10th Star: New Look

1.3K 39 14
                                    

Halos mag-iisang buwan nang bakante si Alyx. Hindi sa tamad siya at walang ginagawa; sa katunayan nga, halos araw-araw siyang nagbabasa at nagre-review sa mga pwedeng gawin pagkatapos ng kolehiyo.

Napag-usapan na rin nila ni Zaida ang tungkol dito. Sa bandang huli, nakapag-desisyon si Alyx na hahanap na siya ng trabaho sa susunod na buwan. Gusto niya na munang subukan maging guidance counselor sa isang malapit na eskwelahan. Alam niyang kailangan pa nito ng Masters, at willing naman siyang gumawa ng sakripisiyo para dito. Sa bagay, halos di na siya umaasa na may balita tungkol sa Kerle at sa kanyang ama. Ngunit di ibig sabihin nito ay wala na siyang pag-asa tungkol dito. Hinahanda niya lang ang sarili sa mga maaring mangyari.

Tungkol naman sa trabaho niya sa The Little Corner, nakabalik na si Alyx. Na-miss din niya ang kanyang mga kaibigan. Schedule niya ay MWF, mula 5pm hanggang 10pm.

"Na-miss kita, girl!" Excited na wika ni Meryl habang naglalakad sila pauwi. "Naku, buti di na bumalik yung Jade na yun!"

"Kapitbahay ko nga sa condo eh," natatawang sabi ni Alyx.

"Ano?! Eh paano iyan, ginugulo ka?"

"Noong una, magulo siya. Buti natigil kasi pinagalitan ni Ate." Di mapigilan ni Alyx ang kanyang malawak na ngiti. "Tapos nag-sorry siya at naglalagay ng white rose sa may pintuan namin. Since then, sabihin na natin bumait siya. Pinayungan pa nga ako nang abutan kami ng ulan sa may waiting shed sa uni."

"Whoa! Naku Alyx, baka iba ang ibig sabihin niyan! Alam mo na," tukso ni Meryl.

"Oi, malabong magkagusto sa akin iyon! No way!" Umiling si Alyx sa naiisip.

"Diyan nagsisimula iyan! Yihee!"

"Hay naku Meryl, tumigil ka!"

Di maikaila ang nakangising mukha ni Meryl habang ramdam ni Alyx ang pag-init ng kanyang mga pisngi.

---

Dumating ang Sabado. Namalagi ulit sa Alyx sa university library hanggang tanghalian. Kumain siya kasabay nila Jane at Mitzie sa isang fast food, at pagkatapos ay hinatid nila si Jane sa airport, dahil lilipad siya patungong South Korea.

Inaya pa siya ni Mitzie na dumayo sa isang sikat na food park para kumain, pero tumanggi muna si Alyx. Sa susunod na lang daw, sabi niya.

Pagkauwi ni Alyx, nagtataka siya kung bakit tahimik ang kanilang condo unit.

Wala ba si Ate Zaida?

Nakita niya na bukas pala ang kwarto nito, kaya tahimik siyang naglakad papunta dito. Nakaawang ang pinto, at sumilip muna siya para tignan kung nandoon ang kanyang ate.

Nagulat siya sa kanyang nakita.

Naka-upo si Zaida sa harap ng tukador at abala sa paglalagay ng make up. Mabilis siyang naglagay ng pressed powder, tapos kaunting blush-on gamit ang make-up brush. Nag-apply siya ng lipstick na pula at natapos ito nang ilugay na niya ang kanyang mahabang buhok na nakapuyod.

"Date date, sige na, makikipag-date na ako kay Mr. Moran para tigilan na niya ako." Halata ang pagka-inis sa kanyang tinig habang nagsusuklay ng buhok.

"Totoo ba narinig ko? Makikipag-date ka kay Sir Luis?" Gulat na wika ni Alyx.

Nagulat si Zaida at napalingon sa pintuan. "Dyosme, ginulat mo naman ako! Di ko alam nandiyan ka pala."

Pumasok sa loob ng kwarto si Alyx. "Wow, ngayon lang kita nakitang naka make-up!" Tuwang-tuwa siyang makita si Zaida na nakaayos. Never itong nagsuot ng red lipstick.

"Wait 'til you see my outfit." Tumayo si Zaida at pinakita ang kanyang suot: isang spaghetti-strap na red dress na may maliliit na prints at strappy sandals. Nilagay niya ang kanyang mahabang buhok sa kanyang kaliwang balikat.


"She puts on her make-up... And brushes her long dark hair..." Pabirong napakanta si Alyx.

"Okay ba ootd ko?" Si Zaida.

"Di nga kita nakilala eh. Magpaka-girl ka naman minsan," tawa ni Alyx.

Ngumiti si Zaida na abot hanggang sa kanyang mga mata. "Di ko nga nakilala sarili ko sa salamin."

"Sana maging okay gabi niyo." Lumapit si Alyx kay Zaida at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Don't worry Ate, you'll do great!"

"I hope so."

Nag-ring na ang doorbell. Naunang lumabas si Alyx. "Ako na magbubukas," alok niya.

Nagtungo siya sa pinto at pagbukas niya nito, ay nasa harapan niya si Sir Luis.

"Good evening Alyx! Andiyan na ba Ate mo?" Matipid na ngumiti si Luis.

"I'm here."

Tumabi si Alyx para ipakita kay Luis si Zaida. Halos napanganga si Luis sa pagkamangha sa kanya.

"Shall we go?" Zaida smiled playfully at him.

"Ye... Yes..." Di pa rin maka-recover si Luis na para bang nakakita ng diwata.

"Enjoy kayo!" Kinikilig na wika ni Alyx.

Inalok ni Luis ang kanyang braso at kinuha ito ni Zaida. Sabay silang lumabas ng condo unit habang pinapanood sila ng kinikilig na si Alyx.

(Diretso na sa Chapter 10.2!)


Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon