5th Star: The New Neighbor

1.9K 59 16
                                    

"You got suspended?!"

Ito ang gulat na tanong ni Zaida nang kinuwento sa kanya ni Alyx ang mga pangyayari sa Little Corner.

"Ate naman kasi, grabe naman yung lalaking iyon. Mali lang spelling ng pangalan niya sa cup niya, naghurumentado na! Hinabol ko tapos sinampal ko!" Humalukipkip si Alyx at sumandal sa sofa.

"Tsk."

Tumayo si Zaida mula sa armchair at tinabihan ang dalaga. "Mali pa rin iyon. Don't you know how much trouble you caused?"

"But it's his fault for being so arrogant!" Di na mapigilan ni Alyx na mainis ngayong naiisip na naman niya ang binatang iyon. "Malay ko ba na Jabe name niya? Arrrgh! I hate him!"

"You're such a kid." Matalim na tinignan ni Zaida ang kinakapatid.

"Sorry na Ate. Buti one-month suspension lang iyon at nakuha ko pa sahod ko." Umismid si Alyx.

"Buti ganoon lang. But that's the first and last time it will happen. Promise me that," seryosong paalala ni Zaida.

Nilabas ni Zaida ang kanang kamay at nilahad ito kay Alyx. Naunawaan niya ang kanyang ibig sabihin.

Pareho nilang sinarado ang kanilang mga kamay. Mukhang nag-fist bump sila pero pinagtagpo nila ang ibabaw ng kanilang mga hinlalaki at nagtama ito pareho. Ito ang counterpart ng pinky swear sa mga inabitants ng planetang Kerle.

"Ayan, nangako ka. Matulog na tayo," wika ni Zaida. Tumayo na siya sa sofa at maglalakad na patungo sa kanyang kwarto nang tanungin siya ni Alyx.

"Zaida, may... May balita ka na ba tungkol sa Kerle at sa aking ama?"

Nag-aalangan ang tinig ni Alyx pero naisipan na niyang tanungin ito.

Lumingon si Zaida at matipid itong sumagot:

"Wala pa."

Iyon lang ang narinig ni Alyx mula sa kanya.

Tahimik niyang pinanood ang pag-alis ni Zaida. Napahiga si Alyx sa sofa.

Sumagi na naman sa isipan niya ang kanyang planeta at ang ama. Halos sampung taon na ang nakaraan ngunit bakit wala siyang naririnig kahit man lang balita mula kay Zaida?

May tinatago kaya siya sa akin?

Ayaw niyang mawalan ng tiwala sa isang tao na halos pamilya na ang turing sa kanya. Alam niyang hindi gagawa ng masama si Zaida o magtataksil laban sa kanya at sa kanyang ama. Kung ganoon man ang kaso ay sana dati pa niya ito ginawa.

But the fact that she knew nothing of her home planet was driving her crazy, day in and day out. Buti nalilimutan niya ito dahil sa school work.

Ilang buwan na lang, tapos na ako ng kolehiyo. Sana man lang maiba na kapalaran ko. Sana balikan ako ni Papa.

Napapikit si Alyx. Ang munting pag-asa na iyon ang tumutulong para siya ay magpatuloy.

---

Naalimpungatan si Alyx at unti-unting nawalan ng antok. Pagmulat niya ng mata ay napatingin siya sa puting kisame.

Nakatulog ako dito sa sofa.

Inangat niya ang kaliwang kamay at tinignan ang oras sa wristwatch. Alas-siyete y media na pala ng umaga.

Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon