Ice Princess Chapter 2

340 11 1
                                    

Pagkatapos ng madamdaming reunion, isang mahabang usapan ang sumunod habang sila ay nagmemerienda.

Dinala sila Zaida at ang ama ni Alyx na si Doleer sa isang katabing lounge area kung saan may sofa at center table. Ito rin ang nagsisilbing private library ni Alyx.

"Masaya ako nakabalik na kayo, Pa. Don't worry about the hotel, business is doing great! Andito rin kasi advisor mo from Kerle, he is helping me out with the management. And wala pang nakakahalata na aliens tayo."

Hindi mapigilan ni Alyx ang kanyang malawak na ngiti sabay kagat ng peanut cookies.

"Oo nga eh, I just finished reading the Powerpoint deck you gave me! Lalong dumadami ang booking." Doleer beamed proudly at his daughter as he sipped his tea.

"Ber month kasi Dad, kaya dadami magbabakasyon dito at maglalaro sa casino."

"Expect the holiday months to be in a frenzy," dagdag ni Zaida.

"Ay naku Dad, totoo iyon! Lalo na sa Pilipinas, kapag magpapasko, kahit saang tourist spot, ang daming tao! Di ba Ate Z, we went to Baguio before, tapos Christmas season?"

Alyx smilingly looked at Zaida, who was seated beside her on the sofa.

"Oo, naaalala ko iyon! Ang daming tao! Tapos all over the world pala Christmas celebration," ika ni Zaida.

"Wala kasing Pasko sa planet natin," Alyx quipped.

"But we have a yearly Thanksgiving celebration, isang bagsakan na lang iyon ng reunion at gift-giving, all in one day."

Ngumiti si Doleer habang ginugunita ang masasayang alaala sa Kerle.

"This year, may Thanksgiving celebration ulit," Zaida told them.
"Sa wakas, natapos na rin ang gyera."

"Sino nga pala magiging pinuno doon?" Biglang naalala ni Alyx ang dating tirahan.

"I agreed to hand over my position to Ziv Lehun, he's the new head of state there," Doleer replied casually sabay inom ng mainit na tsaa sa kanyang porcelain na tasa.

"What?!" Kumunot ang noo ni Alyx at di siya makapaniwala. "But he's half Quonsibaar!"

Ang mga Quonsibaar ang mga lahing kaaway ng mga Kerlian. Ang sinasabing si Ziv Lehun
ang nagligtas sa buhay ni Doleer
nang siya ay madakip ng mga
kalaban at makulong.

Pagkatapos nito, nagtago sila sa Earth at naging negosyante si Doleer. Kilala siya bilang si Dominic See, at si Ziv ang tumulong sa kanya, habang nagpaplanong bumalik sa Kerle at maghiganti sa kanilang kalaban.

"His loyalties are with Kerle. Lalo na malaman niya na ang heneral ng mga Quonsibaar ang pumaslang sa kanyang asawa at anak doon."

Nalungkot ang mga mata ni Doleer at nagpatuloy. "Ganoon pa man, he promised to be a good leader. Three months pa lang siya doon, pero marami nang nagawang mabuti. Unti-unti nang bumabalik sa dati ang Kerle."

"Sana makadalaw ako doon," sabik na wika ni Alyx. "I don't think I can just leave this hotel business you built here."

"Actually, retired na ako from all things related to the Kerlian government. Though I will still check them from time to time," ika ni Doleer.

"I understand you naman, Dad. Looks like you want to play Golf or explore the rest of planet Earth."

"You always seem to get it right with my thoughts," tawa ni Doleer.

Tinignan ng lalaki si Zaida. "Paano ba iyan, mag-retire ka na sa pagiging bodyguard ko. You don't have to defend me anymore!"

"You still need a bodyguard here, isa ka sa mga top tycoons dito sa Southeast Asia," paalala ni Zaida.

"I mean, it's time for you to think of yourself. Almost all your life, halos ibuwis mo na ang buhay mo para sa amin ni Alyx. A simple thank you is not enough for all that you did for us."

Ngumiti si Doleer kay Zaida Niraan, ang kanyang kanang-kamay at bodyguard.

"Ang totoo po niyan, inalok ako ni Alyx ng trabaho sa kalapit na hotel, bilang HR head, and I'm considering the idea of applying for the position."

"That's good, pero I'm still waiting for wedding bells," ngisi ni Doleer. "Bata ka pa by Earth years, pwede pa humabol! Huwag puro trabaho!"

"Do I call Sir Luis and ask him to fetch Ate Z?" tawa ni Alyx.

"Oh please, not that man!" Zaida rolled her eyes in disgust.

Si Luis Moran ang dating propesor ni Alyx sa kolehiyo at masugid na manliligaw ni Zaida, na dating nagtrabaho sa unibersidad kung
saan nandoon si Alyx.

"Kunwari ka pa, noong paalis ka nga two years ago, yumakap ka kay Sir! I remember that!" pang-aasar ni Alyx, sabay kiliti sa tagliran ng kanyang tinuturing na Ate.

"Chairman, pigilan niyo po anak ninyo!" Tuluyan nang humagikgik sa tawa si Zaida sabay ganti ng kiliti kay Alyx.

"Umayos kayo!" Natawa na rin si Doleer sa dalawa.

Mukhang unti-unti nang nagbabalik sa dati ang lahat.

Ngunit ano kaya naghihintay na buhay sa kanila dito sa planetang Earth?

Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon