3rd Star: Zaida

3K 79 21
                                    

"Ang aga mo natapos ah. Buti you made it for lunch."

Nakipagkita si Alyx sa kanyang bodyguard at kinakapatid na si Zaida. Magtatanghalian sila sa isang coffee shop sa loob ng unibersidad, kung saan estudyante ng BS Psychology si Alyx. Si Zaida naman ay nagtatrabaho bilang Assistant HR Manager, dahil may kalakihan ang nasabing paaralan.

"Absent kasi ang prof namin," wika ni Alyx. "Wait, may order ka na?"

"What would you like?" Tanong ni Zaida.

"Pesto pasta and iced tea. And don't forget the choco chip cookie." Kumindat siya sa kinakapatid.

"Medyo matakaw ka ata," biro ni Zaida.

"Di naman."

Tumango na lang ito at nagpunta sa counter para mag-order ng pagkain. Bumalik si Zaida na bitbit ang tray ng kanilang pananghalian.

Nagsimula nang kumain ang dalawa. Nanaig ang katahimikan, ngunit di ito awkward para kay Alyx. Di madaldal si Ate Zaida niya, at nasanay na siya dito. Bukod pa doon, seryoso rin siya sa pananaw sa kanilang kakaibang buhay. Naalala niya ang sinabi nito minsan:

Let's just wing it and live the best way we can.

Sa kanyang mga mata ay madaling mababasa ang kanyang personalidad. Kaya marami ang nai-intimidate kay Ma'am Zaida Herrera. Pero alam ni Alyx na there's more to her than meets the eye.

"Kumusta thesis mo?" Si Zaida.

"Okay naman. Maayos naman ka-groupmate sila Mitzie at Jane," tugon ni Alyx. "Buti patapos na kami."

"That's great. Do tell me about your defense next week." Isang maliit na ngiti ang sumilip sa kanyang mga labi.

"Hi Ma'am Zaida!"

Isang lalaking naka-asul na polo shirt at black slacks ang lumapit sa kanila. Matangkad ito at may kalakihan ang katawan. Mukha siyang mestizuhin.

"Hi Sir Luis!" Pangiting bungad sa kanya ni Alyx. Minsan niyang naging prof ito sa English. Bukod pa doon ay nagtuturo rin si Luis Moran ng Journalism. Dati kasi itong radio news anchor.

"Hi Alyx! Galingan niyo sa thesis mo, isa ako sa panel niyo," masaya niyang paalala.

"Siyempre naman!" Nakipag-high five siya dito.

Tumabi si Sir Luis kay Zaida. "Aba, salad lang ang kinakain ni Ma'am Herrera! Kaya ka pumapayat!"

Umirap si Zaida kay Luis. "It's none of your business, Mr. Moran," ismid nito.

"Ang sungit ah!"

Natawa si Alyx sa kanilang dalawa. Aware siya na matagal nang pumoporma si Sir Luis kay Zaida. At nahahalata niyang pigil na pigil si Zaida sa kanyang pagkainis tuwing sila ay magkikita. Amusing ito para sa kanya. Minsan naiisip niya kung unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Zaida kay Luis. O baka imagination lang niya ito. Wala kasi sa personality ni Zaida na magpakita ng kilig.

"Pasensiya ka na Sir. Stressed lang kasi si Ate sa trabaho."

"Ah ganoon ba?"

May nilabas si Luis mula sa plastic bag na dala niya.

"Ito burger Ma'am. Kung hindi pa sapat ang salad sa inyo." Di niya mapigilan na ngumisi.

Nanlaki lang ang mga mata ni Zaida dito.

"Bye Ma'am Herrera!"

Di maitatanggi ang malawak na ngiti ni Sir Luis nang naglakad ito palayo.

Nakita ni Alyx na kinuha ni Zaida ang burger na nakapatong sa lamesa.

"Buy one take one na naman?" Kumunot ang noo nito.

"Ate, it's the thought that counts," paalala ni Alyx.

"He's been giving me these burgers five times a month now!"

"Kinikilig ka naman!"

Halata ang pamumula ng mga pisngi ni Zaida.

"Uy kinikilig nga!" Di mapigilan ni Alyx na tuksuhin ang ice princess na si Zaida.

"Manahimik ka nga! Baka marinig ka ng mga tao dito!"

"Saan mo nilalagay yung mga burgers na binibigay niya?"

"Binibigay ko sa mga kasama ko sa HR Office! Hey, what's with that smiley face?" Tinapik ni Zaida ang braso ni Alyx.

"Honestly, bagay kayong dalawa!"

Zaida rolled her eyes.

"Girl, you know very well we're not allowed to fall in love with the men here."

Nanahimik si Alyx.

"Oo nga... Right."

"Sige na, ubusin mo na iyan meal mo."

"Pero bagay talaga kayo ni Sir Luis!"

"Sana ginawa niyang Jollibee or McDo yung burger."

"Sa McDo ka na lang. Walang forever sa Jollibee."

Nakuha ni Zaida ang ibig sabihin ni Alyx. Alam niya ang mga TV commercials na kanyang tinutukoy. Di na niya mapigilan ang ngumiti.

"Oy, nagkatuluyan sila doon sa isang commercial!" Paalala ni Zaida.

"May burger din iyon! Meant to be kayo ni Sir Luis!"

"Meant to be apart kamo."

Zaida rolled her eyes again, na dahilan ng pagtawa ni Alyx.

(Itutuloy)


Star PrincessWhere stories live. Discover now