7th Star: Not Funny

1.6K 54 12
                                    

Sadyang mapagbiro ang pagkakataon. Talagang kung sino ang ayaw mong makita ay siya pa ang pilit na pinaglalapit sa iyo.

Walang araw na hindi nakakasalamuha ni Alyx ang mayabang na si Jabe, na nakatira lang sa katabing condo unit. Madalas silang magkasabay sa elevator, o habang naglalakad pauwi si Alyx.

"Wow, ang ganda ng araw ko. Mas gaganda pa ito kung di ko kasabay ang masungit kong kapitbahay."

Pinilit ni Alyx na huwag lingunin si Jabe habang nasa elevator. Sa gilid ng mata niya ay nahagip niya ang pagkindat niya sa kanya.

No, I won't give you what you want, iritado niyang naisip.

Nagbukas ang elevator. Nakarating na sila sa ground floor. Mabilis na naglakad palayo si Alyx.

"Smile naman diyan!" Tawag ni Jabe sa likuran niya.

Dinedma na lang niya ito at nagtungo sa terminal ng jeepney, kung saan siya sasakay papuntang unibersidad. Nakarating din siya, at pinilit niyang huwag isipin si Jabe Cruz.

Pareho lang sila ng tito niya. Masyadong presko at papansin. Though okay naman si Sir Luis, pero Ate Zaida must be feeling the same, gaya ng pagkainis ko sa asungot na iyon.

Buti na lang ay naging busy siya buong araw. Maghapon niyang inayos ang kanilang thesis kasama ang kanyang mga groupmates na sila Mitzie at Jane.

"Kinakabahan ako! In five days na ang defense!" Napahawak si Jane sa dibdib. Nagpapa-print sila ng kanilang papers sa photocopier na nasa labas ng school.

"Relax, kaya natin iyan!" Ngiti naman ni Mitzie. "Payting!" Tinaas niya ang kamao sa ere.

"Sana maging mabait ang panel," wika ni Alyx.

"Naku, talagang magiging mabait ang panel, dahil sa Ate mo!" Natutuwang sagot ni Mitzie. "Sir Luis has the hots for her!"

"Sila na ba?" Usisa ni Jane.

"Ah... Hindi pa," matipid na sagot ni Alyx. "Di naman tayo bibigyan ng grade dahil nililigawan ni Sir si Ate."

"Bagay sila! Yung height, parehong matangkad, tapos equally good-looking pa! Iyang Ate mo, Alyx, pang-beauty queen!" Wagas ang ngiti ni Jane nang sabihin niya ito. "Minsan nakaka-tomboy siya!"

"Woo, girl crush!" Biro ni Mitzie. "Baka magtampo mga oppas mo! Pinagpalit mo kay Ate Zaida!"

"Di ah! Humahanga lang." Sinagi ni Jane si Mitzie.

"Uy, di ba ako maganda?" Biro ni Alyx.

"Ikaw rin naman, mana-mana lang!" Tawa ni Jane.

Natapos na sila sa printing ng papers. Nagtungo sila sa book binder. Mas malaki ang binayad nila dahil rush ang pagpapa-book bind. Kailangan na kasing iabot sa members ng panel para mapag-aralan.

Sa wakas ay natapos na rin ang isang araw. Nagpasiyang kumain ng tatlo sa fast food chain.

"Nakakagutom!" Wika ni Mitzie.

"Kaya pala naka-ubos ka ng Big Burger," ngiti ni Alyx sa empty burger wrapper ni Mitzie.

"Iyan lang kakainin mo?" Turo ni Jane sa chicken meal ni Alyx. "Mag-sundae ka gaya ko!"

Star Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें