050

1.8K 117 263
                                    

"Pasensya na kasi pinili kong magtiwala sayo. Pasensya na kasi kinumbinsi ko ang sarili ko na mahal mo rin ako, Chanyeol."

Tinalikuran na ni Baekhyun si Chanyeol matapos niya 'yong sabihin. Kung tutuusin nga'y sobrang dami niya pang gustong sabihin pero mas pinili niya na lang na manahimik.

Pupunta na sana siya sa kwarto ni Jesper pero natigilan siya noong hinawakan ni Chanyeol ang braso niya.

"Baek, 'wag namang ganito oh? Pakinggan mo naman muna ako..." Sabi ni Chanyeol, bakas na bakas na ang pagmamakaawa sa boses, "Baek, wala akong ginawang masama. Maniwala ka naman sakin oh?"

Gulong-gulo ang isip ni Chanyeol ngayon dahil sa kaba, takot, at sakit. Sa kaba na dulot ng pagtingin sa kanya ni Baekhyun na para bang may bahid ng pandidiri, lungkot, at galit. Sa takot dahil sa isiping malaki ang posibilidad ngayon na mawala sa kanya si Baekhyun at Jesper. At sa sakit dahil nasaktan niya si Baekhyun nang hindi naman niya sinasadya— na hindi naman niya ginusto.

Lumaki si Chanyeol na sobrang galing sa salita. Palagi itong hindi nawawalan ng sasabihin, pero parang bigla 'yong nagbago ngayon.

Hindi siya makapagpaliwanag.

"Wala kang ginawang masama?" Natatawang tanong ni Baekhyun, "Itatanggi mo pa kahit kitang-kita ko na ang kahayupan mo?" Lalong natahimik si Chanyeol noong tumaas na naman ang boses ni Baekhyun.

"Anong tingin mo sakin? Tanga? Bobo? Mangmang?" Dirediretso na sabi ni Baekhyun, naluluha na naman, "'Yung nasa harap ko na mismo ang ebidensya pero isasawalang-bahala ko lang dahil sinabi mo wala ka namang ginagawang masama? Ganon?"

"Nalasing ako, Baek. Kahit lasing ako, alam kong wala akong ginawang masama. Alam kong 'di ako humawak sa iba—"

"Sa tingin mo ba paniniwalaan pa kita?" Sabat na agad ni Baekhyun, "Chanyeol, 'wag mo akong gawing tanga."

"Aminado akong mali ako dun sa parteng nag-inom ako nang hindi manlang nagsabi sayo. Mali ko 'yon at hindi ko itatanggi sayo." Huminga nang malalim si Chanyeol, "Pero Baekhyun, wala akong ibang ginawang masama."

"Nagagawa mong sabihin sakin 'yan habang ganyan ang itsura mo?" Mariin na tanong ni Baekhyun habang nakatingin sa mga markang iniwan ni Jinah sa leeg niya.

"Baek, nakatulog ako. Pagkagising ko meron na a—"

"Ayoko nang marinig, Chanyeol. Tama na."

Nanlamig lalo si Chanyeol noong tumalikod na nang tuluyan si Baekhyun sakanya.

"'Wag mo lang kalimutan ang anak mo." At ayon ang huling narinig ni Chanyeol mula kay Baekhyun noong madaling araw na 'yon.

Jaehyun
15:28

[ "Tumahan ka na. Hindi ba napapagod mata mo? 15 minutes ka na atang umiiyak dyan eh." ]

"Pasensya na kung naiistorbo kita ah. Tulog pa kasi si Kyungsoo ngayon kaya ikaw muna tinawagan ko."

[ "Wala naman akong ginagawa kaya hindi ka istorbo. Ano bang nangyari?" ]

"Umuwi na lang siya kaninang madaling araw na may mga hickeys sa leeg. Nakainom daw siya."

[ "Saan daw galing?" ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DADDY YEOL | on-holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon