ang City of Dreams, Galaxy Macau, at Grand Cotai Central.

Nakakamangha talaga ang mga naglalakihang casino-hotels sa nasabing area. Mayron pa doon replica ng Eiffel Tower. Tumigil muna si Jabe para magpakuha ng picture sa harapan nito.

"Tama na selfie at hanapin na natin si Alyx!" Biro ni Luis sa kanya.

"Groufie ulit!" Hinila ni Jabe sila Luis at Zaida sabay kuha ng picture.

"Ay, sana di ako pumagitna sa inyong dalawa!" Biro ni Jabe habang tinitignan ang phone screen na may kuha nila.

"Halika na!" Sabay na sinabi nila Zaida at Luis. Nagkatinginan ulit sila at this time, pareho silang natawa.

Kailangan pang maglakad para marating ang Grande Verde Hotel. Buti naman ay di ito gaano kalayo. Hiwalay itong nakatayo sa mga Cotai Strip Hotels. Kasing-tayog din ito ng Venetian at sinalubong sila ng isang white marble fountain. Puti rin ang hotel building at tinatayang mayroon itong 20 floors.

Tahimik nilang pinasok ang Grande Verde.

"Saan natin hahanapin si Alyx?" Tanong ni Jabe.

"Wait, tawagan ko lang si Ziv." Nilabas ni Zaida ang kanyang mobile phone at nag-connect sa Internet. Nagchat siya sa Messenger at nang matapos ito, ay sinabi niyang pababa na ito.

"Sa Verde Restaurant tayo pupuntahan," tugon ni Zaida. Doon na nga sila nagtungo at naupo sila sa isang table malapit sa glass windows.

Maya-maya ay may dumating na lalaking nakabihis ng coat and tie.

"It's you, Zaida."

Tumayo si Zaida at nakipagkamay sa lalaki, na parang nasa edad singkwenta at namumuti na ang buhok. Kung di ito kilala bilang isang taga Kerle ay iisipin na siya ay isang Chinese businessman sa Macau.

"Thanks for taking the time to meet with us. Meet my friends, Jabe and Luis. Luis Moran is from the school where I'm working."

Lumapit sila Jabe at Luis kay Ziv.

"Pleased to meet you, I'm Luis Moran. This is my nephew, Jabe Cruz. He's Alyx' friend."

Nakipagkamayan sila Jabe at Luis kay Ziv.

"I'm Ziv Lee, but my real name is Ziv Lehun," ngiti nito. "Let's sit down and have lunch. Treat's on me," he smiled.

Naupo na sila at sumenyas si Ziv sa isang waiter. Sinabi lang niya ang order at tumango lang ito.

"I'm a regular here, that's why they know me," Ziv chuckled. "Wait, what brought you here? Is it about Alyx? Oh, I think you guys know about Alyx and Zaida!"

"We know by now. Don't worry, your secret is safe with us," tugon ni Luis.

"I'm glad your friends are trustworthy, Zaida." Ngumiti si Ziv sa kanya.

"They surely are," wika ni Zaida.

Dumating ang order na pagkain. It was beef stroganoff, salad, and creme brulee for lunch.

"By the way, do you have any idea where Alyx is?" Tanong ni Zaida.

"Alyx? She just dropped by here to look for her dad but she left too! I don't even know where she's staying. I was able to talk to her, but I told her she was at the wrong place," ngisi ni Ziv.

"What?! Why did you told her that?" Tanong ni Jabe.

"Her dad told me not to let her know about his whearabouts. But then, Alyx is just as smart as him, so she got the place right. I don't know if she'll come back."

"Why would her own dad not want to see her?" Pagtataka ni Luis.

"He thinks she's not yet ready. Though I know she'll be pushy. She might cause a scandal here or something." Napakibit-balikat si Ziv.

"Ate Zaida? Anong ginagawa niyo dito nila Sir Luis at Jabe?!"

Napalingon sila at nakatayo sa tabi nila ni Alyx, na magulo ang buhok at mukhang hinihingal.

"I knew it! You know this guy, Ate Zaida!"

(Itutuloy)


A/N: Photo from Senado Square. Na-miss ko bigla ang Macau while writing this chapter.

Thanks for reading! :)

Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon