17th Star: The Talk

869 28 0
                                    

"Hi Ate Zaida, kasama ko lang po si Alyx. Inuwi ko na siya."

Pumasok sila Jabe at Alyx sa condo, kung saan nila nadatnan si Zaida sa living room. Halata ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Salamat at inuwi mo si Alyx. Jabe, pwede umalis ka muna? Kailangan naming mag-usap na kami lang," hiling nito.

"Okay po."

Tinignan ni Jabe si Alyx, na mukhang di alam ang gagawin. Halata ang sama ng loob sa kanyang mga mata. Tinignan ni Jabe ang dalaga na parang sinasabi niya na huminahon lang ito, at umalis na rin siya.

Nanatiling nakatulala si Alyx hanggang sa tinawag ni Zaida ang kanyang pansin.

"Alyx, maari ba tayong mag-usap?"

Matamlay na bumaling si Alyx kay Zaida.

"Sige."

Naupo siya sa armchair, habang si Zaida naman ay nasa sofa.

"Alyx, tungkol sa narinig mo kanina---"

"Pwede diretsuhin mo na ako? Or rather, just give me away to the enemies." Alyx was half-expecting for a Quonsibaar army to appear at their condo.

"Alyx, huminahon ka muna."

Nagbuntong-hininga si Alyx. Nang naramdaman ni Zaida na kalmado na ito, doon siya nagsimula.

"Si Ziv, yung kausap ko kanina... Oo, Quon siya, pero di siya kaaway. Alam niya kung nasaan ang ama mo. At may plano sila, or rather, kami, at ito ay make-or-break. Kailangan manalo kami dito, kasi ito ang magtatakda sa future ng Kerle."

Kumunot lang ang noo ni Alyx. Pinilit niya ang sarili na huwag muna magsalita.

"Ang huling nangyari, nadakip ang ama mo ng mga Quon at kinulong for three years. Pero may isang officer na tumiwalag. Si Ziv iyon. Taga-Kerle kasi ang ina nito, at alam niyang mali na ang pinaggagagawa ng kanyang lahi. Kaya sinubukan niyang sagipin sa kulungan ang iyong ama. Planado ang lahat ng ito. Pinalabas ng ama mo na napatay niya si Ziv habang tumatakas. Pero ang totoo, nakatakas silang dalawa at nagpunta dito sa Earth."

"Saan sila nagtatago dito?" Unti-unti nang nagkakaroon ng kasagutan ang mga tanong sa isipan ni Alyx. Pero di pa rin maalis sa kalooban niya ang sama ng loob sa kinakapatid.

"Nasa Macau ngayon ang iyong ama. Pitong taon na siyang namamalagi doon bilang isang businessman na may ari ng hotel. Business partner din niya si Ziv.  Some Kerlians helped them establish a business in that place. They're just waiting for the right time to go back to Kerle and strike the enemy," rebelasyon ni Zaida.

"He was here all this time," bulong ni Alyx. Naalala niya ang lalaking nakita dati sa bookstore. Hindi ako nagkakamali. Siya nga iyon.

"Patawarin mo ako kung inilihim ko sa iyo. Para rin ito sa kapakanan mo. The last time I talked to your father, he wanted you to have a normal life here."

"Pero di na talaga ito normal ever since," wika ni Alyx.

"I will let you meet your father after we return from Kerle," mungkahi ni Zaida.

"What?! You're going to make me wait that long again? Bakit di pa ngayon?" Alyx bitterly said.

Zaida was about to speak up, but Alyx cut her short.

"Di tayo sigurado kung magiging successful iyang mission niyo. Please let me get involved."

"Your father wants you to take over the hotel business in Macau while he's away with us."

Star PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon