9th Star: Another Start

1.4K 43 6
                                    

"Congratulations Alyx!"

Sinalubong ni Zaida si Alyx ng isang mahigpit na yakap pagkalabas niya ng auditorium. Graduation day ng dalaga ngayon at si Zaida ang nagsilbing guardian nito. Syempre, sumama siya kay Alyx sa pag-akyat ng stage para kunin ang kanyang diploma.

"Thanks Ate!"

Mahinahon siyang kumalas sa pagkakayakap ng kinakapatid at sinabing, "Sa wakas, nakatapos din ako ng pag-aaral! Pero dito lang iyon counted sa Pilipinas." Naging mahina ang boses ni Alyx sa pagkakasabi ng mga huling kataga. "Pag nakabalik ba ako sa Kerle, babalik din ba ako ng kolehiyo doon?"

Pinilit niyang maging pabiro, ngunit halata ang bakas ng kalungkutan sa kanyang boses. Papa, sana nandito ka. Naka-graduate na ako. Tapos na sa pag-aaral. Pwede pa kaya ako maging diplomat diyan  sa atin?

Matagal na kasing ninais ni Alyx na makapagsilbi sa Kerle bilang isang alagad ng batas o sundalo.

"Counted pa rin ang education na natanggap mo rito," sagot ni Zaida. Hinimas niya ang buhok ni Alyx. "Sana nga nandito ang iyong ama."

Mapait na ngiti ang sumilip sa mga labi ni Alyx. May sasabihin sana siya kay Zaida, ngunit biglang dumating si Sir Luis.

"Congrats sa inyo, Ma'am!" Masaya niyang bati. "Mahusay mong pinaaral si Alyx!" Nilahad ni Luis ang kanyang kamay at tinanggap naman ito ni Zaida para makipag-kamay sa kanya.

"Lagot iyan sa akin pag nagloko iyan," biro ni Zaida. Agad niyang pinakawalan ang kamay ni Luis at nagtanong, "Teka, nasaan ang pamangkin mo?"

"Si Jabe? He went out of town for a work-related trip. Two weeks siya doon as project consultant for a hospital building. Bakit, miss na ba siya ni Alyx?" Kumindat si Luis sa dati niyang estudyante.

"Sir! Hindi ah!" Natawa si Alyx kahit na bigla siyang nainis nang mabanggit ang pangalan ni Jabe. "Kaya pala ang tahimik na naman ng kabilang unit."

"Na-miss nga niya," ngisi ni Zaida kay Luis. "Medyo magulo siya noong una. Kung ano-ano ginagawa kay Alyx."

"Ah, I know about that. Pinagsabihan ko," tawa ni Luis. "That boy can be immature at times."

Lumapit sila Mitzie at Jane sa kanila. "Alyx, picture tayo! Sa labas ng quadrangle!" Pag-aaya ni Jane.

"Sure!" Ngiti agad si Alyx. "Ate, groufie muna kami sa labas. Sama kayo!"

"Kayo na lang!" Ngiti ni Zaida.

Naglakad papalayo ang tatlo at kumuha ng mga litrato sa labas ng hallway, sa may university quadrangle. Doon ay masaya silang kumuha ng mga larawan. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik din sila sa loob.

"Kinukuha na ako ng Tita ko abroad," kwento ni Mitzie. "May trabaho na doon naghihintay sa akin, sa hotel. Medyo malayo sa pagiging Psych, pero subukan ko na rin."

"Iba nga nagagawa ng may backer. Talagang pahirapan ang job market ngayon," tugon ni Alyx. Tinignan niya si Jane. "Ikaw naman, talagang pupuntahan mo mga oppas mo sa South Korea?"

"Yes! Gift ko na iyon sa sarili ko!" Ngiti ni Jane.

"Ikaw na kinain ng sistema," biro ni Mitzie.

Natigilan sila nang makita sila Zaida at Sir Luis na nakangiti sa isa't isa habang nag-uusap.

"Alyx, alis na kami nila Mitzie. Baka maka-istorbo lang kami," tawa ni Jane sabay nguso sa dalawang nasa malayo.

"Sana maligawan na siya ni Sir! Tamang-tama at graduate ka na!" Sabik na wika ni Jane. "Sige, bye girl!"

Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon