2nd Star: Alyx

4.5K 107 11
                                    

Here's your breakfast. Take care of yourself today.

Nagising ang dalaga at inaantok siyang nagpunta sa dining table. Dito niya nakita ang sticky note kung saan nakasulat ang mensahe ng kanyang nakakatandang kapatid na si Zaida. Agad siyang naupo at kinain ang nakahandang cereal na may gatas at toasted bread.

Ang totoo niyan, hindi niya talaga kapatid si Zaida. Sila ay mga dayo dito sa Pilipinas. Mukha silang foreigner na pwedeng nanggaling sa ibang bansa gaya ng America or Europe.

Pero di rin sila galing sa mga nasabing lugar.

Halos sampung taon na ang nakararaan nang dumating si Alyx sa planetang Earth. In short, siya ay isang alien na nanggaling sa constellation na Sagittarius. Labag man ito sa kanyang kalooban ay kailangan niyang sundin ang bilin ng ama na lisanin na ang kanilang planeta.

Ang kanyang ama ang namumuno sa naiwan niyang tahanan. Kumbaga, presidente ang kanyang ama ng kanilang planeta, at ito ang huling lugar sa kanilang galaxy kung saan may kalayaan. Tatlong planeta na ang nasakop ng kilalang mga kaaway ng kanilang lahi, ang mga Quonsibaar. Noong panahon na pinaalis siya ay nasakop na sila, at patatalsikin na sa pwesto ang kanyang ama.

Lahat ay nagawa nito para mapanatili ang kalayaan at maayos na pamumuhay ng mga tao sa planetang Kerle, ngunit wala pa rin silang ligtas sa dami ng hukbong Quansibaar. Isang kahinaan ng Kerle ang kakulangan ng hukbong sandatahan at ang pagiging malamya ng pamumuno. Sa tagal nilang nabubuhay ng malaya ay di na rin naisip na palakasin ang hukbong sandatahan nito. Isa rin dahilan ang pagiging mayaman nito sa likas na yamang lupa at yamang tubig, kaya natuksong sakupin ito ng mga kaaway.

Kaya sa huli ay ang pagtakas ang huling solusyon ng kanyang ama. Alam nito na kapag nahuli siya ay madadamay rin ang kanyang kaisa-isang anak. Kaya pinapunta niya si Alyx sa planetang Earth.

Totoo ang Earth, mahal na ama?

Hindi biro ito, matagal na nating alam ang Earth pero sila, hindi nila alam na may mga ibang taong nabubuhay sa labas ng kanilang tahanan sa solar system.

Palaging naiisip ni Alyx mula noong pagkabata kung may mga ibang planeta sa universe. Ngayon ay alam na niya at dito na nga siya nakatira sa loob ng sampung taon, ngunit di pa rin niyang magawa na ituring ito bilang tahanan.

Wala na siyang balita sa ama. Masyado na itong matagal para sa kanya. Di na niya alam ang mga nangyayari sa Kerle, at ito ay labis niyang kinababahala. Nandoon pa kaya ang kanyang pinakamamahal na tahanan? Buhay pa kaya ang kanyang ama at ang naiwan niyang mga kaibigan?

Wala rin silbi na magtanong kay Zaida. Kahit siya ay di rin masagot ang kanyang mga tanong. Si Zaida ang dating bodyguard ng kanyang ama na nauna nang tumira sa Earth. Mas matagal na siya dito at mukhang nawili na yata sa kanyang trabaho at pamumuhay. Pero di rin iyon masabi ni Alyx. Kilala kasi si Ate Zaida niya na halos walang pinapakitang emosyon.

Baka nag-aalala lang din siya, at ayaw niya rin akong mabahala.

Tinapos na ni Alyx ang kanyang agahan. Dumiretso siya sa banyo at naligo. Nagbihis siya at naghanda sa kanyang pagpasok sa eskwelahan.

Masusi niyang tinignan ang sarili sa salamin. Sa kanyang suot na white t-shirt, faded jeans, at black sneakers, ay para lang siyang isa sa mga Earth girls na fashionable. Di maikakaila na may taglay siyang kagandahan; brown na buhok at mata at maputing kutis ang kanyang best assets. Naisip niya si Zaida. Di niya ito kamukha, pero sa kanyang tindig, itim na mahabang buhok, matapang na mga mata, at likas na kaputian ng balat, ay maituturing din ito na maganda. Ayon sa standards ng planetang Earth.

Buti wala pang nagtatanong kung bakit di kami magkamukha. Salamat at nakapag-adjust ako dito kasi tinulungan ako ni Zaida.

Pinilit ngumiti ni Alyx sa kanyang sarili, ngunit ramdam niya ang di maikakailang kalungkutan na namumuo sa kanyang puso. Matagal na ito, at lalo lang nagiging malakas sa paglipas ng mga araw.

Ngunit alam niyang ayaw ng kanyang ama na manatili siyang ganito. Dapat siyang magpatuloy sa kanyang buhay.

Tahimik niyang iniwan ang kanilang condo. Oras na para harapin ang mundo bilang isang estudyante sa kolehiyo.

Siya si Alyx Herrera, bente-tres anyos. Ate niya si Zaida Herrera, na sampung taon ang tanda sa kanya. Empleyado ang kanyang ate sa unibersidad kung saan siya nakapasok dahil sa scholarship.

Apat na taon ng high school, tatlong taon ng kolehiyo, at ngayon ang huli niyang taon sa kolehiyo.

Kakaiba pa rin sa kanya ang planetang Earth. Pero masaya rin matuto ng iba't ibang mga bagay, lalo na sa mainit, masalimuot, at makulay na bansa na ang tawag ay Pilipinas.

(Itutuloy)

A/N: What do you think, guys?

Hope you'll read this kahit di HisFic. Babalik din ako sa pagsusulat ng HisFic, pero for now, let me try first sa fantasy hehehe. Salamat! :)

Star PrincessWhere stories live. Discover now