14th Star: Day Trip

1K 31 2
                                    

Nagising si Alyx kinabukasan at nagpapasalamat siya na nakatulog siya ng mabuti. Dumaan sa kanyang isipan ang mga pangyayari na kasama niya si Jabe.

Hindi niya napansin na napapangiti na siya mag-isa.

For the first time, she was smiling because of him.

Wake up girl, huwag siya.

Natauhan bigla ang dalaga nang sumagi ito sa isip niya. Agad niyang binawi ang ngiti at tumayo mula sa higaan.

Kailangan niyang ulitin sa sarili na hindi siya pwedeng magkaroon ng malalim na koneksyon sa isang lalaking taga-Earth. Lalo na kapag Jabe Cruz ang pangalan.

Baka friendly lang siya talaga. Di na ako magtataka kung pati sa ibang babae ay ganoon iyon.

Agad iniwaksi ni Alyx ang binata sa kanyang isipan at tinuloy na ang mga nakagawian tuwing umaga.

---

Nang dumating ang tanghalian, naisip ni Alyx na lumabas para bumili ng pagkain. Tinatamad na kasi siyang magluto. Mas mabuti pa kung take out na lang.

Lumabas siya ng condo unit. Saktong pagkalabas niya ay naglalakad sa kanyang direksyon si Zaida. Kasama nito si Luis. Galing sila mula sa team building trip at bitbit ni Luis ang overnight bag ni Zaida.

"Ate!" Napalakas ang tawag ni Alyx sa kanila. Nagulat din siya na nakapatong ang kamay ni Luis sa balikat ni Zaida.

"Alyx?" Napatingin si Zaida sa kanya sabay lipat ng tingin kay Luis. Agad tinanggal ni Luis ang kamay sa kanyang balikat at lumayo ng kaunti, na para bang mukhang napahiya siya.

"Andito na pala kayo?"

"Maaga kasi kami nakaalis. Hindi naman trapik," sagot ni Zaida.

"Kasama mo si Sir?" Tanong ni Alyx.

"Hinatid ko na pala Ate mo," magalang na sagot ni Luis. "Sa bus stop kami bumaba, kaya sinamahan ko na siya all the way here."

Nanlaki ang mga mata ni Alyx kay Zaida, na para bang sinasabing, pumayag ka pahatid?

"He drove me here, kaya di ako makatanggi." Si Zaida. She flashed a sheepish smile.

"Ay, bago ako umalis, gusto ko kayo ayain this weekend sa Tagaytay," ika ni Luis. "Pumayag na Ate mo. I'm just waiting for your reply, Alyx, kasi kasama rin si Jabe."

"Overnight po ba?" Tanong ni Alyx.

"Just a day trip this Saturday. Aayain ko lang kayong mag-lunch sa resto ng tiya ko, tapos the rest of the afternoon is up to you."

Mukhang secretly excited si Luis sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"Sige po, sasama kami ni Ate Zaida," pagpayag ni Alyx.

"That's good! Sige, paalis na rin ako. See you this Saturday!"

Malawak ang ngiti ni Luis sa kanilang dalawa. Umalis na siya at lihim na natatawa si Alyx sa inaasal ng dating propesor.

Pumasok ulit ng condo si Alyx kasama si Zaida.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Zaida sa kanya.

"Bibili pa lang ng food. Teka, parang ang blooming mo lately... May kakaibang nangyari noong team building?" Di mapigilan ni Alyx na tuksuhin si Zaida.

Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon