8th Star: Making Amends

1.4K 42 15
                                    

"That was not funny".

Nanahimik sila Jabe at Alyx nang marinig nila si Zaida.

"Bumangon kayong dalawa," utos niya.

Umalis si Alyx sa pagkakadagan niya kay Jabe at tumayo nang maayos. Bumangon naman si Jabe habang nakakapit sa kanyang balakang.

"Grabe ang lakas mong babae," puna nito.

"Alam mo, nakakainis ka na! Ilang araw ka lang nandito sa condo tapos walang araw na lumilipas na di mo ako inaasar!" Galit na bulyaw ni Alyx.
"Mula sa elevator, pag nagkakasabay tayo sa gabi, pag nagkakasalubong tayo... Tuwang-tuwa ka noh?!"

Susugod pa sana si Alyx ngunit pinigilan siya ni Zaida. "Tama na, sa loob na tayo mag-usap. Jabe, sumama ka sa amin," dagdag ni Zaida.

"Ma'am, kasi po---"

"Well, I've heard enough from my sister. You better get dressed properly and knock at our unit for some small talk. Understand?" Matalim na tinignan ni Zaida si Jabe.

Walang magawa si Jabe kundi pumayag. Tahimik itong naglakad patungo sa kanyang unit habang suot ang costume na wedding gown.

Dinala ni Zaida si Alyx sa kanilang tinitirahan. Inupo niya ang nanggagalaiting si Alyx sa sofa.

"Grabe naman siya! Hobby na ba niya ang mang-asar?! Ganoon kaya siya sa ibang babae? Nakakabwisit siya talaga!" Napasuntok tuloy si Alyx sa sofa.

"Here's water." Inabutan ni Zaida si Alyx ng isang basong tubig. Ininom ito ni Alyx at napabuntong-hininga.

"He better change his ways or else---"

May kumatok sa pintuan. Si Zaida ang nagpasyang magbukas nito.

"Good thing you're here. Sit down," wika ni Zaida.

Nahihiyang pumasok si Jabe. Nakabihis na siya ng t-shirt at maong pants. Tinignan niya sila Zaida at Alyx at tahimik na naupo sa armchair

"So, I've heard a lot from Alyx about you," simula ni Zaida. "Bakit lagi mo siyang ginugulo? Ano bang ginawa niya sa iyo? You didn't got over from that coffee cup episode, huh?"

Tinignan ni Jabe ang nakahalukipkip na si Zaida. Lumipat ang tingin niya kay Alyx na nakairap sa kanya.

"Ma'am... Ano kasi..."

"Obviously, nananadya kang mang-asar sa kanya. Aba, wala kang pinagkaiba sa tiyuhin mo! Parehong papansin at presko!" Hindi maikakaila ang pagkainis ni Zaida.

"So... Sorry po Ma'am. Kay Alice po, sorry rin." Tumango si Jabe at di niya maiangat tingin niya sa dalawa.

"It's Alyx pala," pagtatama ni Alyx. "A-L-Y-X. But we're even now. Sana tigilan mo na panggugulo sa akin. I hope this will be the last time."

"Sana pag-isipan mo iyang mga ginagawa mo. Ang laki mo na, para kang high school," galit na tugon ni Zaida. "All right then, you're free to go. Bago ko pa maisipang isumbong kita sa tiyuhin mo. Pareho kayong dalawa."

"Good night po sa inyo... Sorry po." Tumayo si Jabe at naglakad patungo sa pintuan. Nang makalabas na siya ay sinabi ni Zaida:

"Isang tingin ko lang sa kanya, alam kong nakakainis siya."

"Hay naku Ate, tama ka sa sinabi mo." Sumandal si Alyx sa sofa.

"Mukha siyang tanga. What got into him? Oh well, magpahinga na tayo. Siya nga pala, galingan mo sa thesis defense ah?" Ngumiti si Zaida kay Alyx.

"Syempre naman! Kami pa?" Sa wakas ay napangiti rin si Alyx.

"Don't worry about it. Good night."

Star PrincessWhere stories live. Discover now