18th Star: A Searching Heart

923 29 0
                                    

Two days later, lumipad na sila Zaida at Jabe papuntang Hong Kong kasama si Luis. Doon muna sila titigil bago magpunta sa Macau, kung saan pinaniniwalaang nandoon si Alyx. Basta na lang umalis ito ng walang pasabi, dahil nalaman niya na nandoon ang kanyang ama. Bago nito ay inaway niya si Zaida.

Tahimik lang ang naging byahe pa-Hong Kong. Di pa kinakausap ni Zaida si Luis. Hindi niya kasi alam kung paano ito sisimulan. Siguro alam na niya ang lihim nila ni Alyx.

"Sarap ng pagkain dito!" Galak na wika ni Jabe habang sila ay naghahapunan sa isang tradisyonal na Chinese restaurant. Lemon chicken, congee soup, fried rice, at noodles ang kanilang hapunan. Imbis na tubig sa baso ay mainit na tsaa ang hinanda sa kanila. Di kasi gawi ng lugar ang mga water dispenser o pitsel ng tubig na makikita sa mga kainan sa Pilipinas. Kailangan pa nilang bumili ng bottled water sa malapit na 7-11.

"Ate Zaida, Tito Luis, kain pa kayo!" Alok ni Jabe sa kanila.

Nagkataong magkatabi sila Zaida at Luis. Kanina pa awkward ang dalawa sa isa't isa. Nagkatinginan lang sila.

"Kain ka pa, Ma'am," alok ni Luis sa kanya.

Tumango lang si Zaida at kumuha ng lemon chicken gamit ang kanyang chopsticks.

Nang matapos na ang hapunan ay naglakad na sila pabalik sa kanilang hotel. Nauna ng umakyat si Jabe. Aakyat na rin sana si Zaida sa kanyang hotel room pero tinawag siya ni Luis.

"Zaida, maari ba kitang makausap?"

Natigilan si Zaida sa paglalakad. Nilapitan niya si Luis, na nakasandal sa isang barandilya sa may labas ng hotel.

"May..." Naging tensyonado si Zaida at di niya alam ang sasabihin. She looked away from him.

"Naiintindihan kita, Ma'am. Kung sa tingin mo nagbago ang naiisip ko sa iyo, nagkakamali ka. I know about Alyx and you. Jabe told me about it yesterday," kalmadong wika ni Luis.

Zaida looked at him. He smiled warmly, which made her feel more awkward. Gusto niyang tumakbo papalayo sa kanya, pero nanatiling naka-glue ang mga paa niya sa kanyang pwesto.

"Alam mo na? You know I'm not like other women here?"

"Kahit na alien ka ay di pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa iyo." Luis smiled even wider. "You're not less of a person just because you're from another planet."

"So di mo ako isusumbong sa mga scientists dito? Malaki ang kikitain mo kapag ginawa mo iyon." Zaida couldn't help but smile in sarcasm.

"Kasi ikaw ay ma--- ay mali, ikaw ay mahalaga sa akin bilang isang kaibigan."

Luis took her hand. Zaida shut her eyes closed and allowed him to see part of her memories.

Nabigla si Luis at napapikit din siya. Sa kanyang isipan, nakita niya ang isang napakagandang planeta na may lawa at kulay berdeng mga bundok. Nagtataasan ang mga gusaling kulay silver at may mga capsules na nagliliparan. Punong-puno ng mga makukulay na ilaw ang buong siyudad.

May bumungad sa kanya na isang engrandeng palasyo. Napasok niya ang loob nito. Nakita niyang naglalakad si Zaida na naka-itim na uniporme at nakapuyod ang buhok. Nilapitan niya ang isang lalaking may edad na parang statesman. Nag-usap sila at umalis din si Zaida.

Doon na tumigil ang kanyang mga visions. Di niya namamalayan na nabitawan na niya ang kamay ni Zaida.

"Diyos ko," bulong ni Luis. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakita si Zaida sa harapan niya.

"Alam mo na," ngisi niya.

"Ang ganda pala... Di ko inaakala na totoong may alien worlds," ika ni Luis.

"I allowed you to see some of my memories. Kerle ang tawag sa planeta namin," kwento ni Zaida. "Bodyguard ako ng father ni Alyx na presidente ng planetang iyon. Sinakop kami ng masasamang loob kaya pinaalis ako ng father niya para humanap ng matitirahan dito sa Earth. Alyx followed soon. That's why we pretended to be sisters. Who would believe me?" Tawa niya. "We tried to be as normal as we can."

"Pagkatapos, bakit umalis si Alyx?" Tanong ni Luis. "Mukhang nag-away kayo ah."

"Ganoon na nga," Zaida shrugged. "Di niya sinasadyang napuntahan nila ni Jabe yung restaurant kung saan nagkita kami ng contact ko from Kerle. Akala niya balak namin siyang gawan ng masama. The truth is, my contact connived with Alyx' father. He smuggled her dad from prison and made him appear that he, the dad, killed the contact. Then they escaped to Earth. Yung contact na sinasabi ko, dati siyang sundalo ng mga kontrabida na sumakop sa planeta namin. But he had a change of heart and decided to help us."

"Parang plot ng Star Wars ah," tawa ni Luis.

"Too good to be true." Tumingala si Zaida sa madilim na kalangitan.

"Nasaan na ngayon si Alyx?" Tanong ni Luis.

"Nakausap ko yung trusted contact na sinasabi ko sa iyo. He told me that Alyx was able to locate the hotel owned by my contact, Ziv, and the father. Yes, mayaman sila dito."

"How long na silang andito?" Tanong ni Luis.

"Ten years. Same din kami ni Alyx. I've always known na nandito father niya, pero di ko agad sinabi. I remember Doleer telling me to give her a normal life here, na huwag nang mag-alala sa kanya," Zaida said.

"Anong next step niyo?" Si Luis.

"Kapag nagkita kami, mukhang kailangan ko nang sumama sa kanila pabalik sa Kerle. Gusto rin sumama ni Alyx pero sinabihan ko siya to run the hotel in Macau. But matigas ang ulo niya. Sa palagay mo ba, kakayanin niya ang surprise attack sa Kerle?"

"So andoon pa mga kalaban?" Kumunot ang noo ni Luis.

"Kerle is not as beautiful anymore as it used to be. Dahil din sa gyera. Kaya gugulatin namin ang mga natitirang kalaban para mawala na sila ng tuluyan. Ayokong mapahamak si Alyx. Sana makinig siya. May military background ako, kaya alam ko ang gagawin."

Nanahimik silang dalawa.

"A searching heart will always want to go back home," wika ni Zaida. "Naiintindihan ko si Alyx, pero di pa talaga safe para sumama siya sa amin sa Kerle."

"Kausapin mo ng maayos, maiintindihan ka niya," payo ni Luis.

"I will."

A genuine smile appeared on her lips.

"Goodnight na."

Napagpasyahan ni Zaida na maunang umalis, pero natigilan siya. Binalikan niya si Luis at sinabing:

"Sana hindi ito ang huli nating pag-uusap."

Natigilan si Luis.

"Bakit naman? Huwag ka masyadong mag-isip. Makakabalik ka pa dito."

Nilapitan ni Zaida si Luis at niyakap ito.

"Salamat. Tancu."

Bumaklas siya kay Luis.

"Ano iyong huli mong sinabi?" Tanong niya.

"Tancu means thank you sa wika namin sa Kerle."

Wagas na ngumiti si Zaida at naglakad na siya papalayo.

Hindi makaalis si Luis sa kanyang pwesto habang nakatingin sa likod ni Zaida. Something overcame him and filled him, and he knows he'll never be the same anymore.

(Itutuloy)

A/N: I made up the word "Tancu". Obviously derived from "thank you."

Featured song: "Cure" by shlovesyou. It's an indie K-pop musician.

Star PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang